kabanata xiii

12 0 0
                                    

Long chapter ahead guys! Enjoy!
•••

Mga bandang alas syete nang tawagin kami ni Mrs. Dimacutan, may gagawin daw kasi kaming activity. Kaya kahit nakapantulog na ang iba ay bumaba na agad kami sa may dalampasigan.

Pinauna namin si Leo saka kami nagsabay ni Hiro. Pagbaba namin ay nakita na namin ang iba naming kaklase na nakaupo sa pabilog na style tapos merong bon fire sa gitna nila at malapit sa apoy na 'yon ay nakatayo ang apat na guro ng bawat seksyon na kasama sa trip na 'to.

Nakita naming tinignan kami ni Mrs. Dimacutan kaya agad din kaming umupo sa tabi nina Mark at Geo na siya ring katabi nina Lanie at Almie.

"Bro!" Masiglang bati ni Mark sa akin, nginitian ko lang siya.

Ni hindi ako makatingin sa mga mata niya. Nagiguilty ako. Nagiguilty ako kasi tinatago ko sa kanya na nakilala ko na 'yong lalaking sumulot kay Ivy, kahit na alam kong anumang oras ngayon, makikilala na rin niya si Leo lalo na't nililigawan na ni Geo si Lanie. Now that I think of it, ano kayang tingin ni Mark sa panliligaw ni Geo? Or maybe, hindi niya pa alam. Baka hindi pa nila sinasabi 'yong natuklasan nila noong nakaraang araw. Ano kayang mararamdaman ni Mark kapag nalaman na niya?

Nang makumpleto kaming lahat ay mga iniisip ko kasi biglang nagsalita si Sir Max, 'yong adviser ng cream section sa mga Senior.

"This night, we will open up. Isheshare natin ang lahat sa mga naririto, ang mga sikreto natin, hinanakit o baka para sa iba ay kilig, o pwede rin namang ang tunay na kwento sa likod ng lahat ng ipinapakita natin sa eskwelahan," sabi niya na mayroong ngiti sa mga labi. "Pero depende iyan sa mabubunot niyo."

Tumingin kami sa itinuro niya na nasa kamay ni Miss Sette, 'yong adviser ng isa pang section ng batch namin. Isa iyong malaking bowl, iyong mistulang ginagamit sa mga quiz bee o pa-raffle.

"May tatlo kayong maari na mabunot dito, at may kanya-kanyang storya na dapat ikwento sa bawat isa," sabi niya. "Kapag heart emoticon ang nabunot niyo," bumunot siya at ipinakita sa amin ang itsura, "magkukwento kayo tungkol sa buhay pag-ibig ninyo.

"Kapag naman like emoticon," hinalukay niya ulit ang bowl at ipinakita sa amin ang like emoticon, "magkwento kayo ng mga adventures niyo with friends or anything na kasama niyo ang mga kaibigan ninyo.

"At kung smile emoticon," ipinakita niya ulit sa amin, "tell us a story about your family."

Umismid naman si Mrs. Dimacutan. "Kung ayaw niyong magkwento, ihanda na ninyo ang mga gamit niyo't maghanap na ng bus pabalik."

'Yong isa namang teacher na adviser ng isa pang section ng mga Seniors, inakbayan niya sa Mrs. Dimacutan saka humalakhak.

"Ano ka ba naman, Gerany! Huwag mong takutin ang mga bata!" Halakhak ulit ni Mrs. Liza saka siya bumaling sa amin. "Hindi pwedeng hindi mag-share, ano ba naman kayo! Sa mga grade 12, last niyo na 'to kaya sulitin niyo at sa mga grade 11 naman, huwag niyo nang asahang meron pa nito next year. Saka kung ano man ang makikita at maririnig niyo rito sa Puerto, maiiwan at maiiwan iyon dito sa oras na tumapak na ulit kayo sa Clover High. Naiintindihan niyo ba?"

Mga um-oo naman sila kaya ang laki-laki ng ngiti ni Mrs. Liza at para namang kakain ng tao si Mrs. Dimacutan.

"Very good! So now, let's start!" Sigaw ni Mrs. Liza saka nagsimulang paikutin ang bowl.

Unang bumunot ang isang senior at iyong like emoticon ang nabunot niya. Ngumisi siya saka nagsimulang magkwento.

"Ganito kasi 'yon, apat kaming magkakasama, ako, si Ramil, Aro at si Leo. Katatapos lang namin magpractice ng basketball no'n and then we saw this girl, literal talaga kaming napahinto," kwento niya saka siya tumawa sa alaala. "Ang ganda kasi niya. Pagkatapos no'n, nag-stalk kaming apat pero hindi namin alam na parepareho kami ng ginagawa. So we discovered na taga-Acad Department siya tapos may boyfriend na edi Ramil and Aro stopped stalking her when they found out but I didn't. Leo didn't. And because of that girl, nagkagulo-gulo na kami, but in the end, we're still friends and the girl broke up with her boy so paunahan nalang tayo nito, Leo!" Saka siya humalakhak at itinuro ang kapatid ni Lanie na nasa gilid lang ng katabi niya, ngumisi naman ito saka umiling.

Ang nabunot ng sumunod ay smile emoticon kaya nagkwento siya ng tungkol sa pamilya niya. Hindi na ako masyadong nakinig, tumitig nalang ako kay Almie na tutok na tutok sa nagkukwento. Paminsan-minsan ay tumatawa siya kaya nangingiti rin ako. Isang beses pa ay lumingon siya sa akin at biglang ngumiti ng pagkatamis-tamis pero naalala niya yata iyong nangyari noong nakaraan kaya bigla rin siyang sumimangot at tumingin nalang ulit sa nagkukwento. Ngumiwi rin ako sa alaalang iyon kaya tumingin nalang din ako sa nagkukwento.

Nang matapos siya ay si Leo naman ang bumunot, at heart emoticon ang nabunot niya. Kanya-kanyang panunukso ang mga kasama namin, ngumisi lang naman si Leo saka nagsimulang magkwento kaya't biglang tumahimik ang lahat.

"Jet black hair, a smile that could lift your mood and a very, very expressive pair of eyes. Iyan ang nagustuhan ko sa kanya. Pero ni hindi man lamang niya ako matapunan ng maski isang tingin dati. Isang tao lang, isang lalaki lang ang binibigyan niya ng atensyon at mga magagandang ngiti niya," ngumiti siya ng mapait at pahapyaw na tumingin kay Mark na siya ring nakatitig sa kanya. "Selos na selos ako sa lalaking iyon, sa sobrang inggit ko pa nga, natanong ko ang sarili ko kung ano bang kulang sa akin. Pero nagbago ang lahat just because of a mistake. Tinitignan niya na ako, pero hindi ang tingin na hinihiling ko dati. Pinapansin na niya ako pero hindi katulad ng pagpansin niya sa kanya. Pero determinado akong mabago ang tingin niya sa akin, I will prove her wrong. Ipapakita ko sa kanya na mas deserving ako sa lalaking iyon. Ipaparamdam ko sa kanya iyong hindi niya naramdaman sa piling ng walang kwentang iyon."

Natahimik kami. Nagkatinginan kami nina Geo at Hiro. I shook my head internally. Mabuti nalang at sa ibang lugar ang trip ng mga taga-Acad Department, nina Ivy, kung hindi ay malaking gulo talaga ito't agad na malalaman ni Mark ang lahat. I sighed.

Pagkatapos ng kwento ni Leo ay hindi na ako nakinig pa. Lumilipad lang ang utak ko sa mga maaaring mangyari kung alam na ni Mark. Pwede siyang magalit sa amin, pwede niya kaming sisihin kasi tinago namin sa kanya na alam na namin ang lahat. Pwede silang mag-away ni Geo o Hiro dahil silang dalawa naman talaga ang nakatuklas ng lahat, pwede ring si Leo ang sugurin niya saka niya babawiin si Ivy dito. Pwede ring... wala lang sa kanya. Kasi nagmomove on na siya. O baka naghahanap na ng iba. Ewan ko. Hindi ko na alam.

Nahinto ang lahat ng iniisip ko nang bumunot na si Almie, smile emoticon ang nabunot niya. Ngumiti siya, pero napansin kong hindi iyon umabot sa kanyang mga mata.

"My mom is a designer, my dad is a lawyer, my aunt is the school owner, my sister is an achiever," simula niya saka siya tumingin sa dagat. "Hindi ko alam kung paano sila hihigitan, heck, ni hindi ko nga alam kung paano sila papantayan e! Especially Alyn. Alyn is the best in her class, Alyn is the best swimmer, Alyn is the smartest, the cleverest, the most beautiful, everything! Alyn is the best, okay! Fine!

"Ayoko nang ikinukumpara ako sa kapatid ko. I'm different, she's different. We are two different people living in two different worlds pero bakit ganoon? Siya nalang palagi ang pinapaburan. Heck, kahit nga itong pagsama ko sa trip, ayaw nila. Ang pagsali ko sa Art Department, ang pagiging miyembro ko ng choir at ang mga clubs na sinalihan ko ay ayaw nilang lahat! 'You should be like your dad, join the Academic Department!' 'You should follow your sister's steps, join the Tantei club not those vocal clubs, you won't learn anything from them!' 'You're a disappointment, you're a disappointment!' I AM A DISAPPOINTMENT!"

Humagulgol si Almie. Niyakap niya ang tuhod niya at doon ibinaon ang mukha. Hindi ko kinayang tumingin lang kaya't nilapitan ko siya saka ko hinagod-hagod ang likod niya. Itinaas niya ang ulo niya at tumingin sa akin.

"Sev?" Bulong niya tapos tumingin siya sa akin gamit ang mapula at puno ng luha niyang itim na mata, I nod saka siya yumakap sa akin. "I'm sorry, Sev!"

I chuckled saka hinagod-hagod ulit ang ulo niya habang humahagulgol siya sa dibdib ko. I forgot about the world now that she's in my arms. And I don't want to let go of her.

SeverusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon