Seven

1.8K 124 29
                                    


Kasabay naming maglunch ang ilang Green Archers ngayon. Niyaya kasi kami ni Thomas. Sayang lang dahil may class pa sina Carol at ang kambal.

"Ye, paabot naman ng water." Malumanay na sabi ni Kim kay Mika. Inabot naman ito sakanya ni Mika.

Bigla namang nilagyan ng pizza ni Jeron yung plate ni Mika, magkatabi kasi sila. Nakita ko namang namula si Mika. "Uy Je, ano ka ba. Busog na ko." Sabi nito.

"No, you should eat more. Ang konti palang ng nakakain mo." At si Mika ayon kinain nga ang pizza at kumuha pa ng isa. If I know pabebe lang yan dahil nandito si Jeron.

"Kim you want more pasta?" Tanong ni Kuya Almond. Umiling naman si Kim "I'm good but thank you." Sabi nito tsaka ngumiti.

Si Mika alam kong pa tweetums dahil nandiyan si Jeron. Pero si Kim? Seriously, parang may mali sa kanya. Para siyang may sapi dahil sobrang behave niya ngayon at tinaggihan niya yung pasta.

"Ayaw mo ba ng food?" Nagulat nalang ako ng tanungin ako ng katabi ko.

"No, gusto ko sarap nga eh. Sige kain ka lang." Sagot ko kay Thomas sabay tingin muli kay Kim at Mika. Nilagyan naman niya ako ng pasta "Kapag may gusto ka pa sabihin mo lang ha." Sabi niya. Tumango naman ako at nanatili parin ang tingin ko sa dalawa.

"Ang cute niyo talagang tignan. Hindi ko akalain that you'll end up together after what happened before..." Sabi ni kuya Almond sa amin ni Thomas. "Akala ko masisira na yung..."

Naputol ang sasabihin niya nang biglang mahulog si Mika sa upuan paano ba naman kasi di mapakali, napatingin naman yung ibang kumakain sa kanya. Ang lakas kasi ng impact ng pagkakabagsak niya.

Agad namang tumayo si Jeron para tulungan si Mika. "Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya. Agad namang tumayo si Mika at kumaway-kaway sa mga nakatingin sa kanya. "Hi I'm Mika Reyes #3 proud lady spiker at ako'y nahulog log log log sa floor." Sabi niya. Tumawa naman yung mga nakatingin.

Actually, kanina ko pa pinipigilan yung tawa ko dahil kaibigan ko siya at ayokong mapahiya siya lalo pa't sa harap ng mahal niya. Tiningnan ko naman si Kim halatang ganun din yung ginagawa niya. Kakapigil ko sa tawa ko ay napa-fart ako, thankfully walang tunog. But sometimes yung mga soundless yun pa yung deadly. Agad ko namang tiningnan si Thomas mukha namang hindi niya pa naamoy dahil sarap na sarap siya sa pagkain niya so I decided to save myself and him by pouring juice on my shirt.

Nagulat naman si Thomas at agad kumuha ng hanky para punasan yung natapunan kong shirt. "Ah eh, Thomas ako na lang." Sabi ko sakanya sabay turo sa kamay niya na halos malapit na sa breast part ko kung saan natapunan ng juice. Namula naman siya at agad na tinaggal ang kamay niya.

"Sorry!!!" Nahihiyang sabi niya. Ngumiti naman ko. "Its okay."

"HAHAHAHAHA!!!" Napatingin naman ako kay Kim na napakalakas ng tawa. Thank you, Lord now I know she's well. Akala ko nasapian na siya kanina. "Ang malas niyong dalawa." Turo niya sa amin ni Mika at patuloy sa pagtawa. Ngumiti naman sina Thomas, Jeron at Kuya Almond.

"Tumigil ka nga diyan Kimmy!" Sabi ko sa kanya sabay bato ng tissue. Humarap naman ako kay Mika. "Daks, it's a tie!" Sabi ko sabay nag-apir kami.

Nagpaalam naman si Thomas na lalabas lang sandali.

"Ara, masaya ako para sa inyo ni Thomas. But please be careful with his heart." Seryosong sabi sa akin ni Kuya Almond. Bigla naman siyang sinenyasan ni Jeron. Anong meron? Parang kay Arra niya yata dapat sinasabi yun.

Maya-maya ay dumating na si Thomas at inabot sa akin ang isang white shirt. "Change your shirt."Aangal pa sana ako ng bigla ulit siyang nagsalita. "Ayokong nadudumihan ang girlfriend ko." Kaya ayon mas pinili kong kiligin kesa umangal kahit na alam kong sinabi niya lang yun dahil kasama namin si Kuya Almond.

Behind-the-ScenesWhere stories live. Discover now