Chapter 45

137K 2.9K 1K
                                    

Chapter 45

(DANIEL)

”Dan, anong nangyari kay Justine? Para siyang baliw..” Sabi ni Lia.Totoo naman e. Simula nung iwan ko siya nung isang linggo. Alam niyo yun, yung biglang sumulpot si Sophia. Pagkakita ko sa kanya after nun, para siyang ewan. Laging nakangiti, tapos minsan kinikilig pa.

 ”Wag mo siyang tignan. Baka mamaya mahawa pa si Baby sa kabaliwan ng future ninong niya. Nagdadalawang isip na tuloy ako kung kukunin ko pa siyang ninong..” Hinampas naman niya ako sa braso. 

”Hoy Justine, ano bang nangyayari sayo? Isang linggo ka ng ganyan.. Gusto mo bang tumawag na kaming ng mental hospital para maipareserve ka na namin ng lugar dun?” Sabi ni Acel. Bigla namang tumingin si Justine at saka sumimangot. Tapos bigla ulit ngumiti.

 “Tsk! Malala na siya..” Bulong ni Acel..

 “Baka naman kasi may magandang nangyari sa kanya..” Sabi naman ni Alexa. Maganda? Hmm. Ano naman kaya yun?

 ”Ah, guys..” Lahat naman kami napatingin kay Julia, pwera lang syempre si Justine na nasa kabilang mundo ang isip.

 ”Bakit Julia?” Tanong ni Lia.

”Nakita niyo ba si Timothy?”Tanong niya..

 “Hindi. Nung nakaraang linggo ko pa siya huling nakita.” Sagot ko naman. 

”Ganun ba?” Tumango lang kami. Biglang lumungkot si Julia.

 ”Ah nga pala. Kamusta naman yung ginagawa mo para sa Royal Grad?” Tanong ni Lia.

”Hmm.. Secret.” Tapos umalis na siya.

 “Secret talaga? Tsk.” Naka-pout na sabi ni Lia. Ang cute talaga niya...

”Parang hindi mo naman kilala si Julia. Masikreto lalo na sa ginagawa niya.”Sabi ko naman. Tumango siya at kumain ulit ng vanilla ice cream.. Hindi kaya siya nangingilo? Lagi na lang yun ang kinakain niya. Baka mamaya maging snow white na yung anak namin.

 (CLARISSA)

“Bakit hindi mo sinabi sa akin, Sophia?” Walang emosyon lang siyang tumingin sakin.

 ”Ang alin na naman?” Irita niyang tanong.

 ”Muntik ka nang mapahamak!” Sigaw ko. Nalaman ko kasing umandar na naman ang food allergy niya. Ang malala muntik na niya itong ikamatay. Meron daw naglagay ng isang ingredient ng walang nakakaalam.

 ”So what..” Walang gana niyang sagot. So what?!

 ”Ano ka ba naman Sophia! Bakit parang wala lang sayo? Muntik ka ng mamatay! Paano na lang kung---” Pinutol niya ang sasabihin ko.

 ”Ano pa bang dinadrama mo? Buhay pa ako. Kita mo naman.” Cold niyang sabi.

”Natatakot lang ako, Sophia. Natatakot akong pati ikaw mawala. Ayoko ng maulit ang nangyari kay Yves. Ikaw na lang natitira niyang alaala sa akin kasama nitong buong Royal Academy..” Pero imbis na sagutin ako tumalikod siya.

 ”Sophia.. Mahalaga ka sa akin, sa amin. Sana naman maintindihan mo yun..” Napabuntong hininga lang ako at tumalikod na din.

”Hindi...” Natigilan ako..  Hindi?

An Angel Turned Into  Devil (Published Under LiB)Where stories live. Discover now