chapter 21

7.6K 218 11
                                    

"Jasper, Jasper! " nagising ako ng may yumugyug sa balikat ko.

"Hmm mhicka"nakatulog pala ako habang binabantayan si bettina na mahimbing pa din ang pagkakatulog.

"Umuwi kana ako muna ang magbabantay sa kanya" hinawakan ko ang kamay ni bettina, hanggat maari ayokong umalis sa tabi nya.

"Hindi dito lang ako" napabuntung hininga sya.

"Jas ilang araw kanang hindi umuuwi, napabayaan na rin ang trabaho mo"

"Mas importante sya"

"Alam ko, pero kailangan mo din alagaan ang sarili mo baka mamaya nyan ikaw naman ang magkasakit" bumukas ang pinto pumasok si carlo.

"Kami na ang magbabantay sa kanya "

"Sige na jasper"

"Sige" pagpayag ko nakaramdam din kase ako ng pagod.

"By the way here! Basahin at panourin mo, nakita ko yan sa bahay mo kahapon" inabot nya ang brown envelope.

"Ano to? " takang tanong ko.

"Tingnan mo nalang"

"Ok"tumayo ako at hinalikan sa noo si bettina bago ako umalis.






Sa condo na muna ako tumuloy pagkatapos kong magbihis umupo ako sa kama,napansin ko ang envelope na binigay kanina ni mhicka. Kinuha ko at binuksan tape at notebook ang nakalagay binuklat ko ang notebook sulat kamay ni bettina ang tumambad.

Alam ko dadating din ang araw na mapapatawad nya ako ,kasalanan ko naman kase dapat nakinig ako sa kanya.

Nasigawan ako nya ako kanina diko kase naayos ang pagplantsa sa damit nya. Sorry jasper .

Sinaktan na naman nya ako dahil sa nakita nya kame ni Bryan. Mali anh iniisip nya gusto lang akong damayan ni Bryan pero hindi sya nakinig. Kahit anong gawin nyang pasakit diko parin sya iiwan mahal na mahal ko si jasper.

Parang dinakma ang puso ko sa lahat ng ginawa dito nya nilagay.

" I'm so sorry bettina" sambit ko. Napansin kong may nakaipit na papel. Ultrasound? Binasa ko kung San nakaipit ang papel.

Gusto ko sanang sabihin sa papa mo baby na andito kana, kaya lang lagi akong inuunahan ng kana pasensya kana baby dipa alam ng papa.

Ang tanga ko hindi ko man lang naisip at napansin na buntis na pala sya ang masaklap pa nasaktan ko ang may ina ko. Naalala ko nang minsang pinuntahan nya ako.

"Jasper may gusto sana akong sabihin sayo... Jasper kase bu-bun-"

"Aaaahhhhgggg!!!" Sigaw ko magtatapat na pala sana sya noun pero diko hinayaan napakalaking kong tanga!.

I'm sorry baby kasalanan ko kung bakit ka nawala, sana diko nalang sya pinatulan, sana nag ingat pa ako, sorry napabayaan ka ng nanay sorry talaga baby ko.

Tuluyan ng nalaglag ang luha ko. Nawala ang baby ang anak namin, nawala dahil sa kapabayaan ko. Kinuha ko ang tape at sinalang, kuha to sa cctv ng loob bahay. Nakita kong may pinagbuksan si bettina si lyka, nag uusap sila ng biglang humantong sa pag aaway, hanggang sa napaupo si bettina.

"Kasalanan ko to" kaya pala galit na galit sya Kay lyka at parang gusto nyang patayin ang babae.
Bumukas ang pinto pumasok si lyka.

"Hi honey! " bati nya sinamaan ko sya ng tingin. Napansin nya ang pinapanoud ko.

"Ahmm ja-jasper " umatras sya kinuyom ko ang kamay ko.

"Kasalanan nya kase masyado syang malandi" nagpanting ang tenga ko sa sinabe nya lumapit ako sa kanya hinawakan ko ang braso nya nanggigil ako sa kanya.

"Anong sabi mo!!! " sigaw ko.

"Jasper! Nasasaktan ako bitiwan mo ko" lalo kong hinigpitan ang hawak sa braso nya.

"Kung may Mas malandi man ikaw yun lyka! Ngayon umalis kana bago pa kita masaktan! " binitawan ko sya.

"Pero ja-jas"

"Alis!!! " dali dali syang umalis ng akmang lalapitan ko sya.

"Aaarrrgggh!!!" Sigaw ko lahat ng makita ko binasag at pinagbabato ko, wala akong pake kung kung maubos man ang gamit ko. Galit na galit ako sa sarili ko napaka gago ko kasalanan ko ang nangyare sa mag ina ko, napaupo ako sa sahig ang sakit ako ang dahilan kung bakit nawala ang anak ko, ako din dahilan kung bakit nagkaganoun si bettina. Lalo akong napaiyak hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko pinagmalupitan ko sila, dahil lang sa pagkamuhi ko sa isang Taong walang ibang ginawa kundi mahalin ako.
Bumukas ang pinto hindi ko nilingon kung sino man ang pumasok nanatili lang akong nakayuko.

"Jasper anong nangyayare sayo?" Gulat na tanong ni mama, tiningala ko sya lumapiy sya sakin.

"Ma kasalanan ko lahat! " niyakap nya ang ulo ko habang nakaluhod sya sa harap ko.

"Ssshhh tama na "

"Pati baby namin ma nawala nang dahil sakin "para ako batang naagawan ng laruan At nagsusumbong sa nanay pero wala akong pake.Pinaharap nya ako naiiyak na din sya.

"Nangyare na ang lahat anak, magsisi man tayo hindi na natin maibabalik ang dati. Tulungan mo si bettina na bumalik sa dati iparamdam mo sa kanya kung gaano mo sya kamahal " tumango magsisi man ako huli na ang lahat,pangako aalagaan at papahalagahan na kita.







Thanks sa mga nagbabasa :)













Stay With Me Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum