14 - Present Time

9.3K 200 0
                                    

"Hi.." he said huskily, it's almost midnight na, hindi pa din ako makatulog kaya lumabas ako para uminom ng milk.


"Hi yourself. Hindi ka din makatulog?" I asked him.


"Patulog na sana, may tinapos kasi ako."


"Ah, do you want milk?" I asked again, wala na kasi akong ibang masabi.


"Yes please." He answered as he sat in front of me. Sinalinan ko ng milk ang baso at saka iniabot sa kanya. Agad akong natigilan noong maramdaman kong nakapatong ang kamay nya sa kamay ko. Hindi ko alam kung sinadya ba nya iyon.


"Uhm.. Sorry."


"It's okay." Sagot ko saka mabilis na tinanggal ang kamay ko sa pagkakahwak sa braso. Hindi ko alam kung bakit pero naiilang ako sa mga tingin nya at tuwing nagdidikit kami.


Paranoid lang ba talaga ako o kakaiba talaga ang mga ibinibigay nyang tingin sa akin?


Ilang beses ko na din syang nahuhuling nakatitig sa akin, parang may gusto syang sabihin na hindi nya masabi.


Kanina sabi nya, madami daw syang gagawin pero sumunod sya sa amin sa dagat hindi para mag-swimming kundi para panoorin kami.


Knowing that someone is watching my every move makes me conscious. It is so unusual.


"Can we talk?" mahina nyang sabi, more like pabulong, as if naman may ibang makakarinig sa amin eh dalawa lang kami dito.


"About what? Sa mga designs?"

"No, about personal things." He answered


"So pagkatapos ni Chelo, ikaw naman ang magtatanong ng magtatanong?" pabiro kong tanong, masyado kasi syang seryoso.


"Hindi naman, isa lang ang tanong ko. No, actually it isn't a question to answer. I just want to inform you." Parang bigla naman akong kinanahan sa sasabihin nya.


"I want to inform you that I will be courting you. I don't want to ask you if I can court you or not. I am courting you and that is final. I don't want to give you a single chance to say no to me. That's all, goodnight." He talked so fast as if his life defend on it, pagkatapos ay ininom din nya ang gatas na para bang uhaw na uhaw sya nung maubos ay basta na lang akong tinalikuran at nagmamadaling pumasok sa kwarto nya. Surely, he doesn't want me to say anything. Not even a single word.


Iniwan nya akong mag-isang natutulala doon. Tama ba ang dinig ko sa mga sinabi nya?


Kinabukasan ng umaga ay parehas kaming nagulat noong madatnan naming si Chelo sa sala na mukhang aalis.


"Where do you think you're going brat?" Franz serious voice echoed. Napahinto sa paglabas ang kapatid nya.


My Little BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon