kabanata xiv

6 1 0
                                    

Nakita ko si Almie sa may dalampasigan kaya lumapit ako. Tinuturuan niyang magbalance 'yong kasama niya sa surf board.

"Marunong ka?" I asked her.

"Yeah." Tinignan niya lang ako sandali pagkatapos ay ibinalik na rin niya ang tingin sa kasama niya. After a few seconds, I saw her bit her lip saka siya tumingin ulit at ngumiti sa akin. "Ikaw?"

Ngumiti ako sa kanya bago sumagot. "Well, no," sagot ko saka ako tumawa. "Swimming lang, hindi ako marunong magsurf."

"Ah," sabi niya habang nakatingin pa rin sa akin. Nagtitigan kami. Naputol lang ito nang kinuha ng tinuturuan niya ang kanyang atensyon.

Habang hindi pa siya tapos sa ginagawa niya, naglakad ako ng kaunti palayo sa kanila para hindi ako makaistorbo saka ako umupo sa buhanginan.

It's already our second day here in Puerto de San Juan. Kanina ay napakaaga naming nagising at napakarami naming ginawang activities kaya ngayon ay parang pahinga na muna namin. Bukas naman ay may gaganaping beach party. And I want Almie to be my date.

Pero parang malabo. Pagkatapos kasi kagabi noong niyakap niya ako, parang umiiwas na siya sa akin. Kapag nag-uusap naman kami, para siyang naiilang.

Tinignan ko ulit siya at nakita kong wala na 'yong kasama niya kanina at nakatingin din siya sa akin. Nang mahuli niya ang mga mata ko, agad akong tumayo para lumapit sa kanya pero mabilis din siyang naglakad palayo. Hinabol ko siya at nang maabutan ko'y hinila ko ang braso niya pero napasobra yata ang paghila ko kasi bumagsak ang mukha niya sa dibdib ko.

Binitawan ko ang kamay niya saka nag-iwas ng tingin. "I'm sorry."

"Ano, wala lang 'yon, okay lang," sabi naman niya. "Ano, sige, alis na muna a—"

"Wait!" Sigaw ko sabay tingin sa kanya. "Ano kasi, pwede bang ano, pwede ba kitang maging date bukas?"

Namula ang magkabilang pisngi niya saka tumingin sa akin. "Ah, yeah, sure! I mean, oo naman, ano S—"

"Thank you!" Sabi ko saka siya niyakap. "Thank you!"

"Ah, Sev, ano kasi e, pwede bitawan mo na ako? Pinagtitinginan na tayo."

I chuckled while releasing her saka ko siya tinignan nang mata sa mata. "I'm sorry ulit."



MAG-AALA UNA NA AT MISSING in action na naman si Geo at Lanie kaya kaming tatlo lang nina Hiro at Mark ang magkakasamang kumakain sa cottage habang si Almie naman ay nakababad na sa dagat.

"So may date na kayo?" Tanong ni Mark habang hinihimay 'yong isda na nasa plato niya.

"Yeah," I answered. "I asked Almie and she said yes."

"Ikaw, Hiro?"

Inirapan niya kami. "Kailangan pa ba niyan?"

Tumawa naman ako. "Of course, Hiro!"

"Tuwang-tuwa ka na 'no kasi date mo na si Almie," sabi ni Mark habang naniningkit ang mata. "Hayaan mo, sasabihin ko sa kanya mamaya na huwag kang siputin bukas!"

"Ang sabihin mo, tuwang-tuwa kasi nakayakap na naman," iling ni Hiro saka tumawa.

"Woah! Nakakadalawa ka na ha!" Sigaw naman ni Mark saka humalakhak na rin siya.

Binato ko silang dalawa ng mga plastic cups para manahimik kaso mas lalo pang lumakas ang mga tawa nila.

"Ewan ko sa inyo," nangingiti kong sabi. "Diyan na nga kayo, maliligo muna ako!"

"Asus! Maliligo daw, didiskarte ka lang ulit kay Almie e!" Pang-aasar ulit ni Mark habang naghuhubad ako ng damit, nang mahubad ko na binato ko ito sa kanya saka ako humalakhak nang matamaan siya sa mukha at nahulog ang isdang isusubo sana.

"Eff you, Sev!" Sigaw niya.

"Eff you too!" Sigaw ko rin saka bumaba na nang tuluyan sa may dalampasigan.

Hinanap agad ng mata ko si Almie. Ilang segundo ko pang sinuyod ng tingin ang dagat bago siya umahon. Naramdaman niya yatang may nakatingin sa kanya kaya lumingon-lingon siya. Nang magtama ang mga mata namin, sumisid ulit siya at tuluyan nang umahon sa pampang.

Basang-basa ang suot niyang black spaghetti strap at short shorts nang lumapit siya sa akin. Mamula-mula na ang kanyang balat. I mentally punched myself for leaving the towel behind.

I smiled sheepishly at her. "I'm sorry, I forgot the towel."

"No, it's okay. Babalik din naman ako e, nakita kasi kita kaya umahon ako saglit." She smiled, too. "You gonna swim or just sunbathe?"

"I'll swim. I love swimming," I said.

"Really? Pareho pala tayo," she chuckled na sinabayan ko naman.

After that, nagtitigan muna kaming dalawa saka siya tumingin sa dagat tapos sa akin ulit. "Race tayo?"

I nod saka sumunod sa tumatakbong si Almie.

Damn all those fears. I am going to risk everything, I'm all for it. I'm all for her, all for Almie.

Severusحيث تعيش القصص. اكتشف الآن