kabanata xi

6 0 0
                                    

I am really sorry if matagal ang update. Tambak ang school works, e. I hope you understand.

Thanks for reading!
•••

Today is February 8, at tatlong araw ko na ring iniiwasan si Almie. I don't know what to do. Damn it!

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung sasabihin ko na ba o hindi ang nararamdaman ko. Kung tama bang gawin ko 'yon, kung anong magiging reaksyon niya, kung lalayuan niya ba ako o ano. Maybe I'm just overthinking things but damn it! Pagkatapos ng ginawa ko noong nakaraang araw, hindi ko alam kung nahahalata na ba niya o hindi pero 'di ko na alam kung ano pang mukha ang maihaharap ko sa kanya.

At sa tatlong araw na pag-iwas ko sa kanya, pinepeste naman ako ni Resa na magsukat ng tux para sa kasal nina Dad at Luna sa katapusan. Kinukulit din niya ako na siya ang maghahanap ng isusuot ko sa engagement party at ilang beses ko na rin siyang tinanggihan pero naku! Hindi mo talaga mawari ang isang 'yon kaya hinayaan ko nalang kahit isang linggo pa bago ang party.

At habang umiiwas ako kay Almie ay nag-aral na rin ako ng todo-todo para sa exam bukas bago ang camping namin, mas tinutukan ko na rin ang Math at baka kung ano na naman ang masabi ni Dimacutan.

Kaya heto ako ngayon, papuntang library para isoli ang librong hiniram ko na tungkol sa history. Pero lumiko rin ako kaagad.

"Sev!" Sigaw ni Almie.

Binilisan ko ang paglakad ko, at nang narinig kong tumatakbo siya't malapit na niya akong maabutan ay tumakbo na rin ako.

"Aray!"

Napahinto ako nang sumigaw siya, agad ko siyang nilingon at nang makita kong nakaluhod siya saka pa ako lumapit.

"Bakit mo ba kasi ako sinusundan?" Irita kong tanong sa kanya habang tinitignan ang mga kamay niya kung nasugatan ba ito. "At saka bakit ka ba tumatakbo ha? Ang kulit-kulit mo! Ano, masakit ba? Tayo ka nga, titignan ko 'yang tuhod mo."

Tumayo naman siya saka ko tinignan ang magkabilang tuhod niya. Nakita kong may sugat siya sa kanan kaya tinanong ko ulit siya, "Ano, masakit ba?"

"Bakit mo ba ako iniiwasan, Sev?" Tanong niya habang humihikbi. Tiningala ko siya t nakitang umiiyak siya kaya tumayo ako't pinunasan ang mga luha niya. "May kasalanan ba ako? Sa pagkakatanda ko, wala naman 'di ba? Galit ka ba sa 'kin? Ano bang nagawa ko, Sev?"

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. "I know it's cliche, Almie, but it's not you--"

"Its not me, it's you, 'yon ba, Sev? E, ano bang problema kasi? Hindi kita maintindihan e! Lahat naman sila kinakausap mo, kahit nga si Lanie kinakausap mo rin pero ako, hindi! Ano ba naman 'yan, mas nauna mo pa akong nakilala kaysa kay Lanie pero ako 'tong iniiwasan mo? What the hell, Sev!" Sigaw niya saka siya humagulgol habang pinapalo ako.

Tinignan ko lang siyang umiyak. Pagkatapos ay hinuli ko ang mga kamay niya saka siya niyakap.

"I'm sorry, Almie," I whispered.

Itinulak niya ako palayo saka siya tumingin sa akin, mata sa mata saka niya ako niyakap ulit nang napakahigpit.

"Sev..." hikbi niya.

Hinawakan ko siya sa balikat at tinulak papalayo sa akin. Umiling ako sa kanya.

"I'm sorry, Almie," I whispered then I ran.


HUMIHITHIT AKO NG sigarilyo nang biglang bumukas ang pinto ng rooftop at may tumulak sa akin papunta sa mga railings.

"What the fuck is your problem, Resa?!"

"Aba, may gana ka pang manigarilyo at sumigaw-sigaw diyan habang si Almie, umiiyak doon nang dahil lang sayong asshole ka! Sayo dapat isigaw 'yang sinisigaw mo sa akin e, what the fuck is your problem, Sev?!"

Nang marinig ko ang sinabi niya, nahiya ako kaya iniwas ko ang mga tingin ko sa kanya.

"Ano ba kasing nangyari? E hindi ka naman umamin sa kanya, bigla ka nalang daw umiwas," sabi niya. "May pa-it's not you, it's me pa kayong nalalaman diyan. E kung umamin ka nalang ka--"

"Iyon nga ang problema e, natatakot ako!" Sigaw ko sa kanya. "Natatakot ako na baka ireject niya ako o much worse, baka iwasan niya pa ako kapag nalaman niya. I don't know what to do, Resa. Mas mabuti na siguro 'tong habang maaga pa, inilalayo ko na ang sarili ko sa kanya bago siya pa ang umiwas sa akin."

Lumapit siya sa akin saka niya ako binatukan nang napakalakas. "Tanga mo! Nakipagkai-kaibigan ka sa kanya tapos ngayong napalapit ka sa kanya, iiwasan mo bigla? Ni hindi mo man lang iniisip kung anong mararamdaman niya!" Sigaw niya habang dinuduro-duro ako. "Nakakaasar ka! Pinapangunahan mo ng takot e! Tapos basta! Ewan! Nakakainis ka! Huwag kang magpapakita sa akin, kokonyatan kita, mga sampu! Ayusin mo 'yan, Sev, ayusin mo!"

And then she left. And she left me thinking 'bout what she said.

SeverusWhere stories live. Discover now