Four

1.8K 95 19
                                    

Ngayon yung first photoshoot namin as FAKE couple ni Thomas para isang Sports Magazine. Actually first time kong magiging cover sa isang magazine tapos si Thomas pa ang kasama ko and featured pa kami as Hottest UAAP Couple. O di ba? So dapat ba akong matuwa?

"Ate hindi pa ba matatapos yan? Ang kati na po sa mukha!" Pag-angal ko sa make-up artist na kung anu-anong nilalagay sa mukha ko.

"Ay, sandali nalang po konting blush on nalang po and then ready to go na po kayo." Masaya niyang sabi.

"Pero kanina pa yung sandali mo. Feeling ko mukha na akong crinkles."

"Alam mo ang arte mo Victonara, ikaw na nga yung pinagaganda dyan eh. So shut up nalang." Sigaw ni Mika.

"True! Hindi mo ba naisip na baka kaya matagal kang make-up-an eh dahil sa nahihirapan siyang ilabas yung ganda mo dahil wala naman? " Natatawang sabi ni Kim.

"Wow Kim, talagang sayo pa nanggaling yan ha? Sayo pa talaga!" Irita kong sabi sakanya.

"Wag na po kayong magtalo mga madam, dahil pareho kayong maganda." Natatawang sabi ng make-up artist.

"Hindi pwede na dalawa kaming maganda dapat po isa lang sa amin." Pag iinarte pa nito.

"Kim, trust me. Tigilan mo na yan masasaktan ka lang." Sabi ni Mika

"And we're done! Ma'am Ara!" Excited na sabi nito.

Napatingin naman sa akin si Mika at Kim.

Nilapitan ako ni Mika tsaka muling tumingin ng nakakaloko kay Kim. "I told you Kim, so ano masakit ba?" Pang-aasar pa nito.

Binelatan naman kami ni Kim. "Oo na, pero ngayon ko lang sasabihin to Ara as in ngayon lang talaga dahil bukas o sa mga susunod na araw ay hindi na... Ang ganda ganda mo Victonara!!!" Sabi niya sabay yakap sa akin. Natawa naman ako.

"Auuuh! Thank you Neggy!" sabi ko kay Kim tsaka ako humarap sa makeup artist ko. "Thank you din po sa inyo. Ay wait ano po palang pangalan niyo?" Tanong ko sa kanya.

"Just call me Britney. Pero sa birth certificate Brando Morales Jr talaga ang pangalan ko." Pag-amin niya.

Nagtawanan naman kami. Sometimes looks can be deceiving.

Nagulat nalang kami nang biglang may nagbukas ng pinto at iniluwa ang Kambal at si Carol na abot tenga ang mga ngiti.

"OMG! Ang ganda mo Arabella!" Sigaw ni Cienne. "True!!! Dyowsa!" Dagdag pa ni Camille.

Lumapit naman sa akin si Carol at sinipat ang mukha ko. "In fairness girl, taray ng contour mo. Bongga! Gandara park!" Sabi nito.

"Thank you sa compliments bullies pero wala pa akong allownce eh." Sabi ko sakanila.

"Ay yun lang." Sabay-sabay na angal nila.

***

Nagpalit na ako ng damit. I am now wearing a green spaghetti top and a black pencil cut na skirt.

Maya-maya pa ay pinatawag na kami sa labas dahil magsisimula na daw ang photoshoot. Pero wala parin akong nakikitang sign ni Thomas Torres.

"Basta Ara galingan mo sa pag-smile ah!" Paalala sa akin ni Cienne

"Tsaka wag kang maiilang kay Thomas kung anong ipapagawang shots gawin niyo nalang." Dagdag pa ni Mika.

Tumango-tango naman ako sa kanila na parang isang bata.

"OH MY GOODNESS!!!" Sigaw ni Kim na kasalukuyang nakatingin sa aking likuran. Sinundan naman ito nang tingin ng apat na bruha at take note napatulala din sila.

Behind-the-ScenesDove le storie prendono vita. Scoprilo ora