Eleven

1.8K 112 19
                                    

Katatapos lang ng class ko at napagdesisyunan kong dumaan muna sa 7/11 bago umuwi sa dorm dahil medyo nagugutom na rin ako.

Habang kumakain ay biglang may umupo sa harapan ko. "Hi!" Masayang bati ni Thomas sa akin.

"Alam mo nagdududa na talaga ako kung kabute ka ba or pagong." Sabi ko sa kanya sabay irap. Tumawa naman siya. "Harsh!"

Bigla naman niyang nilapit yung mukha niya sa akin at uminom sa gulp ko pero di parin niya inaalis yung tingin niya sa akin. Sabi nga ni Kathryn sa SDTG "Ano ba namang tingin yan? Pa-fall!"

"Bumili ka nga ng sayo!" Sabi ko sabay hila sa gulp ko. Muntik na ako don. Nag-sip naman ako dahil hindi ko kinakaya ang mga nangyayari. Bigla naman siyang ngumiti. "Indirect kiss." Sabi niya sabay turo sa straw na nasa bibig ko pa.

Agad ko naman yun inalis sa bibig ko. "Duh, feeling mo naman. Bakit ka ba kasi nadito?" Sabi ko sa kanya.

"Actually may bibilhin lang talaga ako tapos nakita kita."

"If I know sinusundan mo lang ako." Mapanga-asar kong sabi sa kanya.

Nagsmirk naman siya. "Hey, what's with Kim and Kuya Almond?"

Tumawa naman ako. "I don't know..."

"Hey, ano nga come on Labsy!" Pilit niya sa akin.

"Its not for me to say... Pakiramdaman mo nalang." Sabi ko sakanya.

"Fine!!! Pero I think may something talaga sa kanila eh." Sabi pa nito.

Bigla namang may nagtext sa kanya at ngiting ngiti siya. Si Arra siguro. Natahimik naman ako.

"Si Jeron." Biglang sabi niya. "Sila na daw ni Jeanine." Dagdag pa niya.

Si Daks! Paano na si Daks? Naalala ko tuloy yung sinabi niya sa amin na titigil lang daw siya kapag naging official na sina Jeron at Jeanine. Pero ngayon official na silang dalawa paano na?

"Ara are you okay?" Tanong sa akin ni Thomas

"Yup okay lang ako Thom, may naisip lang."

"Good."

"Can I ask you something?" Tanong ko sa kanya.

"Ano yun?"

"Anong sabi ni Arra sa set-up na 'to? Okay lang ba sakanya?"

"Everything's fine with her. Naiintindihan naman niya." Seryosong sabi niya.

"Ang bait talaga ni Arra. You're lucky to have her, Thom." Sabi ko. And I mean it, because its hard to hate someone like Arra. Actually, there's nothing to hate about her kahit pa nasa kanya na si Thomas.

Hindi naman sumagot si Thomas tiningnan niya lang ako. "Can we not talk about her? Because this set-up is not about her its about US." Seryosong sabi niya.

Us...

"Okay." Matipid kong sagot.

After naming kumain ay nagyaya na akong umuwi. Hinatid naman ako ni Thomas sa dorm.

"Salamat sa paghatid." Sabi ko.

"No problem." Papasok na sana ako sa gate ng bigla niya akong pigilan.

"Here." Sabi niya sabay abot sa akin nung binili niya sa 7/11 kanina. Pagtingin ko ay Nerds ang laman.

"Why are you giving this to me?" Takang tanong ko.

"Because you're the reason why I went to 7/11, to buy you Nerds." Sabi niya sabay ngiti.

Yumuko naman ako sandali para hindi niya makita yung pamumula ko.

Behind-the-ScenesWhere stories live. Discover now