Three

1.8K 100 7
                                    

"Ayoko niyan masyadong maiksi!" Pag-angal ko kay Mika habang pinipilit ipasukat sa akin ang isang color blue na dress.

Nandito kami ngayon sa mall ng mga bullies. Actually idea nila to, since na napapanggap daw kami ni Thomas ay mas makakatulong daw kung babaguhin ko ang pananamit ko para raw mas believable. Hindi naman daw kasi katangap-tangap kung parehas kaming pumorma ni Thomas.

"Kunwari ka pa Mika, eh ikaw lang naman may gusto niyan. Ikaw na kaya magsukat?" Sita naman sa kanya ni Kim na tumitingin ng mga crop top.

Bigla naman siyang nilapitan ni Mika at nakisali rin sa pagtingin. "Kim, isukat mo 'to, for sure bagay to sayo. Mas magmumukha kang mananangal!" Sarkatikong sabi nito. Inirapan naman siya ni Kim.

Lumapit narin si Carol sa kanila at tatawa-tawa pa 'to. "Kasi naman Kimmy, crop top? Sayo? Hahahahaha! Mukha ka ngang mananaggal!"

Binatukan naman siya ni Kim. "Tinitingan lang masama ba ha? Masama?" Sigaw naman nito. Natatawa nalang ako.

"Try mo 'to bakla! Bagay na bagay 'to sayo." Sabi bi Cienne sabay bato sa akin ng isang blouse. Kinuha ko naman yun at sinukat.

Nung nasa fitting room na ako at pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin hindi ko maiwasang maiyak dahil sa kagandahang taglay ko. Kems!!! Pero bukod sa mganda ako, naisip ko lang din na masyado palang mahirap 'tong pinasok ko. Changes are coming on my way and somehow those scare me. Hanggang saan kaya ako dadalhin nang pagpapanggap na 'to?

***

After namin mamili ng mga kakailanganin ko sa pagpapanggap na ito ay napagdesisyunan naming kumain muna bago umuwi sa dorm.

"Pero Ara sigurado ka na ba talaga sa papasukin mo?" Tanong sa akin ni Kim.

"Wow ha! Di ba ikaw pa nga may sabi na 'Damage has been done. Just go with the flow nalang." Paalala ko sakanya.

"Ang akin lang, okay na ba yang puso mo?" Pag-aalalang tanong niya.

"Oo nga Arabells, sigurado na bang hindi na ulit titibok yan dun sa chinitong pagong na yun?" Dagdag pa ni Camille.

"That was like, three years ago? Marami nang nagbago. Tsaka for me it was like a puppy love lang naman eh, 'di ba? Ano ba namang alam ng isang 17 year old Ara Galang about love back then? I guess, na overwhelmed lang ako sa presence niya, before." Pag eexplain ko sakanila.

Binato naman ako ng tissue ni Cienne. "Eh ano yung pag-uwi mo ng dorm non nang basang basa tapos umiiyak? Ano kayang say ng 21 yr old Ara Galang self mo about don?" Tsaka sila nagtawanan...

Napangiti naman ako. How can I forget that night? Umuulan non, tinext ko si Thomas na puntahan ako sa Razon. Pumayag naman siya. Nung araw na yun balak ko na sanang aminin kay Thomas yung feelings ko. So naghintay ako. Ilang oras na ang nakalipas pero wala paring Thomas na dumadating at first I thought na baka late lang siya bcos he's always late. So I still waited for him. Lumipas na naman yung ilang oras pero wala parin siya so thats it. I decided na umuwi nalang. It was over before I even had a chance. I was rejected. It was my first heartbreak.

"Yun yung gabing nareject ako." Natatawa kong sagot.

"Eh pero daks, hindi naman siya dumating. So paano mo nasabing nareject ka nga?" Tanong naman ni Mika. "Obvious naman na yung hindi niya pagpunta ay sign na of rejection." sagot ko naman sa kanya.

"Pero bakit naman after that night eh hindi mo na siya kinausap ulit?" Usisa naman ni Carol. "Oo nga Ars, bakit ka naman kasi umiwas?" dagdag pa ni Camille.

Isang Linggo matapos yung gabing yun nabalitaan ko nalang na nililigawan na daw ni Thomas si Arra San Agustin. I even saw them together. So parang dobleng rejection yung na-feel ko. Simula narin naman yung season nun so tinuon ko nalang yung attention ko sa volleyball. Somehow it helped but there were still nights that I'd cry myself to sleep kasi masakit parin pala. Malaki ang La Salle pero parang naging maliit ito para sa amin ni Thomas kasi there were times na makakasalubong ko silang dalawa pero para lang akong bula. Thomas won't even meet my eyes. Well, tinry niya akong kausapin once pero umiwas ako. That was his first and last attempt, hindi na siya lumapit ulit sa akin. Hindi na rin niya ako kinausap.

Uminom muna ako ng iced tea bago sumagot. "Kasi sumuko kaagad siya at isa pa masaya na siya even without me. Guguluhin ko pa ba?"

Tumango-tango naman sila na para bang sinasabi na 'oo nga naman.' "Pero ayos ka ba ngayon lalo pa't magpapanggap kayong magdyowa?" tanong muli ni Kim

"Oo naman, its purely business.Sabi ko nga that was three years ago pa. I've changed. I've grown. This is Ara Galang version 3.0." Natatawa kong sagot sa kanya.

Niyakap naman ako ni Mika. "Yan ang gusto ko sayo Daks!"

"Oops KaRa alert." Sigaw naman ng mga bruha.

***

Bago ako matulog naisip ko na naman yung mga nangyari noon. Actually, medyo nagsinungaling ako sa bullies. Dahil ang totoo...

Umiwas ako kasi akala ko sa pag-iwas ko hahanapin niya ako.

Lumayo ako sa pag-aakalang baka pag malayo ako sakanya eh habulin niya ako.

Pero mali ako, sa pelikula lang nangyayari yun dahil sa totoong buhay kapag umiwas at lumayo ka walang hahabol sayo, walang pipigil.

Dahil kahit na ako pa yung umiwas, yung lumayo sa bandang huli ako parin naman yung nasaktan.


_____


Comments and votes will be highly appreciated! ☺
Enjoy reading.

Behind-the-ScenesWhere stories live. Discover now