kabanata xvi

12 0 0
                                    

"Damn!" mura ko nang maramdaman ang liwanag sa mga mata ko. "I'm sleeping for Pete's sake!"

"Then wakeup, sleelyhead," sabi ng baritonong boses. "And watch your mouth!"

"I'm still sleepy, dad. Get out," giit ko. He sighed at saka ko narinig ang tunog ng yapak niya papalabas.

Matutulog na sana ako ulit nang may narinig na naman akong pumasok.

"Good morning!" Sigaw naman ni Resa saka hinila ang dalawa kong paa at pinaliit niya ang kanyang boses. "Wake up, Elsa, wake up!"

Tinanggal ko ang kumot na tinabon ko sa mukha ko at hinarap sila ng nakasimangot.

"I'm not Elsa!" Sigaw ko rin.

"But atleast gising ka na," halakhak ni Resa. "C'mon, it's already 10AM, Sev. Eat your brunch tapos pupunta na tayo sa bahay para makapagprepare  na for the party."

Oh, yes, I thought. The party. Dad and Luna's engagement party. Right.

Nang marealise ko iyon ay agad akong tumayo at dumiretso sa kusina. There I saw my dad holding a frying pan AND wearing an apron!

"You cooked?" I asked. Nanlaki talaga ang mga mga mata ko sa nakita. He never cooked for me simula noong mamatay si Mama.

"Yeah," sagot niya habang nilalagay ang piniritong itlog at hotdog sa isang malaking plato.

"But I cooked the rice! 'Di siya marunong e," sabi ni Resa saka siya humalakhak. "Bilhan mo na kasi ng rice cooker, Tito!"

"Yes, I'll definitely buy him a rice cooker," my dad said thoughtfully. "Saka ano bang ginagawa mo sa binibigay kong pang-grocery, Sev? Walang laman ang ref kanina pagdating namin kaya bumili nal-"

Nailayo ko agad ang baso ng kape palayo sa bibig ko saka siya tinitigan. "Bumili ka? Ng ano? Where?"

"Ng itlog at hotdog, dyan sa tindahan na malapit," sagot niya na parang wala lang.

Pinaningkitan ko siya ng mata. Magsasalita na sana ako nang naunahan na naman ako ni Piglet.

"And I must say, that was hilarious!" Resa laughed again.

"Why? What happened?"

"E kasi nagulat 'yong tindera pagkakita niya kung sino 'yong bumibili," she laughed again. "Saka wala siyang barya, binigay niya nalang 'yong sukli tapos lumabas iyong tindera saka siya niyakap."

Umiling-iling ako habang nakikitawa sa mga kinukwento pa ni Resa na mga epic fail kanina ni dad. I looked at him. He's changed. He also looked at me at nagtama ang mga mata namin.

"So how's the trip?" He asked.

Namula agad ako sa tanong niya. "Perfect," I whispered.

"Come again?"

"I said it was fine, I enjoyed it," sagot ko saka sumandok ng kanin.

"That's good," aniya. "Anong oras kayo dumating?"

"Alas dos kaninang madaling araw," sabi ko.

"Ooh, that's why you were so sleepy and grumpy," sabi ni Resa habang kumukuha ng tubig. Tumingin siya sa akin ng makahulugan. "So how's the pool and cottages there?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong niya at nabilaukan ako. Binigay niya naman agad 'yong tubig sa akin saka tumawa.

"Why? What's with the pool and c-" naputol iyon nang nagring ang telepono niya. "Excuse me, I need to answer your mom's call. Sige na't kumain na kayong dalawa."

"So how was it?" She asked again while laughing.

Umupo siya saka kumuha ng kanin at ulam. Pulang-pula na ang tenga ko dahil sa tanong niya. Hindi niya talaga ako tinantanan ng kakatanong but I never gave her the answers. That's just for Almie and I to keep.

THE PARTY WAS AWESOME, kakatapos lang naming tugtugin ang pangatlong sweet song para kila Dad at Luna nang makita ko si Almie kaya pinasa ko muna ang mic kay Geo.

Mabilis kong sinundan si Almie at nang maabutan ko siya ay agad kong itinakip ang dalawa kong kamay sa mga mata niya. Hinawakan niya ito at humagikhik.

"Sev, c'mon! You can do better than this!" She laughed kaya tinanggal ko na rin.

I smiled at her nang humarap siya. Kaunti lang ang makeup na nakalapat sa mukha niya. Ang suot niya naman ay hindi masyadong maikli o revealing.

"So..." sabay naming sabi kay tumawa kami.

"Sige, ikaw nalang muna," sabi niya.

"Ah, okay." Huminga ako ng malalim. "I actually want to err- meet your family if it's okay with you."

Almie blushed. Ilang sandali rin siyang tahimik at parang nag-iisip.

"Kung hindi pa pwed-"

"Hindi, I mean ano, okay lang," sabi niya habang nakangiti saka bumulong. "First time kong magpakilala ng..."

Hindi niya tinapos ang sasabihin niya dahil pareho na kaming namula. Nagkatitigan kami at saka ngumiti.

"Halika, nandito sila Mommy," sabi niya saka naglakad papunta sa isang bilugang table kung saan may dalawang babae at isang lalaki na nakaupo.

Pinagpawisan ako at nanlamig ang mga kamay ko.

Nang makarating na kami ay agad na tinawag ni Almie ang atensyon ng kanyang mga magulang. Nang humarap sila ay agad akong ngumiti.

"Good evening po, Attorney Paras and Mrs. Paras," bati ko sa kanila. "I'm Severus Bernardo po."

Naningkit ang mga mata ni Attorney Paras, kumislap naman ang mga mata ng dalawang babaeng naroon.

"Good evening, Severus," Mrs. Paras smiled at me. "Come and join us."

I also smile. Naunang umupo si Almie, sumunod naman ako.

"Hindi ba't ikaw ang anak ni George?" Tanong ni Attorney Paras, I nod. "Anong sadya mo sa table namin, hijo?"

Nanlamig ulit ako dahil sa kaba pero binawela ko iyon saka taas noong nagsalita.

"Gusto ko po sanang hingin ang permiso niyo para ligawan si Almie."

SeverusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon