Thirteen

1.8K 102 15
                                    

Nandito ako sa library dahil kailangan ko pang magresearch para sa report namin ni Carol. May family gathering daw kasi siyang kailangang puntahan kaya bilang isang ulirang kaibigan at at kagroup ay pumayag ako basta siya ang gagawa ng written report.

Nagbabasa ako nang biglang umupo si Tigs sa harapan ko. Wala naman na akong nagawa alangan namang iwasan ko na naman siya.

"Hi." Masayang bati niya sa akin.

Ngumiti naman ako "Hi Tigs" nahihiya kong bati sa kanya naalala ko na naman kasi yung ginawa ko nung isang araw.

"Sana naman hindi mo na ako takbuhan this time." Sabi niya, natawa naman ako.

"Hindi naman kita tinakbuhan... Parang sasabog na kasi yung pantog ko nun kaya bigla ako tumakbo." Pagpapalusot ko at bigla naman siyang tumawa dahilan para lapitan kami nung librarian at pagsabihan.

Nang makaalis na yung librarian ay bigla na naman siyang tumawa pero agad ko nang tinakpan yung bibig niya gamit ang kamay ko.

"Ang kulit pag tayo talaga napalabas dito lagot ka sa akin" pagbabanta ko sa kanya at inalis na yung kamay ko ngumiti naman siya.

"Di ka parin talaga nagbabago, Grumpy Vicky" asar niya sa akin.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Ikaw din di ka parin nagbabago, mapang-asar ka parin" sabi ko sakanya sabay balik sa ginagawa ko.

Habang nagbabasa ako ay napansin kong nakatitig siya sa akin o baka naman asumera lang ako.

"Mali pala ako, ang laki na ng pinagbago mo Ara." Tiningnan ko naman siya. "You look different. Girly ka na manamit." Dagdag pa niya.

"Wait, compliment ba yan?"

Tumango naman siya. "Yes... Pero mas gusto ko parin yung boyish style mo noon." Pag-amin niya. Napangiti naman ako, lagi niya kasi sinasabi sa akin dati na mas magaling pa raw akong pumorma sa kanya.

"Wala eh, change is the only permanent thing in this world" pagbibiro ko sakanya.

"Hindi naman lahat, sigurado akong may isang bagay pa na hindi nagbabago mula noon hanggang ngayon." Serysosong sabi niya. Hindi naman ako nakasagot.

Bigla namang nagvibrate yung phone ko. Life saver talaga tong phone ko lalo na sa awkward moments.

From: Thomas Torres
Where are you?

To: Thomas Torres
Library.

Nang matapos ko ang binabasa ko ay nagpaalam na ako kay Tigs pero nagulat ako nung sumabay ito sa akin lumabas ng library.

"Hatid na kita." Yaya niya sa akin sabay akmang kukunin yung mga librong dala ko.

"No need bro." Nagulat nalang kami nang biglang may nagsalita, si Thomas at lumapit ito sa amin. Agad nitong kinuha yung mga librong dala ko. "Nice to see you again, Tigno." Sabi niya kay Tigs

Nginitian naman siya nito "Nice to see you too, Torres." Sabi niya sabay tingin sa akin na parang nagtatanong kung bakit nandito si Thomas.

"Let's go Labsy?" Yaya sa akin ni Thomas sabay hawak sa kamay ko.

"Labsy?" Takang tanong ni Tigs

"Yes, I am calling my girlfriend, Labsy." Masayang sabi nito at inemphasize pa talaga niya yung girlfriend. Tiningnan naman ako ni Tigs pero isang awkward na ngiti lang ang naisagot ko sa kanya.

"Una na kami bro." Sabi ni Thomas at naglakad kami palayo sa hindi paring makapaniwalang si Tigs.

Kanina pa hindi nagsasalita si Thomas tahimik lang siya habang nagd-drive samantalang napakadaldal nito. Ang awkward tuloy namin ngayon.

Behind-the-ScenesWhere stories live. Discover now