Twenty

1.8K 102 24
                                    

Kasama ko ang pambansang couple ng taon ngayon. No choice ako dahil busy ang kambal at si Carol habang si Mika naman ay umuwi muna sa kanila dahil birthday ng pinsan niya. Kaya ito ako kanina pa nauumay sa nakikita ko.

"Almond say aaahhh!" Hirit ni Kim kay Almond sabay subo ng fries dito.

Kumuha naman si Kuya Almond ng sandamakmak na fries tsaka ito sinubo kay KImmy dahilan para mabilaukan ito, agad naman siyang pinainom ng tubig ni Kuya Almond. "Sorry Love, ayos ka lang ba?"

Tumango-tango naman si Kim at ngumiti naparang isang baliw "I'm okay Love, lalo pa at nandito ka"

"Nakakaumay naman!" Pag-angal ko. Tiningnan naman ako ni Kim ng masama. "yung dessert sobrang tamis, nakakaumay. Tikman mo." Pagpapalusot ko.

Tinikman naman ito ni Kimmy. "Ayos lang naman yung tamis ah!" bigla naman niya akong ngitian ng nakakaloko "Mas matamis pa nga si Thomas diyan dati, naumay ka ba?" pang-aasar niya sa akin.

Inirapan ko naman siya. "Nasa harap ka ng pagkain, don't say bad words!"

Pakatapos naming kumain ay nagyaya si Kim mag timezone. Since kanina pa ako nauumay sa kanila ay napagdesisyunan kong humiwalay muna. Pumunta ako sa bookstore para tumingin ng mga libro. Habang tumitingin ako ng mga libro ay may biglang kumalabit sa akin.

"Bang?" Agad naman niya akong niyakap pero inalis ko agad yun. Mahirap na maraming alagad 'tong nakakalat sa paligid.

"What are you doing here?" tanong niya sa akin na para bang nabili niya ang buong bookstore na 'to.

"Kakain sa bookstore?" sarkastiko kong sagot pero bigla namang nagbago yung ekpresyon ng mukha niya "Anong madalas gawin sa bookstore?" ginaya ko si Luis Manzano "Survey says... bumili ng libro!" Sagot ko at bigla naman niya akong hinampas sa braso.

"Bully ka parin talaga!" sabi niya sabay tawa.

Hinampas ko naman siya ng malakas pabalik "Hindi naman!" at napansin kong medyo napangiwi siya. "Bumili ka ng dictionary noh?" tanong ko sakanya.

Umiling naman siya "Cook book yung binili ko." Sabi niya, bigla naman niyang tinaas yung palad niya at pinakita sa akin ang suot niyang singsing.

"Sorry Bang, gipit din ako." Aba inunahan ko na dahil baka isangla pa niya sa akin yung singsing niyang binili lang naman niya sa bazaar.

"Hindi ko 'to sinasangla. Ara, im engage?" Masayang sabi niya sa akin.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Congrats. Kanino?" Hindi pa niya nasasagot ang tanong ko ng biglang dumating si Boom Gonzales at hinalikan si Bang sa harap ko.

"Ara, meet mu honeybunch sugarpop, Boom my soon to be Hubby" Pagpapakilala ni Bang kay Boom. Masyadong matamis yung endearment nila nakakaumay. Nginitian ko naman si Boom.

"Nice seeing again Ara, pero mauna na kami ni sugarpop ah? May aasikasuhin pa kasi kami." Pagpapaalam ni Boom.

Nginitian ko naman sila "Sige! Ingat kayo BoomBa" sigaw ko habang papaalis sila. Yung tandem nila medyo delikado... napaka-deadly.

***

"Ang taray naman pala ni Bang at Boom. Sinong mag-aakala na magkakagustuhan pala yung dalawang yun?" natatawang sabi ni Mika. Nagla-lunch kami ngayon dito sa Agno. Naikwento ko kasi sa knila na nakita ko si Bang at Boom at na sila na.

"Bumaba standard ni Boom, 'noh?" dagdag naman ni Camille. "Akala ko maala- Ate Cha at RAD type nun tapos biglang nagging." Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil bigla na kaming nagtwanan. May pagka- litera talaga itong si Camille.

Bigla naman akong nilapitan ni Carol "Ikaw ba Ara anong plano mo? Tanong sa akin nito dahilan para ako naman ang maging topic ng usapang ito

"Oo nga, Ara. Kausapin mo na kasi si Thomas." Dagdag pa ni Cienne.

Uminom naman ako ng juice. "Hindi pa ata ito yung perfect time." Sagot ko sa kanila.

"Marami ng napurnada yung perfect time na yan!" Sabi ni Kim "Sila yung naghihintay sa tamang panahon daw. Pero alam mo, sapat kung may gusto ka. Kumilos ka para makuha mo 'to. Maraming oras ang nasasayang mo kahihintay sa perfect timing na yan!"

"May point si kimmydors! Gusto mo bang mawala ulit siya sayo?"

"Hindi ko alam." Matipid kong sagot sa kanila.

"Oh my!!! Don't tell me kaya ka nagkakaganyan eh dahil Tigs." Tanong ni Camille pero hindi ako sumagot. Tumayo ako at naglakad papalayo sa kanila na naguguluhan.

Hindi ko na kailangan pang sagutin ang mga tanong nila lalo pa at umpisa pa lang naman ay alam na nila ang isasagot ko sa kanila. Tama si Mika, we really never stop loving silently those we once loved out loud. But sometimes, Goodbye is the purest form of I love you. And maybe this is goodbye.


Behind-the-ScenesWhere stories live. Discover now