Twenty-one

2.2K 110 17
                                    


"Graduation niyo na next week. Congratulations in advance."

Napangiti naman ako. "Thank you, hindi pa nga ata ako magpaalam sa lugar na 'to" ibinaling ko ang tingin ko sa kanya "at sa mga taong mahalaga sa buhay ko."

Tiningnan din niya ako "Don't say goodbye. Hindi pa naman ito ang huling pagkikita natin di ba?" Tanong niya.

Wag kang iiyak, Ara. "Sana."

Tumango-tango naman siya. "Sana..."

"Thomas, bakit ka nagpunta dito?" Lakas loob kong tanong sa kanya.

Umurong naman siya papalapit sa akin tsaka ako tinitigan "Sorry kasi naduwag ako noon. Sorry kung paulit-ulit kitang nasasaktan ng hindi ko namamalayan" Hinawakan niya ang kamay ko. "Sorry kasi mahal ka ng gagong 'to."

At doon ay tinaraydor na ako ng aking mga luha. "Thomas..."

Nginitian niya ako. "One wish, Ara. Wish for anything and I'll give it to you."

Paano ko hihilingin sa kanya ang isang bagay na ipinagdamot kong ibigay sa kanya noon? Baka hindi second chance ang kailangan namin.

Bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Mukha namang alam na niya ang hiling ko. Hindi 'to para sa akin, para sa kanya 'tong hiling ko.

Pinikit ko ang aking mga mata "Hinihiling kong mahanap mo na ang kaligayahan mo. I am letting you go, Thomas."

Napayuko naman siya at umiyak na tila isang bata. "Paano kung ikaw yung kaligayahan ko?"

Napailing ako "Mahabang panahon din yung sinayang mo sa akin pero tingnan mo, parehas lang tayong nasasaktan" hinawakan ko ulit ang kamay niya "Subukan muna nating magmahal ng iba."

"Bakit Ara?" Malungkot niyang tanong.

"Dati sabi ko napaka-unfair ng tadhana, ibinigay ka tapos kinuha ka din. Tapos ibinigay ka ulit at kinukuha ka na naman" lumapit ako sa kanya at pinunasan ang mga luha niya "baka ito yung way ng tadhana para sabihing hindi ka para sa akin kaya pinapalaya na kita."

He smiles bitterly at me "So..."

"Let's leave it at this," I say. "Parang kagaya noon, this isn't our time. Maybe one day, we'll get the timing right."

"Maybe"

"Or maybe we just weren't meant to be," sabi niya

"And maybe that's okay." I can feel my heart breaking.

Nauna na akong maglakad palayo kay Thomas. Ito na ata ang pinakamahirap na paglakad na nagawa ko, ang maglakad palayo sa taong mahal ko.

"Labsy.. I love you!" Sigaw ni Thomas at napahinto ako sa paglalakad.

"I love you too, Bansy!" Sagot ko pero hindi na niya yun narinig at nagsimula na ulit akong maglakad papalayo sa kanya.

Noong gabing yun, pinalaya namin ang isa't isa. Yung nangyari sa amin ni Thomas parang mga eksena behind-the-scenes; magulo, komplikado pero ito yung pinakamasaya sa lahat dahil lahat ng nangyayari dito totoo, hindi scripted. Parang yung feelings namin sa isa't isa.

Hindi ko pinagsisisihang na-in love ako sa isang hindi katangkarang basketball player na kamuha ni Bimby. Thomas Christopher Torres, sobrang mahal kita kaya pinapalaya na kita.

---

Three years after...

"Late ka na naman!" Angal sa akin ni Mika pagkasakay ko sa kotse niya.

Inirapan ko naman siya "Maka-naman ka naman diyan. Hoy ngayon lang ako na-late noh!"

Nagmake-face naman siya. "Whatever!"

Friends parin si Mika at Jeron. Sabi ko sa inyo #brogoals sila eh. Nagkaaminan din naman sila ng feelings nila for each other pero mas pinili nilang maging magkaibigan nalang dahil according to them friendship lasts, relationships don't. Hanggang ngayon single parin si Mika at hinihintay ang prince charming niya.

Pinark ni Mika yung sasakyan tsaka kami pumasok sa restaurant kung saan kami magkikita ng bullies.

"Arabella! Damulag dito!" Sigaw ni Carolina na kasama ngayon ang fiance niyang si Bubbles.

Agad naman kaming lumapit ni Mika sa kinaroroonan nila. At si Kimmy hindi maipinta ang mukha sa sobrang inis.

"Problema mo Neggy?" Mapangasar na tanong ni Mika

Inirapan lang siya nito. "Hindi kasi siya binilhan ni Kuya Almond ng manggang hilaw!" Natatawang sagot ni Carol.

5 months preggy kasi yang si Kimmy. Yes! After graduation ay niyaya na siya agad magpakasal ni Kuya Almond at baka maagaw pa daw ng iba si Kimmy. Oh diba sinong mag-aakala na ang maala-Justin Bieber na si Kimmy noon ay ala-Selena Gomez na ngayon.

"Ako na lang ang bibili ng green mangoes for you, Kim."

Nginitian naman niya ako "Talaga Ara?"

"Oo naman. Para yun lang."

Tiningnan naman ako ni Carol "Ang gusto niya kasi nas labas yung buto ng mangga!"

Nanlaki naman ang mata naman ni Mika "Grabe cravings mong buntis ka!" Sigaw namin.

"Sabi ko nga sa kanya baka si Camille lang ang hinhanap niya eh." Natawang sabi ni Carol

"Miss ko na ang kambal!" Malungkot na sagot ni Kim.

After graduation kasi ay umuwi sila sa US pero uuwi daw sila sa kasal ni Carol.

"Order na nga tayo guys! Gutom na talaga ako." Pagmamakaawa ni Mika.

After naming umorder ay nagpaalam muna akong magc-CR. Bagong gawa pala 'tong restaurant. Naglakad na ako pabalik sa table ng bullies ng biglang may magplay na kanta.

You're just too good to be true
Can't take my eyes off you
You'd be like heaven to touch
I wanna hold you so much

Lumingon ako sa paligid. This song... Nostalgic.

At long love has arrived
And I thank God I'm alive
You're just too good to be true
Can take my eyes off you

"Hi" Agad akong napatingin sa likuran ko. There he is, the most handsome guy in my universe. Smiling so sweet at me.

Napangiti din ako. "Hi" This time hindi na kita pakakawalan.

Nanatili kaming nakatitig sa isa't isa. This is the day we become real.

____

THE END

Behind-the-ScenesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon