kabanata xxi

8 0 0
                                    

Alas sais pa lang ng umaga ay kumpleto na kami sa bahay ng mga Marcos. Nandito na si Geo na mukhang kakagising pa lang, si Lanie kasama ang kapatid na si Leo, si Hiro na mukhang may PMS dahil sa pagkakakunot ng noo at si Almie na ngiting-ngiti na. Si Resa naman ay nasa taas pa at ibinaba na ang kanyang mga dadalhin na gamit.

Nang makababa na siya, tinignan niya kaming lahat.

"Nasaan si Mark?" tanong niya.

Hindi ko pinansin ang tanong niya. Una dahil hindi ko alam ang sagot, pangalawa dahil wala akong pakialam. Kaya sa huli ay si Hiro nalang ang sumagot.

"Susunod nalang daw sila."





PAGDATING NA PAGDATING PA lang namin ay hindi na magkamayaw ang mga kasama naming babae. Tuwang-tuwa si Lanie sa mga pato kaya iyon agad ang nilapitan niya, sinamahan naman siya ni Geo roon. Si Resa at Almie naman ay mabilis at nakangiting lumapit sa babaeng may edad na, iyon yata ang caretaker ng bahay ng mga Marcos. Ako, si Hiro at si Leo naman ang nagpasok ng lahat ng mga gamit namin sa loob.

Mas malaki ang bahay na ito kaysa sa bahay nila sa Bulacan. Hanggang tatlong palapag ito at tantya ko ay may humigit-kumulang sampung kwarto ito. Magara at moderno itong tignan sa labas, pero sa loob ay para bang napakatagal na nito. Puno ng antique na bagay at kagamitan, ang hagdan at sahig ay parehong gawa sa kahoy.

Malawak din ang sakop na lupa ng mga Marcos dito. Ang sabi ni Resa, may palayan daw sila. At sa likod-bahay naman kung saan kami nagpark ng van, may mga pato at manok kaming nakita.

Nang naipasok na namin lahat, lumapit ako kina Almie at Resa na kausap pa rin ang matandang babae. Lumingon agad silang tatlo sa akin.

"Manang Cia, si Sev nga po pala, siya po 'yong anak ni Tito George," pagpapakilala ni Resa sa akin. "Sev, ito si Manang Cia. Siya ang nag-alaga sa bahay namin dito."

Ngumiti ako at saka naglahad ng kamay kay Manang Cia, pero imbes na tanggapin iyon ay niyakap niya ako.

"Masaya ako't may kapatid na itong si Resa, hijo," sabi niya nang kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin. "Aalagaan niyo ang isa't isa ha?"

"Hay naku Manang! Ito, aalagaan ako? Baka siya pa ang magpaalaga sa akin!" Madramang saad ni Resa. "At saka mas madaming drama sa buhay 'yan kaysa sa akin!"

Natawa si Almie sa sinabi niya. Nagkatitigan kaming dalawa at nagngitian.

Sa gilid ng mga mata ko, nakita kong umirap si Resa sa hangin bago nagreklamo. "Hay naku Manang, ayan na naman silang dalawa! Nakakainis, bakit ba kasi wala akong boyfriend ngayon para may maipanglaban ako sa PDA niyo? Hay naku talaga! Halika na nga Manang, parang tayo pa yata istorbo rito!"

Natawa ako sa simabi niya. At nang makaalis na silang dalawa, nagkatitigan ulit kami ni Almie. Nginitian ko siya.

"So tara na?" Aya ko sa kanya, tumango naman siya.

Habang naglalakad kaming dalawa ay tahimik lang kami. Pero hindi siya iyong masasabi nating awkward na katahimikan, this one is more relaxing than awkward.

Nang makarating na kami sa front door ng bahay, tumingin siya sa akin. Ayan na naman, para bang hinihipnotismo ako ng mga magaganda niyang mata at matamis niyang ngiti.

"Sev, bakit ako?" She asked.

Kumabog ng napakalakas ang puso ko. Hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa excitement.

"Bakit ikaw?" Ngumiti ako sa kanya. "Maraming mas maganda sayo, maraming mas talented, mas matalino, mas masayang kasama at kausap. Marami sila at nagkalat lang sa tabi-tabi, pero bakit ikaw?

"Kasi ikaw, na walang ginawa, na hindi ko inaasahan, ang nakakuha ng puso ko."

Nakatingin lang siya sa akin habang sinasabi ko iyon.

"Akala ko, walang darating na tamang babae para sa akin. I was a damn bastard, my life was so fucked up. Hindi ko kinikilalabg tatay ko ang gobernador noon pero iyon lagi ang una nilang naaalala kapag nakikita ako kaya ginawa ko ang lahat para mabago 'yon. I smoke, hindi ko inayos ang pag-aaral ko, wala akong sinasanto. But that was before you came...

"When I first saw you, to tell you the truth, my whole world stopped. I know, ang corny, ang cliche. But that's the truth, Almie. In that moment, I knew I found what I was looking for."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 21, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SeverusWhere stories live. Discover now