kabanata x

14 0 0
                                    

Late akong nagising kaya late rin akong nakapasok. Dumiretso agad ako sa Music Room at nagulat ako nang makita ko si Geo roon. With Almie.

Nagdadrums siya at nakapikit na para bang oblivious siya sa lahat ng nangyayari sa paligid niya habang si Almie naman ay nakatingin at nanunuod lang sa kanya. Tinignan ko lang silang dalawa, sa kalagitnaan ng pagtingin ko sa kanila, parang may kung anong dumagan sa dibdib ko.

Biglang ngumiti si Almie. Mas lalo namang bumigat 'yong nakadagan sa dibdib ko. At nang bigla siyang mapalingon sa pintuan ay agad akong nagtago, mabuti nalang at mabilis ako kaya hindi ako nakita.

Umalis nalang ako roon at dumiretso sa room. Pagpasok ko, nakita ko si Hiro na nakayuko lang sa table niya, hindi ko nalang nilapitan. Pumunta nalang ako sa upuan ko at yumuko rin.

Inisip ko 'yong nakita ko kanina. Napangiti ni Geo si Almie. Hindi ko pa 'yon nagagawa. Hindi pa ngumingiti si Almie nang dahil sa akin. Napabuntong hininga tuloy ako.

"Lalim a," sabi ng isang pamilyar na boses sa gilid ko. Nilingon ko naman ito.

"Mark," I said. Medyo gulat ang tono ko kaya napalingon si Hiro at tumingin sa akin pagkatapos kay Mark naman saka siya lumapit. "Akala ko 'di ka papasok?"

Ngumiti siya. Ngiting mapakla. "Para ano? Para makita niya na may pakialam pa rin ako? Huwag na, ano ba naman kayo!" Sabi ni Mark saka siya tumawa, nagtinginan naman kami ni Hiro dahil dito. "O, bakit parang kulang yata ang Kraderis Ed?"

'Di ko sinasadyang mapaiwas ng tingin dahil sa tanong niya. Parang kinurot 'yong puso ko. I mentally shook my head. Panigurado wala namang malisya 'yon para kay Geo, alam niyang may gusto ako kay Almie. I shook my head again then I sighed.

E, kay Almie, wala rin kaya 'yong malisya?





Saktong first period dumating si Geo kanina at ngayon namang lunch break, si Lanie ang kasama niya.

"Guys," tawag niya sa pansin namin. "Si Lanie nga pala, nililigawan ko."

Ngumiti si Lanie saka nag-small bow sa harapan namin. "Hey, nice meeting you all."

Ipinaghila siya ng upuan ni Geo saka sila nagtabing dalawa. At pag-upong pag-upo pa lang nilang dalawa, dumaldal na agad si Mark.

"Naku, binata na si Geo! Pinagpalit ka na sa babae, Hiro o," pang-aasar ni Mark. "Ano? Pinagsawaan mo na ba si Hiro, ha, Geo?"

Nagtawanan silang tatlo (Lanie, Geo at Mark) nang pukpukin ni Hiro ng mineral bottle si Mark.

"Huwag kang ganyan, Hiro! Huwag kang mag-alala, 'di kita ipagpapalit sa iba!" Sigaw niya saka umarteng niyayakap ang inis na inis na si Hiro, nang biglang dumaan si Ivy.

Natahimik kaming lahat. Tinignan namin kung anong magiging reaksyon ni Mark. Tumayo siya at walang lingon likod na naglakad papunta sa kabilang direksyon na pinanggalingan ni Ivy. Sinundan lang namin siya nang tingin.

"O, ang tahimik niyo yata?" Tanong ng kararating lang na si Almie.

Uupo na sana siya sa tabi ni Hiro nang nakita ko siyang tumingin kila Geo at Lanie. Bumigat na naman 'yong dibdib ko sa saglit niyang reaksyon bago siya ngumiti ulit at humarap sa akin.

"Hey Sev," sabi niya saka ngumiti ng para bang may ibang meaning. "Where's Resa, by the way?"

Ngumiti na naman siya at hirap na hirap akong pigilan ang sarili ko na bumuntong hininga. I know what she's doing. "I don't know."

"Hmm," she said pagkatapos niyang nguyain ang pizza niya saka siya tumingin sa akin, kay Hiro at Geo. "Hindi niyo ba ako ipapakilala?"

Geo cleared his throat. "Almie, si Lanie nga pala, nililigawan ko. Lanie meet Almie, kaibigan namin."

Ngumiti si Almie nang ioffer ni Lanie ang kamay niya para sa isang shakehands. "Nice to meet you, Almie."

Tinanggap naman ni Almie saka bumalik ulit sa pagkain niya. Tinitigan ko siya habang kumakain. Parang naramdaman niya yata na may nakatingin sa kanya kaya itinaas niya ang ulo niya. Then it happened again. Black meets chocolate brown.

Agad akong tumayo kaya naputol 'yong eye contact naming dalawa. Nilapitan ko siya saka ko inilabas 'yong panyo ko.

"May dumi ka o," sabi ko saka pinunasan 'yong hot sauce malapit sa bibig niya tapos binigay ko ang panyo sa kanya.

Nagmamadali naman akong umakyat sa rooftop. At nang makarating ako, sumigaw agad ako.

"Damn it!"

Pakiramdam ko, sasabog na ako e. Natatakot ako. Natatakot ako na kapag sinabi ko sa kanya, baka lumayo siya. Natatakot ako na kapag hindi ko sinabi sa kanya, baka mawala siya sa tabi ko.

Natatakot ako na kapag sinabi ko sa kanyang gusto ko siya, ipagtabuyan niya ako.

SeverusWhere stories live. Discover now