Ma'am

215K 2.8K 89
                                    

SAME NAMES (AMBON)

Babies.. before reading it, kung may nabasa ka ng iba kong story wag na po maconfused kung mabasa mong same names lang nun dito. Ibang story po yun. Hihi.

Kung wala ka pa namang nababasang ibang story ko, ngayon alam mo na. Hahaha. ✌
--

Damon-

Nagising ako mula sa pagkakatulong katabi ang nagiisang babaeng minahal ko. Pinanuod ko siyang matulog at napaka ganda niya talaga.

Dahan dahan kong tinangal ang pagkakayakap ng braso niya sakin at tumayo mula sa pagkakahiga. Ayaw ko siyang magising dahil panigurado pag gising niya aalis na agad siya. Gusto ko pa siyang matulog sa kama ko, gusto ko pa siyang makasama. Pero alam kong hindi siya magpapapigil.

Nag failed akong hindi siya magising, unti unti niyang minulat ang mga mata niya at tumingin sakin.

"Good morning." I greeted, softly touching her cheeks.

"Good morning." She greeted back. Tumayo siya mula sa pagkakahiga, tsaka sinimulang mag bihis. Kailangan kong magisip ng paraan para mag stay pa siya, pero ano?

"Aalis ka na?" I asked. Di maalis sa tono ng boses ko ang disappointment.

"Yah, baka hanapin na ko asawa ko." She said while wearing her bra.

Yup, she's married. My love is three years married with the Youngest Billionaire of the Philippines named Ian Carlos Rodriguez. Masakit man sa pride ko bilang lalake ang makipag relasyon sa may asawa na hindi ko parin magawang pakawalan siya dahil mahal ko siya.

Alam kong mali, sobrang mali ang makipagrelasyon sakanya. Dahil maski naman ako noon ayaw ko sa mga kumakabit ng may asawa na may asawa dahil kasi dun naging broken family kami, pero di mo rin pala masasabi ang lahat lalo na't pag tumibok ang puso mo sa taong may asawa na. Mahirap pigilan lalo na paghulog na hulog ka na.

Umupo nalang muna ko sa kama. "Hindi ka muna kakain?" I asked again, hoping she'll stay for at least thirty minutes.

"No, im sorry." Natapos na siya sa pagbibihis niya tsaka lumapit sakin at hinawakan ako sa pisnge at hinalikan ako sa magkabilang pisnge. "Tatawag nalang ako." She said looking straight at my eyes.

"Okay." Mahina kong sabi. "I love you, Zooey."

She smiles. "I know." Hinalikan niya ko ng mabilis sa labi tsaka siya tuluyang lumabas ng kwarto ko.

I sighed heavily. Sabi na eh, hindi siya papapigil sa paguwi. Sa totoo lang nahihirapan na ko sa ganitong sitwasyon namin pero pagnaiisip kong ihihinto ko na to hindi ko kaya. Masyadong mahirap, dahil hindi ko kayang mawala siya sakin.

Ayoko rin naman siyang papiliin dahil takot ako sa posibilidad na yung asawa niya ang piliin niya at maiwan akong nagisa.

Narinig kong nag ring mula sa side table ko ang cellphone ko, kinuha ko yun at sinagot ang tawag ni Justin Sebastian ang matalik kong kaibigan.

"Hey dude, baka gusto mong bumisita sa bahay wala akong pasok ngayon." He said from the other line.

"Yah sure, nandyan ba si Luisa?" I was referring to her wife. She's also a friend of mine. Tatlo kaming magkakaibigan simula nung bata pa ko at silang dalawa ang nagkatuluyan at baliw na baliw sa isat isa.

"Wala eh, sinamahan niya si Laura dun sa wedding planner." Laura is Luisa's younger sister.

"Okay sige, pupunta ko." Ibinaba ko na yung tawag at dumiretso sa bathroom para makapag shower.

Minsan kailangang maglaylo sa pagiisip tungkol samin ni Zoeey at alam kong makakatulong ang kaibigan at pagiinum sa pagiisip. Kaya pag dating ko dun yayayain ko agad siyang uminum.

Natapos ako sa pagshower nag suot agad ako ng pants, rubber shoes and black plain T-shirt. Tsaka kinuha yung susi ng kotse ko at lumabas ng Unit ko nang masimulan ang byahe papunta kay Justin.

Oras din ang din ang binyahe ko papunta sa bahay nila Justin pero bago pa ko makakatok ng pinto sakto naman ang labas ni Justin.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Oh.. sakto ka, samahan mo muna kong sunduin sa school si Julio." Si Julio ang limang taong anak nila ni Luisa.

I chuckled. "Nagaaral na si Julio?"

"Oo eh. Ano sama ka?" I just nodded my head. Sa kotse niya kami sumakay para mabilis dahil hindi naman daw ganun kalayo ang school.

"Buti nagpapaiwan na sa school yung inaanak ko?" Tanong ko.

"Oo, mukhang crush yung teacher eh. Bukhang bibig niya kasi palagi." Natatawa nitong sabi kaya natawa din ako. Paano naman kasi limang taon palang may crush crush na siyang nalalaman.

Fifteen minutes lang ata ang tinagal ng byahe namin papunta sa school saktong uwian ng mga batang studyate. Dumiretso kami ni Justin sa classroom daw ni Julio at nakita naming pabibo ang bata dun sa tingin ko ay teacher niya.

"Woe chicks, pare." Bulong ni Justin habang hindi niya inaalis ang tingin niya sa teacher. Totoong maganda si Ma'am, halatang simple sa pananamit niyang white polo shirt na may naka print nang pangalan ng school, skinny jeans na nagpalutang sa takad niya at tingin ko nga lipstick lang ang gamit niyang make up kasi mukhang natural ng mapula ang mga pisnge niya, mas nakadagdag sa kasimplihan niya ang pag pusod niya ng buhok. Mukhang mahilig din siya bata base sa maganda niyang ngiti na lumalabas sa labi niya.

Tumingin sa direksyon namin si Teacher kaya para akong nakaramdam ng hiya dahil baka napansin niya yung pagtitig ko sakanya. "Daddy!" Julio called running to his Dad.

"Ikaw po ba yung sundo ni Julio?" Ma'am said nicely.

"Uh.. Yes ma'am, tatay niya ko. Ako nga pala si Justin." Pagpapakilala niya sabay turo sakin. "Siya naman si Damon, kaibigan ko. Single yan." Pagpapakilala ni Justin sakin na ikinahiya ko at ikinatawa naman ni Ma'am.

"Hi." I extend my hand to offer a handshake. "I'm Damon Lawrence." Pagpapakilala ko.

"I'm Amber Tuazon." She said as we shakes our hands. Amber pala ang pangalan ni Ma'am, hmm.. nice name.

"Julio tara na bago pa ligawan ng ninong mo yun teacher mo." Justin, jokes out of nowhere. I scowled him and give him what-are-you-saying look.

"Sorry about that." I apologized by my friend's behavior. Wala talagang pinipili na lugar ang pangaasar sakin ng mokong na to pasalamat siya at may teacher sa harap namin kundi pinaltukan ko na siya.

"Ayos lang." She smiles nicely and wave her hand to Julio. "Bye, Julio. See you on Monday, okay?"

"Yes, Ma'am."

His Secret AFFAIRWhere stories live. Discover now