kabanata xvii

12 1 0
                                    

"Oh my God, I knew it!" Sigaw ng isang babae sa table. Ngumiti siya sa akin. "Oh, sorry. I'm Alyn Jane Paras."

Ngumiti rin ako sa kanya at nakita ko si Almie na nakatitig sa kapatid niya saka umiling. Bumaling naman ako kay Attorney Paras na siyang nakatingin sa aming dalawa ni Almie.

"So you want to date my daughter," Attorney Paras stated.

"Yes, sir," I answered.

Tumango-tango siya saka uminom ng wine. "Tell me, Severus, anong mga extra curriculars mo sa school niyo? Saan ka ba nag-aaral?"

"Sa Clover High po ako nag-aaral. Miyembro po ako ng bandang tumutugtog ngayon. Kung sa sports naman po, taekwondo, basketball and volleyball player po ako," sagot ko.

Tumikhim ang Mommy ni Almie. "Paano mo napagsasabay ang lahat ng iyon?"

"Time management." I smiled.

"Anong kukunin mong course sa college, Severus?"

"I actually want to be a doctor, sir so maybe I'll take BS Bio or BS Psych po then I'll proceed sa pagme-Meds," sagot ko na nagpatango-tango sa kanilang dalawa.

Nang nakita kong ngumiti si Attorney Paras ay nakahinga ako ng maluwag. Para bang nabunutan ako ng tinik sa dibdib.

"I'm giving you my blessing, Severus," aniya habang nakangiti pa rin. "Don't break our little girl's heart, aright?"

"Makakaasa po kayo," I answered sincerely. "Hinding-hindi ko po sasaktan si Almie."



AFTER ASKING FOR THEIR permission to court Almie, hiniram ko muna siya para na rin ipakilala kay Daddy at Luna.

"Sev, kinakabahan ako," aniya nang malapit na kami.

"Don't be," sabi ko naman saka ngumiti sa kanya.

Nang tuluyan na kaming makalapit kina Dad, nakuha agad namin ang kanilang atensyon. Humalakhak si Resa nang pinaghila ko muna ng upuan si Almie bago ipakilala kay Dad. Tumikhim siya at matamang tumitig sa akin, nahihiyang ngumiti naman ako.

"Dad, this is Almie Paras," sabi ko. "Nililigawan ko."

Luna smiled so widely at kuminang ang kanyang mga mata, si Resa naman ay tuwang-tuwa at parang naiiyak pa habang unti-unti namang ngumiti si Dad.

"So you're the girl that making my son so crazy these past few days," aniya saka humalakhak. "Dapat palang mag-thank you ako sa iyo at parang pinapabait mo ang anak ko."

"Naku, may sungay pa rin po 'yan," nahihiyang komento naman ni Almie. Tumawa naman ako kaya matalim na tumitig si Resa.

"Grabe, took you so long to confess, Sev!" Naiiling pa niyang asik.

"Oh God, finally Almie, dumating na rin ang lalaki para sayo," sabi naman ni Luna saka bumaling sa sariling anak. "Kailan kaya matatagpuan ni Resa ang kanya?"

"Ew Mom, no! Stop doing that!" Sigaw ni Resa. "Hindi ko kailangan ng lalaki para mabuhay!"

"You'll eat your words, Resa!" Pang-aasar ko sa kanya.

Nag-asaran lang kami doon at naramdaman ko na rin na gumagaan na ang pakiramdam ni Almie kaya nagpaalam muna akong lalabas muna saglit.

Pagkalabas ko ay agad kong sinindihan ang dala kong Marlboro saka ito hinithit. Sa sobrang pagkaabala ko nitong mga nakaraang araw ay hindi na ako masyadong nakakapanigarilyo. Pero hindi dumadaan ang isang araw na hindi ako nakakatikim maskin isa. Because ironically, smoking is my breathe of fresh air.

Bumubuga ako ng usok nang may biglang lumapit sa akin. Nang lingunin ko ay si Dad lang pala. Hindi na ako natakot dahil matagal naman na niyang alam.

"You should stop smoking now," sabi niya sa akin. "For Almie's sake."

"Have you?" I asked.

He nodded at saka tumingin sa akin. "Matagal na. Tumigil ako nang iyon ang hingin na pabor ng Mama mo. At nang malaman ko noon na namatay siya sa Tuberculosis, nanigarilyo ulit ako thinking na baka sakali ay sa ganoong paraan din ako mamatay," he paused to look at me. "But when I met Luna, huminto ulit ako. Hanggang ngayon, hindi na ulit ako tumikim maskin isa."

Naglabanan kami ng titig. "Why did you left Mama?"

"I never left her, Sev. I never left the both of you," sabi niya saka ipinakita sa akin ang isang kwintas na naglalaman ng dalawang picture-picture ko kasama si Mama at picture ni Luna at Resa. "Kailangan kong magtrabaho noon para sa kinabukasan mo kaya ako lumuwas ng Maynila. Naghirap ako, anak. Araw-gabi ang mga ginagawa kong trabaho rito para lang matustusan kayo noon, at habang nagtatrabaho ay sinubukan ko ring mag-aral. Hanggang sa makilala ko si Mayor Ramel na alkalde ng Quezon City noon at siya ang tumulong sa akin hanggang sa makarating ko ang kinalalagyan ko ngayon.

"Nagpapadala pa rin ako ng pera sa inyo kahit na wala na akong natatanggap na sulat galing kay Alicia noon. Nag-aalala ako pero hindi ko pwedeng iwan ang binigay na trabaho ni Mayor Ramel. Sulat ako ng sulat kahit na wala akong natatanggap pabalik hanggang sa... hanggang sa may nakapagsabi sa aking may sakit daw ang Mama mo." Huminga siya ng malalim at pumikit ng mariin. "Ilang beses kong pinilit at kinumbinsi si Mayor na payagan akong lumuwas para tignan ang kalagayan ni Alicia hangang sa pumayag na siya. Pero pagdating ko ay kabaong nalang ang sumalubong sa akin."

Tinignan niya ako saka siya ngumiti ng mapait at tumingin sa malayo.

"Pagkatapos no'n ay dinala na kita rito at nagsimula ka nang magalit sa akin," kwento niya habang mabigat na humihinga. "And then I met Luna and the rest, as they say, is history."

Tumingin din ako sa malayo. Hindi ko man lamang namalayan na habang nagkukwento siya ay naubos ko na ang isang stick ng Marlboro at hindi na ako muling nakakuha dahil sa pakikinig ko.

Hindi ko pa rin masasabing lubusan ko nang naiintindihan at napapatawad si Daddy. After all, he still left us. Malaking parte rin ng kabataan ko ang nawala dahil sa pag-alis niya. But he came back, nahuli nga lang.

"I'm sorry for everything, son. Alam kong hindi agad-agad nakukuha ang pagpapatawad pero sana, sana maibigay mo rin ito sa akin pagdating ng panahon."

"Let's see Dad, let's see."

SeverusWhere stories live. Discover now