45 - Present Time

8K 187 4
                                    

Lee's Note: Helloooooo! Guys, sorry talaga sa sobrang tagal na update ha? Tight kasi talaga ang sched. ko. Ganunpaman, hahaha (tagalog na tagalog) gusto kong magpasalamat sa mga patuloy na sumusuporta sa puchu puchu kong story. Salamuch sa reads, votes, comment. And please guys, this update is more like a special chapter, don't expect too much okay? Babawi ako sa susunod na update, promise. O sya, alam ko namang may mga tatlong excited na sa update, kaya hala, sige! Basa na!.


HAPPY READING GUYS! (All caps, para intense. Lol)


***



Sunday morning ay pumunta kami sa Madrigal Mansion. Family day kasi nila. Napagpasyahan na mamasyal na lang ang pamilya at syempre, kasama na kami ni Franz doon. Iyong family car ang gagamitin para magkakasama kaming lahat sa isang sasakyan.

"Sweetheart, naiwan na ata tayo, ang tahimik ng bahay e, parang wala ng tao." Biro ni Franz habang inaalalayan ako papasok sa mansion nila.

Oo, bahay ang tawag nila dito pero para sa akin ay mansion na ito. Napakalaki ng bahay nila. May tatlong guest room sa baba, may pitong kwarto sa second floor at ganoon din sa third floor.

Franz' is such an attentive fiancé. Lagi syang nakaalalay sa akin. Kulang na nga lang ay wag na ako palakarin at kargahin na lang ako. Maya't maya akong tinatanong kung may kailangan ako at kung may gusto akong kainin.

Nadatnan namin ang kambal na nanonood ng tv sa malaking sala nila. Parehas tutok sa pinapanood habang may tig-isang bowl ng chips.

"Brats, where's mom and dad?" tanong ni Franz na nagpalingon sa dalawa.

"Upstairs." Maikling sagot nila bago tumayo at sabay na humalik sa magkabilang pisngi ko.

"You're more beautiful ate, now that you are carrying love's child." Chelo said and I smiled sweetly.

"Thank you dear."

"Why do I have this feeling that you three are the real siblings here?" kunway nagtatampong sabi ni Franz sa dalawa dahil halos hindi sya pansinin ng dalawa.

"Ay kuya? Nandyan ka pala?" natatawang sagot naman ni Cheska sa kuya nya saka naglambitin sa leeg ng kuya nya at humalik sa pisngi.

Si Chelo naman ay inirapan lang sya at saka inakay ako paupo sa couch para makinood din.

"Ano ba ginagawa nila Mommy? Hindi pa ba tayo aalis?" tanong ulit ni Franz. Kanina pa sya parang excited na ewan sa family day nila. Hindi naman sya ganito dati noong nagpafamily day sila.

"Nasa taas nga. Bakit ba hindi ka makaintindi?" Pabalang na sagot ni Chelo. Mukhang magkagalit talaga sila ng kuya nya. Ano na naman kaya ang pinag-awayan ng dalawang to.

"Chelo, kuya mo pa din ako ha. Galangin mo ko." Inis na sagot ni Franz, alam kong medyo napipikon na sya kaya bahagya kong hinila ang shirt nya para awatin sya. Tumango lang sya at naupo sa armrest ng couch at inakbayan ako.

"Nag-aaway si Mom at Dad kuya. Praning na naman kasi si Mommy." Si Cheska na ang sumagot habang tutok pa din sya sa pinanonood.

"Bakit? Anong pinag-aawayan nila?" lalong kumunot ang noo nya sa narinig.

"Na-promote kasi yung PA ni Dad kaya naghire sila ng bagong PA ni Dad, nagkataong babae ang nag qualify sa position kaya ayun, mega selos si Mommy. Parang praning talaga." Kwento ni Chelo. Sakto namang pababa si Tita Tsina at Tito Franco.

Si Tita Tsina ay nauunang maglakad at nakasimangot pa din pero noong makita ako ay agad na nagliwanag ang mukha at ngumiti.

"Kamusta ka na hija? Hindi ka ba pinapahirapan ng apo ko?" tanong nya at saka ako niyakap bago humalik din sa pisngi ko.

My Little BrideWhere stories live. Discover now