Eight

1.8K 121 43
                                    

(A/N: Guys I forgot to tell you na sa story na 'to tapos na ang season 78. Champion na Lady Spikers pero may 1 term pa ang Bullies.)

***

"Ara gising na diyan!"

Dumilat naman ako ng konti. "Ate Cyd, wala akong class ngayon kaya matutulog pa ako." Sabi ko sakanya tsaka muling nagtalukbong ng kumot.

"Okay sige, ikaw din. Kawawa naman yung boyfriend mo sa baba. Sinisintensyahan na nila."

Bigla namang nagising ang diwa ko at agad akong tumayo. "Si Thomas???" Tanong ko sa kanya.

Tumango naman siya. "Ang aga dito nun, 8:00 am. Siya pa nga nagpa-breakfast eh." Nanlaki naman ang mata ko at tiningan ang oras, alas 10 na pala. So dalawang oras nang naghihintay si Thomas!

Tumakbo naman ako papunta sa CR para magtoothbrush at maghilamos. "Ate Cyd, bakit mgayon mo lang ako ginising?"

"Kanina ka pa namin ginigising. Kaso ayaw mong magising!" Sabi niya tsaka lumabas ng kwarto.

Pagbaba ko ay naabutan ko sila na pinalilibutan si Thomas.

"Gising na pala si Sleeping" Biglang sabi ni Kim nang makita ako.

"Bakit di mo tinuloy?" Tanong ko sakanya. Tumawa naman siya.

"Bakit may Beauty ba? Makuntento ka na sa Sleeping!" Mataray na sabi nito. Binatukan ko naman siya.

"Aga-aga nag aaway kayo. Nakakahiya po sa bisita oh!" Sigaw ni May tsaka tinuro si Thomas.

Tiningnan ko naman si Thomas tapos ay nginitian niya ako. "Good morning." Masaya niyang sabi. "Good morning!" Balik ko naman sakanya.

"Yun oh! Good morning palang pero parang I love you na!" Kinikilig na sabi ni Aduke.

Uupo na sana ako sa tabi ni Cienne nang bigla akong hilahin ni Kianna at itulak sa tabi ni Thomas. "Perfect!!!" Natawa naman ako.

Maya-maya ay naglabas sila ng cellphone at itinapat sa amin ni Thomas.

"Daks, wala pa kasi kayong legit picture together. Ang dami ng nagrerequest." Sabi ni Mika

"Oo nga baks! Matagal pa lalabas yung sa magazine na shinoot niyo so kailangan na 'to." Dagdag pa ni Carol.

Nagkatinginan naman kami ni Thomas at parehas natawa sa trip ng mga to.

"Yan! Perfect!" Sigaw ni Kim.

Lumapit sa amin si Camille at kinuha yung braso ni Thomas at inilagay sa balikat ko. "Bongga!!!" Sabi niya sabay kuha ng picture.

"Teka... teka!!!" Inayos naman ni Cienne yung ulo ko at medyo inilean sa balikat ni Thomas. "Yung Thomara heart ko! Uy magsmile kayo." At ginawa naman namin.

Nagsitilian naman sila nang makita nila ang kinalabasan ng shots namin ni Thomas.

"Bagay na bagay kayo. Meron na akong first legit ThomAra picture!" sabi ni Mika.

Behind-the-ScenesWhere stories live. Discover now