Seventeen

2.1K 108 14
                                    

Hinihintay ko si Thomas dito sa McDonald's sabi niya kasi sabay saw kaming mag-lunch since maaga natapos ang class ko at may class pa siya at nauna na ako dito.

"Ang lalim naman ng iniisip mo pwede ko na atang sisirin yan."

Tiningnan ko ang nagsalita "Tigs..." Masayang sabi ko sa kanya at ngumiti naman siya sabay upo sa harapan ko.

"Hinihintay mo ang bullies?"

Umiling ako. "Hindi si Thomas, sabay kasi kami magla-lunch." Nagbago naman ang expression ng mukha niya.

"Ara, huli na ba..."

"Labsy." Sigaw ni Thomas dahilan para hindi na matapos ni Tigs ang sasabihin niya. Dali-dali itong umupo sa tabi ko. "Uy bro" bati niya Kay Tigs.

Ngitian naman siya ni Tigs. "What do you wanna eat Lab--- I mean Ars?" Tanong sa akin ni Thomas.

"Kahit ano..." Sagot ko pero biglang tumawa si Tigs. Alam ko na naiisip nito. "Mahina na akong kumain ngayon noh! Mali yang iniisip mo." Sabi ko sakanya sabay hampas sa kamay niya pero bigla niya tong nahuli at hinawakan.

"Sige order na ako." Sabi ni Thomas tsaka umalis. Agad ko namang inalis yung kamay ko sa pagkakahawak ni Tigs.

"Sige una na ako Ara. See you around." Paalam ni Tigs sabay alis.

May kakaiba akong naramdaman nung hinawakan ni Tigs yung kamay ko.

"Oh nasan na si Tigno?" Tanong ni Thomas sa akin habang inaayos yung mga inorder niya.

"Umalis na, may class pa ata siya." Sagot ko sabay kuha ng fries. "Sarap" Ngumiti naman si Thomas, hindi ko alam kung dahil sa para akong bata na nakakain ng fries o dahil sa umalis na si Tigs.

After namin kumain ay hinatid na ako ni Thomas sa dorm papasok na sana ako sa loob nang bigla niya akong pinigilan.

"Bakit Thomas?" Tanong ko sa kanya pero tinititigan niya lang ako and I swear never niya pa akong tiningnan ng ganito. Unti-unti din siyang humakbang papalapit sa akin. Hahalikan niya ako... Konti nalang ay malapit na siya sa akin. Hinawakan niya ang pisngi ko at tinitigan ako sa mata.

"Ara..." Malambing na sabi niya agad ko namang ipinikit ang aking mga mata at medyo ipinout ang labi ko. He's gonna kiss me. Naramdaman kong hinawakan niya ang baba ng mata ko. Ang tagal niya naman akong halikan. Pero bigla niyang tinggal ang kamay niya sa pisngi ko dahilan para dumilat ako. Laking gulat ko nang makita ko siyang nakangiti sa akin at ipinapakita sa akin ang isang pilikmata.

"Make a wish..." Masayang sabi niya. Akala ko hahalikan niya ako nakakahiya yung pagpikit at pag-pout ko. Kailangan may gawin ako. Muli kong ipinikit ang aking mga mata. And I did the most hilarious thing ever...

.

.

.

"Ara!" Sigaw ni Thomas sabay lapit sa akin. Yes! Nagpanggap akong hinimatay para iligtas ang sarili ko sa kahihiyan ng pagiging isang assumera. Naramdaman kong binuhat ako ni Thomas at naglakad papasok ng dorm.

"Anong nangyari kay Ara?" Nagaalalang tanong ni Ate Cyd.

"Bigla nalang siya hinimatay kanina." Sagot ni Thomas. Narinig ko naman ang boses ng bullies na papasok.

"Anong kalandian yan at bakit mo buhat si Ara?" Tanong ni Kim

"Hinimatay kasi siya kanina." Sagot ni Thomas.

"Kailangan talaga buhat parin hanggang ngayon? Di ba pwedeng ihiga yang si Ara?" Pang-aasar ni Carol. Bigla naman akong ibinaba ni Thomas sa couch. Nakakainis si Carol pinansin pa kasi... ang sarap na nga ng pagkakahiga ko sa mga bisig ni Thomas eh.

Behind-the-ScenesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon