kabanata vi

28 2 0
                                    

I'm tired of waiting! LOL! So iaupdate ko nalang, bahala kayo! Enjoy reading!

EDIT: Nakalimutan kong klaruhin lahat dito so in-edit ko. Enjoy!
•••

Ilang araw akong hindi pumasok, nagulat nalang ako nang isang umaga, nakita ko si dad na nagkakape sa lamesa sa apartment ko.

"What are you doing here?" I asked brusquely.

"Well, good morning to you, too, son," he said saka siya uminom ng kape. "Why don't you sit down?"

"Why should I? I'm gonna sleep again," sabi ko saka tumalikod sa kanya at dumiretso sa kwarto ko.

Humiga ako sa kama ko at nagtabon ng kumot.

"Don't be stubborn, son. Anong isusuot mo sa party? Get up, magpasukat ka na ng suit," he said.

I groaned saka bumangon. "We're going to play, remember? Magsusuot kami ng gusto naming suotin, okay? Leave it to us, dad."

Humiga ulit ako at nagtago sa ilalim ng kumot nang nagsimula siyang lumapit sa akin.

"Balita ko ay nag-away kayo ni Resa," he started, "ano na naman ba ka--"

"Get lost, dad!" I shouted. "It's none of your business!"

"Kung hindi ka na naman papasok, edi pag-usapan nat--"

"FINE!" Sigaw ko saka ako tumayo at dumiretso sa banyo. "I'm going to school."




Alas diyes na ng umaga nang dumating ako sa Clover High. Agad akong dumiretso sa room namin sa second floor at doon ay binungad ako ng masungit naming Mathematics teacher at adviser namin.

"Wow! Good morning, Mr. Bernardo!" Palatak ni Mrs. Dimacutan sa matinis niyang boses. "Aba't may balak ka pa palang pumasok! Mabuti naman! Dahil hindi porque anak ka ni Governor George ay bibigyan na kita ng A sa Mathematics mo when in fact, you are failing because of your absences!"

Tinignan ko siya na para bang bored na bored ako saka ako naghikab. "Are you done now?"

Hindi siya sumagot, tinitigan niya lang ako na para bang gustong-gusto na niyang tanggalin ang ulo ko. Hindi ko na rin siya pinansin, dumiretso ako ng upo sa pinakalikod at tahimik na tumingin sa labas ng bintana.

"Okay," buntong-hininga ni Miss Dimacutan, "uulitin ko ang instructions ko para kay Mr. Bernardo. Instead of a prom, isang trip ang gagawin ng mga juniors (grade 9 at grade 10) at seniors (grade 11 at grade 12) ngayong taon. Hindi required ang lahat na sumali pero ang gusto ko, kumpleto ang seksyon na hawak ko. Do you understand, Mr. Bernardo?"

Ibinaling ko ang tingin ko sa kanya saka siya tinaasan ng kilay at bumalik sa pagtingin sa labas.

She sighed again. "Magaganap ang trip sa February 10 to February 13. Four days and three nights to be exact. We are all going to La Union, and our exact destination is Puerto de San Juan Resort. This trip is also a recollection for you. Don't forget your things, are we clear? Ayokong may maghihiraman ng gamit doon.

"Isa pa, iba ang destinasyon ng mga juniors sa seniors. At kada department din ay sa iba't ibang lugar din ang punta. Halimbawa nalang, ang mga taga-Arts Department na katulad ninyo ay sa La Union habang ang Academic Department naman ay sa Baguio. Hindi ko lang alam ang sa mga juniors dahil advisers nila ang bumunot ng kani-kaniyang lugar para sa mga bata. Kaya huwag na kayong magtaka kung wala ang iba ninyong kaibigan mula sa ibang department.

"So that's all, goodbye class."

Paglabas na paglabas niya ay agad na rin akong tumayo, hindi na ako naghintay na lapitan ako nila Geo na kanina pa ako tinitignan.

Dumiretso ako ng canteen at bumili na pagkain. Pagkatapos katulad ng dati ay umakyat muli ako sa rooftop para kumain at manigarilyo. Pero pagdating ko, nagulat ako sa nadatnan ko.

Nakatayo lang siya roon at may dala-dalang gitara. Nakalugay anv khaki brown niyang buhok at nakatalikod siya sa akin. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa mga railings kung saan hindi niya ako makikita kahit pa humarap siya.

Tahimik akong kumain at nang tapos na ako ay kumuha ako ng isang sigarilyo saka ito sinindihan at nagsalita na rin ako.

"Anong ginagawa mo rito?" I asked.

Almie jumped, nagulat ko yata. And then she looked at me with those enchanting black orbs saka siya ngumiti at lumapit sa akin.

"Kanina ka pa ba rito, Sev?" Tanong niya nang makalapit na siya, I nod and then she looked at the cigarette I was holding. "Huwag mo sanang masamain 'to pero sana huwag ka nang maninigarilyo ulit sa harapan ni Resa."

Kumunot ang noo ko. "Why?"

"Her father died because of smoking, and she was diagnosed with Tuberculosis before. Mabuti nalang at naagapan," kwento niya habang nakatingin sa malayo.

Dahil sa sinabi niya, hinulog ko ang sigarilyong hawak ko.

"So you're really bestfriends," I stated.

Lumiwanag ang mga mata niya nang tumingin sa akin. "Yeah, since we were three," she said then she smiled. "Nasabi na rin niya sa akin na ikaw 'yong magiging step brother niya."

"Kaya ba alam mo 'yong pangalan ko noong una tayong magkita?" I asked curiously.

"Oh, no," she shook her head then she chuckled. "Kilala ka kaya sa buong campus, Sev. Lead vocalist ng Kraderis Ed, taekwondo, basketball and volleyball player, idagdag pa na anak ka ni Governor George. Sino ba namang hindi makakikilala sa 'yo, 'di ba?"

"Oh, I thought you were my stalker," idinaan ko nalang sa biro ang sagot ko, kahit na pakiramdam ko may sumaksak sa akin sa likod.

I actually expected something. Something I don't know. But atleast, kilala niya sa mga curricular ko at hindi lang sa pagiging delinquent son ng gobernador.

Tumawa naman siya sa sinabi ko. "In your dreams, Bernardo!"

Nakitawa nalang din ako then I offered my right hand to her. "Friends?"

She accepted my hand and said, "Friends."

SeverusWhere stories live. Discover now