Eighteen

1.8K 99 7
                                    

"Hindi mo ba talaga sasabihin sa akin kung bakit ka tumatakbo at umiiyak kanina?" Tanong sa akin ni Thomas. We're currently inside his car, bigla kasing umulan.


"Bakit hindi mo sinabi sa akin na pumunta ka sa usapan natin, three years ago?" Tanong ko sa kanya.



Inalis niya yung tingin niya sa akin. "Kanino mo nalaman?" Tanong niya pero hindi ko siya sinagot. "Si Jeron, he really has a big mouth."


"You're so unfair, Thomas!"



"I'm not. Paano ko sasabihin kung bigla ka nalang umiwas sa akin? Hindi mo ko hinayaang mag-explain."



"Isang beses lang yun, Thomas and then boom! I'm no longer part of your life." Inis kong sabi



Tumawa naman siya. "Because you shut me out." Tumingin siya sa akin. "You're very good at it Ara, you know. Pushing away those who really care about you, including me."



"That's not true." Giit ko but he just shakes his head at parehas kaming natahimik.



"Kung pwede ko lang sanang balikan yung gabing yun, lahat gagawin ko para maabutan kita" Pag-amin niya sa akin.



"No, dapat hinintay kita" I say trying not to cry "Napagod kasi ako, nainip sa pag-aakalang hindi ka na darating"



Malungkot siyang ngumiti sa akin at hinawakan yung kamay ko and I let him hold it. "Sana tayo nalang talaga. Sana akin ka nalang." Sabi niya at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.


Ngumiti ako, "Pinaglalaruan lang tayo ng tadhana tsaka biglang pinaglalayo."



"Ara kasalanan ko kung bakit tayo napunta sa sitwasyon na 'to." Sabi niya sa akin.


Umiling ako "Wala kang kasalanan, isa lang 'tong malaking misunderstanding."


"No, this wasn't just a misunderstanding. Ako yung reliable source na tinutukoy sa article na lumabas noon. They had me interviewed" hinawakan niya ang kamay ko "Sorry Ara"



Agad ko yung inalis "Ikaw?" Doon ay tinraydor na ako ng aking mga luha. "Tang Ina Thomas, nilagay mo ako sa sitwasyong 'to and you never even told me na may alam ka."



He's also crying "Sasabihin ko naman dapat sayo kaso natakot ako na baka magalit ka at iwasan mo na naman ako. I don't wanna lose you again."


I laugh bitterly "You're so selfish, Thomas. You used me to protect Arra tapos ngayon sasabihin mo natatakot kang mawala ako sa buhay mo?" Agad kong pinunasan ang mga luha ko. "Itigil na natin 'tong pagpapanggap na 'to, Thomas. Hindi ko na kaya."


Tumingin siya sa akin na tila ba nabigla sa mga narinig niya "Ako na bahalang magpaliwanag kay Ms. Joy kung bakit wala nang final guesting na mangyayari." Sabi ko sa kanya tsaka ko kinuha yung bag ko sa backseat..


"Ihahatid na kita." Sabi niya tsaka sinimulang paandarin yung sasakyan.


"Stop the car, bababa ako." Utos ko sa kanya.

"But it's still rain---"

"I said stop this fucking car dahil bababa ako!" Sigaw ko  "Hindi ko kayang makasama ka!"

Halatang nasaktan siya sa mga sinabi ko but its nothing compred to the pain that I am feeling now. Ginawa niya 'to para protektahan ang showbiz career na Arra dahil mahalaga yun para kay Arra. Option ka lang, Ara. Panakip butas. Hindi ka niya mahal, dahil kung mahal ka niya hindi ka niya sasaktan para sa kanya.


Bago ako bumaba ay humarap ako ulit sa kanya. "I didn't lose you, Thomas. You lost me. At last pinili mo na rin ako, but you chose to break my heart." 


Wala akong pakialam kung mabasa ako at magkasakit basta gusto ko lang makalayo kay Thomas. Kung nasa pelikula kami ito yung moment na pipigilan nung lalaki yung babae at maglilitanya para mapatawad siya nito kahit pa mabasa sila ng ulan pero wala kami sa pelikula.




Ito lang talaga yung realidad na kahit na anong gawin ko ay hindi naman talaga ako hahabulin ni Thomas. Dahil masakit mang aminin sa huli ng paglalakbay na 'to mag-isa parin ako pero this time, mas magiging matatag na ako. At haharapin ang katotohanang...




Baka hindi lang talaga kami para sa isa't isa ni Thomas Torres.






____


The End


Joke lang! 😄

Behind-the-ScenesOnde as histórias ganham vida. Descobre agora