kabanata v

37 2 0
                                    

Hey guys! Thank you for reading Severus! I hope this is not too much to ask, but can I get atleast three votes and a comment for this kabanata? Then I'll update kabanata vi after I got my request.

By the way, did you guys vote? I hope you chose the best leader for our country.
•••

"Do you like Resa, Severus?" Tanong ni dad nang nasa daan na kami pauwi.

"What?" I snorted. "Of course not!"

He chuckled saka niya tinapik ang braso ko. "Of course, I'm just kidding, son."

Pagkatapos no'n ay hindi na kami nag-usap pa hanggang sa marating namin ang bahay niya. Nang bumaba siya ay sumunod ako para magpaalam.

"Aalis na ako. Magkocommute nalang ako," I told him.

"What? No! Dito ka matutulog, Severus," sagot naman niya.

I shook my head. "May gig kami ngayon."

"Please?" He plead. "I'm sure your friends would understand that I want to spend my time with my unico hijo, right?"

"No, they won't," I answered with finality. "I'm going."

Umalis na ako sa garahe niya at iniwan siya roon saka ako naglakad palabas ng magarang village na tinitirahan niya. I won't stay at the governor's house. Not tonight, never.

Tahimik lang ang gabi at tanging liwanag ng buwan at liwanag ng mga ilaw na nagkalat dito ang nagsisilbing gabay ko para matukoy kung malapit o malayo na ba ako sa entrance. Liliko na sana ako nang may biglang humila sa braso ko.

"HEY, LET GO--" naputol ang mga sasabihin ko nang makita ko kung sino ang humila sa akin. "You?"

"Yes, me. At kung ayaw mong lapain ka ng mga aso, huwag kang liliko diyan," she said while smiling saka niya ako hinila sa pinakamalapit na ilaw. "Hi, Sev! Remember me?"

Of course. "Oo naman. Almie, right?"

"Yeah," she answered then she smiled again. "Why are you here, by the way? Bagong lipat ba kayo ng family mo rito?"

"Nope, may... binisita lang ako rito," I answered.

Her black orbs twinkle. "Ooh, a girl? Your girl?"

I shook my head, ngumiti saka nagpaalam.

"I'm going home now, Almie, it's already late. Thank you for saving me from the dogs, I owe you for that," I winked at her saka ako naglakad palayo.

Shit, nakakabakla naman 'to!

HINDI NA ako tumuloy sa gig namin sa Taft kagabi imbis ay dumiretso nalang ako ng uwi sa apartment ko kaya heto ako ngayon, sinesermonan ni Mark.

"...kung sana nagtext ka na hindi ka pupunta, na magkasama kayo ng daddy mo, para hindi kami nag-alala, Severus Finnick Bernardo!"

I winced when he shouted my full name. "Stop nagging, Mark!"

Si Geo at Hiro naman ay nasa gilid lang at tinatawanan ako. Wala talagang mga kwenta, mga traydor!

"We were at the Marcos's residence, okay? Kilala niyo naman si daddy saka hindi ko rin namalayan ang oras, ginabi na ako ng uwi kaya dumiretso nalang ako sa apartment," I told them the truth, well partly the truth. "On the brighter side, we're gonna play on their engagement party."

Biglang tumayo si Geo saka ako tinapik sa balikat. "You're the man, bro!"

"That's good," sabi naman ni Hiro saka ngumiti. "Malaki ang kita at kilalang mga tao ang bisita."

"What?! Dahil lang diyan? Mga traydor!" Sigaw naman ni Mark saka binato si Geo ng mineral bottle.

"O, edi huwag kang sumama," kaswal namang sagot ni Hiro saka pumwesto sa drums at tumugtog.

Nandito kami ngayon sa Music Room, we skipped our English and Mathematics subjects tutal naman, wala kaming balak na pumasa with flying colors.

Nang muntik na akong matamaan ni Geo ng isang drumstick niya, umilag ako saka tumayo at humarap kay Hiro.

"I'm gonna eat lunch. You?" I asked him since the two idiots are busy throwing things at each other.

He shook his head. "Maybe later."

Tumango ako saka lumabas at dumiretso sa cafeteria. Walang laman ang tiyan ko dahil hindi ako nag-almusal kanina kaya ngayon ay gutom na ako.

I was thinking of having chicken curry and sizzling sisig for lunch when someone pulled my hair.

"What the-- Piglet?! What are you doing here?" Irita kong tanong kay Resa. She just smiled at me.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng pink flowy dress na abot hanggang sa tuhod niya, ang buhok niya naman ay nakalugay lang.

Pagkatapos ko siyang suriin ay binalik ko ang tingin sa mukha niya. "What are you doing here?"

She chuckled. "Heto naman, bad mood agad! Nagpaenroll kasi ako 'no saka pinapabisita ka ni mommy so pinuntahan ko na rin si Almie."

"O, tapos ka naman na sigurong magpaenroll, 'di ba? Bakit ka pa nandito?"

Kinunot niya ang noo niya. "Why are you so mean?" She pouted. "Magkikita pa kami ni Almie 'no! Alis nga diyan!"

Tinulak niya ako papunta sa gilid saka siya padabog na nagmartsa palayo sa akin. Napailing naman ako. Siya itong humila sa buhok ko tapos siya pa ang magagalit? Imposible!

Idinaan ko nalang sa iling ang lahat saka dumiretso sa counter at bumili ng pagkain. Pagkatapos ay umakyat na ako sa pinakapaborito kong lugar sa Clover High, bukod sa Music Room syempre --ang rooftop.

Pagdating ko, katahimikan at sariwang hangin agad ang sumalubong sa akin kaya dumiretso ako sa pinakagilid na railings at dito umupo saka ako nagsimulang kumain.

Pagkatapos kong kumain ay nilabas ko ang isang kaha ng Marlboro, lighter, cellphone at headset ko. Una kong binuksan ang cellphone saka kinabit ang headset at nagpatugtog ng Eyes On Fire ng Blue Foundation. Pumikit ako't sumandal sa pader sa likod ko tapos ay nagsindi ako ng isang sigarilyo.

Hindi ko alam kung anong oras na, kung ilang minuto na ang lumipas, kung ilang sigarilyo na ang nahithit ko at nang magsisindi pa sana ako ng isa pa, nabigla ako nang may biglang humila rito. Agad kong idinilat ang mga mata ko.

"Ikaw na naman?" Irita kong tanong. "What do you need, Resa?"

"Stop smoking. This," she emphasize while holding the cigarette tightly, "could kill you." Saka niya ito itinapon sa sahig at inapak-apakan.

Marahas akong tumayo kaya nahulog ang cellphone kong nakapatong lang sa hita ko, kasama rin nitong nahulog ang headset.

"Ano bang problema mo ha?! Huwag ka ngang makialam, magkaano-ano ba tayo? Ano ba kita?!"

Pagkatapos ko iyong isigaw ay didiretso na sana ako sa pintuan nang makita ko sina Geo, Hiro, Mark at Almie na nakatingin sa amin at may dala-dalang cake. Damn it!

Tinignan ko si Hiro saka siya umiling sa akin. Hindi ko siya pinansin, hindi ko sila pinansin, imbis ay dumiretso nalang ako ng tuluyan sa pintuan saka dali-daling bumaba.

Damn it! Fuck! I cursed inwardly. I forgot my birthday.

SeverusWhere stories live. Discover now