Chapter 23

192K 2.1K 115
                                    

Nakatayo si Lyn sa harapan namin at nagpapaalam na. Ang akala ko magkakaroon ng madramang pagalis, at malulungkot ang mga kasama namin. But definetely NOT.

"Pumasok ka na. Kanina pa kami hinihintay ni Manong Ben!"

"Ano na ba? Di pa ba sumasakit paa mo? Pasok na."

"Okay! Ganyan kayo eh!" Sabay walk out ni Lyn.

Hinatak sya ni King at niyakap. "Bye na nga, piglet." Tapos natawa na lang ako sa reaction ni Lyn, kasi nga diba crush nya si King? Si King naman hindi ko alam, mukhang wala naman.

"Shet naiiyak ako." Biglang sabat ni Ethan sabay kunwaring nagpunas pa sa mata. Binatukan sya ni King.

Niyakap na lang din ni Lyn si Ethan at napangiwi naman si Ethan. Kunwaring nandidiri at nasusuka pa. Nakatanggap tuloy sya ng malakas na hampas galing kay Lyn.

"KUYAA!" Niyakap ni Lyn si Kris ng mahigpit. Natawa na lang ako kay Kris kasi pilit nyang nilalayo si Lyn sa kanya.

"Pumasok ka na nga! Baka maiwan ka pa." Naiiritang sabi ni Kris kay Lyn.

"MAMIMISS KITA TALAGA!" Tapos bumitaw naman sya kay Kris at napatingin kay Stanley. Yayakapin na sana nya ni Stanley ng iharang nito ang kamay nya.

"Don't. May allergy ako." Sabi ni Stanley.

"Allergy?" Tanong ni Lyn.

"Allergy sa maliliit." Nagpout si Lyn sa kanya.

"Hoy, 5'2 ang height ko!!" Sigaw ni Lyn habang nagpa-pout.

Nagbuntong hininga lang si Stanley at nagwow.

"ATEEE! Mamimiss kita! WAHH!" Ang ingay nya. Niyakap nya ako at niyakap ko din sya.

"Mag-iingat ka doon." Sabi ko na lang.

"I will. At baka naman parehong pareho na tayo ng pangalan pagbalik ko? Stephanie Mae Jimenez na 'yan?" Tapos tumawa sya. Naramdaman kong namutla ako doon. Parang.. bakit nga ganun? Gusto kong mabatukan ang sarili ko sa naisip.

"Baliw." Tapos tumawa sya.

"Pero seryoso ate, gusto kita para sa kanya." Kinindatan nya ako. Hindi ko alam kung bakit wala akong nasabi at napatingin na lang kay Kris nung mga oras na yun.

"BYE GUYS!" Tindi talaga ng energy na babaeng to.

"Bye!"

"Hay salamat naman."

"Let's go."

Pinanuod muna naming mawala si Lyn bago kami tuluyang umalis. Nagulat pa ako ng akbayan ako ni Ethan. Ang bigat ng katawan nya parang nakapasan nadin sya saakin eh.

Hinampas ko naman yung kamay nya ng malakas. Malakas talaga para matanggal nya. Ang bigat eh, buti sana kung akbay lang eh, kaso parang nagpapabuhat din sya saakin.

"Sungit." Kinurot nya ang pisnge ko ng madiin. feeling ko mapupunit ang pisngi ko sa ginawa nya.

Tinawanan ko lang sya bago sya sumabay maglakad kay Stanley. Nasaan si Kris?

"Si Kris?" Tanong ko kay King na nasa tabi ko.

Hindi sya sumagot dahil busy sya kaka-type sa phone nya.

"Oy King."

"Oh?"

"Si Kris kako?"

"Ewan. Bakit sakin mo tinatanong kung nasaan yang lover mo?"

"Ewan ko sayo!"

"Joke joke!" Lumapit saakin si King, at nag sorry na parang sobrang laki ng kasalanan nya.

"Naka drugs ka ba?" Tanong ko kay King.

"Ako? Bakit?" Tanong nya bigla na nagulat at kinuha ang cellphone nyang nakapatay at tinignan ang reflection nya sa phone. Arte ah.

"Ewan ko sayo. Mukha kang adik eh." Pagkasabi na pagkasabi ko nun ay dumating naman si Kris, saan sya galing?

"Nag cr lang." Hindi ko pa man din tinatanong, sinabi nya na.

Sabay na kami naglakad, at ewan ko ba kay King at bigla na lang kaming iniwan.

Pagdating namin sa parking lot, sumakay na kami. Grabe nakakapagod. Umupo ako ng maayos, katabi ko si Kris ngayon. Napapagitnaan na lang ako ng bintana at ni Kris. Si Blue ay hindi ko katabi, hindi ko alam ang mga pwesto nila dahil pagod ako.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Naramdaman ko lang na nag vibrate ang phone ko dahil nakalagay 'yon sa bulsa ko.

Nang idilat ko ang mata ko, mga gising parin sila habang si Kris ay nakasandal at naglalaro sa phone nya.

Kinuha ko ang phone ko at nakitang may one message.

From Max: I miss you honey. :)

Agad akong napangiti sa text nya. Ngayon na lang ulit ako nakatanggap ng text mula sa kanya na gantong mga simpleng texts na nakakakilig parin.

I texted him back.

To Max: Miss you more hon. :*

Nagtext lang kami ng nagtextanan ni Max nun, hindi ko na nga namalayan ang oras. Buong byahe din akong nakangiti. Nung nagpaalam si Max na aalis daw muna sya, binalik ko na ang phone ko sa bulsa ko.

"Sinong katext mo?" Tanong ni Kris habang diretsong nakatingin sa phone nya.

"Kaibigan ko." Gusto ko mang sabihin na si Max yun, na boyfriend ko, hindi ko na lang ginawa. Siguro dahil ayoko munang magtanong sya ng magtanong. Hindi naman sa natatakot akong malaman nyang may boyfriend ako. Kumbaga, I'm just making everything safe for now.

Hindi na sya nagsalita ng kahit na ano pagkatapos nun. Hanggang sa makauwi kami ng bahay.

Nauna kaming bumaba sa tatlo. Hindi na rin sila nakapagpaalam pa dahil mga tulog ang mga loko.

9:00 PM na nang tignan ko ang orasan. Huminto kasi kami kanina para kumain.

Pabagsak na umupo si Kris sa sofa. Ako naman tumuloy sa ref para kumuha ng tubig. Aakyat na sana ako nang may sinabi sya.

"Steph. You have something to tell me.. right?"

Napalingon ako sa kanya.

"Ano 'yon?" Tanong ko.

"Youre pregnant, right..?"

Stephanie, The Devil's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon