kabanata xii

13 0 0
                                    

Meet Leo Aracillo.
•••

Apat na oras na rin kaming bumabyahe at nakatlong stop over na rin kami, pero dalawa o tatlong oras pa raw bago namin marating ang destinasyon. Nakakatamad talaga kapag bumabyahe, mabuti nalang at nadala ko 'tong gitara ko.

Ini-strum i-strum ko ito nang may biglang kumalabit sa 'kin mula sa likod, paglingon ko ay mukha agad ni Mark ang bumungad sa akin.

"Breathe Again, bro," he requested saka bumalik sa upuan niya.

Sinunod ko siya. Tinipa ko ang intro ng Breathe Again saka kumanta.

Is it real? Are you really over here?
All the empty spaces seemed to be where I am moving
Are you near to the sound of this illusions I keep dreaming of your face and feel fine for a while
And I'll break the time to keep us stranded for a while
And i'll take the chance to watch you far from here so i can
Breathe again by the love I've waited like the sunrise
And the warmth of a dream that I have seen through your eyes
Breathe again you're the reason I believe it's alright
Take me deeper into you
Take me home where my soul is

Nang kinanta ko ang mga sumunod na linya ay sumabay na si Mark habang nakatingin siya sa malayo. Pinagpatuloy ko lang ang pagkanta habang tinitignan-tignan ko pa rin siya.

Is it real? Are you really over here?
When I look into the night I see the day is clear
And I'll break the time to keep us stranded for a while
And I'll take the chance
To watch you far from here so I can
Breathe again by the love I've waited like the sunrise
And the warmth of your dream that I havr seen through your eyes
Breathe again you're the reason I believe it's alright
Take me deeper into you
Take me home where my soul is

Pinikit ko ang mga mata ko at mas lalong dinama ang kanta at ang gitara. Hinayaan kong si Mark nalang ang magpatuloy sa pagkanta, tutal ay iilang linya nalang naman iyon.

And I'm running after you
And I'm running after you
Take me home where my soul is
And I'm running after you
And I'm running after you
And I'm running after you
And I'm running after you
And I'm running after you
And I'm running after you
And I'm running after you
I'm done running after you...

Bigla akong napadilat sa huling linyang sinabi niya. Tumingin siya sa akin. And I know we both understand each other there.












MATAPOS ANG ILAN PANG stop over ay nakarating na rin kami sa resort. Nasa likod ko ang pack bag, sa kaliwang kamay naman ang isang travelling bag at sa kanan naman ang gitara ko. Mabilis akong tumayo at bumaba.

Pagbaba ko ay si Mrs. Dimacutan agad ang sumalubong sa akin at sa iilang mga kaklase ko na nasa likod ko na rin. Nakapamaywang siya roon at nakataas ang kilay.

"Aba'y bilisan ninyo sa pagbaba! Baka naman abutin pa kayo ng siyam-siyam diyan!" Sigaw niya sa mga nasa loob pa ng bus bago humarap sa amin at nagtaas ng isang kilay.

Nang makababa na ang lahat ay doon pa lamang siya nagsalita.

"Dahil dalawang seksyon at dalawang batch lang naman ang Art Department at tigtu-25 lang naman ang mga studyante kada seksyon, hahalo-haluin namin kayo at walang kasiguraduhan na ang mga kaklase niyo ang magiging roommate ninyo," sabi niya na inangalan ng halos lahat sa amin. Itinaas niya ang kilay niya at natahimik ang mga ito. "Hindi ito bakasyon para sa inyo, hindi rin ito simpleng trip lang. Nandito kayo para kilalanin ang mga sarili ninyo at pati na rin ang mga taong nakapaligid sa inyo. Explore and make some new friends, create new memories, and amidst all of that, don't forget to enjoy.

"Osya, sumunod kayo sa akin sa loob. Ibibigay ko ang mga room number ninyo."







MAKALIPAS ANG MAHIGIT kumulang isang oras ay natapos din ang room assignment. Napakagulo kasi nila. Aapat na seksyon lang pero napakadaming reklamo!

Pagkabigay na pagkabigay ng room number at card ko ay agad din akong umalis doon at hinanap ang kwarto ko. Nang mahanap ko ito, mabilis ko itong binuksan at pumasok na rin ako dala ang mga gamit ko. Pagpasok ko ay wala pa rin ang dalawang magiging roommate ko kaya pumili na ako ng maganda-gandang kama at doon inilagay ang mga gamit ko.

Pagbaba ko ng gitara ko, nag-inat-inat ako dahil sobrang ngalay na ng katawan ko sa anim na oras na byahe at halos isang oras na pagbitbit ng mga gamit ko. Pagkatapos mag-stretching, saktong bumukas ang pinto at iniluwa si Hiro at ang isang lalaking 'di ko matandaan pero parang pamilyar sa akin.

Sa mas malapit na kama inilagay ni Hiro 'yong mga gamit niya saka siya tumingin sa akin saka tumango. Tumango lang din ako sa kanya.

'Yong isang lalaki naman na hindi ko kilala, lumapit sa akin at inalok ang kamay niya.

"Leo Aracillo."

Hindi ko pinakita sa kanya nang tanggapin ko ang alok niyang shakehands, pero nagulat ako. "Sev Bernardo, pare."

'Di ko inaasahan na sa lahat ng department ba naman, sa Art pa nabibilang itong si Leo. At ang mas malala pa, paano kung malaman ni Mark na siya ang kasama namin ni Hiro? I shook my head internally saka ako tumingin kay Hiro.

"It will be fine," sabi niya nang makalayo nang kaunti si Leo sa aming dalawa. "Hindi niya naman kailangang malaman 'di ba?"

SeverusWhere stories live. Discover now