Chapter 8

7.6K 198 0
                                    




"Oh my gash!Di nga ako nagkamali ang ganda mo nga!" Tili ni Mhicka pinagmasdan ko ang sarili ko sa harap ng salamin ganito pala ang hitsura ko pag inayos napangiti ako

"Ayan mas lalong lumabas ang ganda mo pag nakangiti ka"

Tumingin ako sa kanya napag alaman ko na pinsan sya ni Jasper Mhicka delos Santos ang sikat na make up artist sa bansa hindi ko sya nakikila kung hindi ako nagtanong kaya pala napakagaling nito sa pagme make up at talagang bihasang bihasa.

"Ikaw din ang ganda mo"
Inayos nya ang sout kong black gown na may maliliit na crystal sa paligid hapit na hapit sa katawan ko nanibago pa din ako ngayon lang kase ako nakasout ng ganito,kita ang makinis kong balikat kinulot nya din ang mahaba kong buhok pero hanggang ngayon wala parin akong ideya kung para saan tong pagpapaganda nya sakin

"Ay sus!Alam kong maganda ako pero mas maganda kapa,tyak! Tutulo ang laway ni Jasper pag nakita ka haha!"

"Hindi naman siguro" Sagot ko nahihiyang sagot ko. Hinila nya ako palabas ng kwarto dere dertso kaming bumaba sa hagdan hanggang sa makarating sa sala.

"Hi Jasper! She's here na!"
Tawag ni mhicka parang nag slowmo bigla sa paligid ng lumingon sya. Hes wearing a black american coat and slacks. Lalaking lalaki ang dating nito nakaayos ang buhok na binagay sa gwapo nitong mukha ngumiti ako ang gwapo nya sobra,ang maganda nyang mata na nakatingin sakin ay tila hinihila ako papalapit sa kanya napayuko ako sa paraan ng pagtitig nya hindi ko kayang salubingin ang mata nyang nakatitig sakin para akong natutunaw.

"Hey matutunaw na ang prinsesa mo" Para syang natauhan bigla napatingin ako kay Mhicka ngumisi lang sya sakin at kumindat.

"Zip your mouth mhicka or else-!" Banta ng binata hindi nito natapos ang sasabihin ng sumabat na si Mhicka.

"Fine umalis na nga kayo"saka sya tumingin sakin.

"Sabi ko na nga ba matutulala sya" bulong nya sabay ng paghagikgik nginitian ko lang sya wala kase akong masabi.

"Go!" Tinulak nya ako ng bahagya nasa harap na ako ni Jasper hinintay ko syang maunang maglakad at susunod ako pero nanatili lang syang nakatayo,nang hawakan nya ang kamay ko nagulat ako sa ginawa nya akala ko mauuna na sya magkahawak ang kamay na lumabas kami ng bahay malakas ang kabog ng dibdib ko sa ginawa nya hindi ko inaasahan ang gagawin nya ni minsan hindi nya hinawakan ang kamay ko na walang pananakit na kasama. Nanlalamig ang kamay ko ganito pala ang pakiramdam kapag hawak ang kamay nya.

Tumigil kami sa paglalakad pagkarating sa tapat ng pinto ng kotse nito. Humarap sya sakin at matiim na nakatitig sakin nanatili akong nakayuko hindi ko magawang tuningin sa kanya nanginginig ang tuhod ko sa ginagawa ng mata nya sakin.

"Look at me" utos nito. Alinlangan na tumingin ako sa kanya, tinaas nya ang mukha ko gamit ang daliri nito sinalubong ako ng mata nya. Hindi ko makita kung ano ang nasa mga mata nya pero wala na doon ang galit, bumaba ang tingin nito sa labi ko napalunok ako ng unti unting bumaba ang mukha nya. Masuyo nyang hinagkan ang labi ko napapikit ako ng maramdaman ang init ng labi nya sa labi ko muli unang pagkakataon na naman na masuyo nya akong hinalikan walang halong galit.

Dinilat ko ang mata ko ng huminto sya sa paghalik pero hindi nito inilalayo ang mukha sakin naiilang na ako sa titig nya.

"Youre so beautiful" anas nito. Napatitig ako sa kanya ibang iba sya ngayon naninibago ako sa kanya pero nagpapasalamat na din dahil hindi na sya galit sakin. Binuksan nya ang pinto ng sasakyan ng makasakay ako ito pa ang nagkabit ng seatbelt ko, langhap na langhap ko ang mabango nyang amoy nanonout sa ilong ko pagkatapos nyang ikabit ang seatbelt sumakay na din ito umusad ang sasakyan papalabas ng bahay nito.

Hindi ko magawang magsalita habang nasa byahe. Saan nya ba ako dadalhin? Bakit sinama pa nya ako? Panaka nakay sinusulyap ko sya maaliawalas ang mukha nito habang nagmamaneho napangiti ako ng maalala noon kung ano gaano ito kagwapo kapag nakaside view ay wala itong pinagbago hanggang ngayon naging mas lalaking lalaki pa ang dating nito ngayon.

"Why you smiling?" Napaigtad ako ng marinig ang boses nya. Hindi galit ang boses nya natural lang.

"Wala" sumulyap sya sakin saka binalik ang tingin sa daan.

"What is it?" Muli nitong tanong. Umiling ako ayokong sabihin sa kanya at baka mapahiya pa ako. Baka isipin nya na nagagwapuhan ako sa kanya kahit totoo naman pero nakakahiya parin, babae ako kaya dapat respetuhin ko ang sarili ko. Hindi na ito nangulit pa inabala ko ang sarili sa pagtingin sa labas. Ilang taon na ba akong nakakulong sa bahay nya? Ilang taon na nga bang hindi ko nakita na ganito pala kaganda ang labas? Bigla akong nakaramdam ng lungkot, simula ng ibayad ako ni Tatang sa kanya ni hindi ko nagawang maging masaya at makisalamuha sa ibang tao. Ngayon nag iba na sya pero hanggang kailan ang pakikitungo nya sakin ng ganito? Hanggang kailan nya ako kakausapin na walang sigaw? Hahawakan ng walang galit? Hindi ko alam hindi dapat ako umasa pero sa ginagawa nya ngayon libo libong pag asa na ang nabubuo sa dibdib ko.

"Are you sad?" Marahan akong umiling. Sana ganito nalang sya palagi sana tuluyan ng nawala ang galit nya sakin.

Hindi ko alam kung ilang oras kaming bumyahe, nakarating kami sa isang magarang bahay o mas tamang tawagin na mansyon pinagbuksan nya ako ng pinto at inalalayang lumabas ng sasakyan. Kinuha nya ang kamay ko at inilagay sa braso nya pumasok kami sa pinagdadausan ng party.


"Jasper!" Salubong ng isang matandang babae. Hinila ko ang kamay sa braso ni Jasper pero agad nya din itong nahuli.


"Mabuti naman at nakarating kayo" bumaling sakin ang ginang nagulat ako ng halikan nya ako sa pisngi.

"Your date?" Tanong nito kay Jasper pero sakin nakatingin. Hindi sumagot ang binata parang may kumirot sa gilid ng dibdib ko sa hindi pagtugon ng binata, pero ok lang hindi naman talaga nya ako date kaya hindi dapat ako masaktan. Umalis ang ginang samantalang nanatiling hawak ni Jasper ang kamay ko ni hindi nito binibitawan kapag may kausap itong mga katulad nyang negosyante.

Pinanoud ko lang sya kung paano sya makisalamuha sa ibat ibang tao. Hes Good. Mataas ang confidence nito sa harap ng maraming tao samantalang ako? Gusto ko ng lumubog sa kinatatayuan ko dahil wala naman akong ibang ginawa kundi ang tumayo sa tabi nya at pakinggan ang pag uusap nila.

Stay With Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon