3 - Glimpse of the Past (His Version) - Part 1

9.7K 228 1
                                    


One week before graduation, habang nakatambay ako sa garden ng Univ. noong biglang may lumapit sa akin at sinabing nasa clinic daw si Ferline. Hindi na ako nagtanong at mabilis na pumunta doon.


Inisa-isa ko ang bawat curtains na nandoon dahil wala akong nadatnang nurse na nakabantay. Baka kung ano na ang nangyari doon. Malamang sinumpong na naman ng dysmenorrhea nya. Lagi ko kasing nakikita every month yung hirap nya pag may period sya. Wala naman ng gaanong ginagawa, sana hindi na lang sya pumasok.


Bubuksan ko na sana ang huling kurtina noong may marinig akong umuungol. Hindi iyon ungol ng nasasaktan. Parang ungol iyon ng lalaking may kaanuhan.


Kahit kinakabahan ay dahan dahan kong sinilip kung sino ang nandoon. Imposibleng nandito si Ferline. Baka nakaalis na sya at nahuli ako ng dating. Hindi ko na sana titignan kung sino yun dahil gusto kong hanapin si Ferline pero nakucurious ako kaya ako sisilip. Sino kaya ang malakas ang loob na gagawa ng kalokohan sa clinic?


Halos manlaki ang ulo ko sa nakita ko! Nagmamadali akong lumabas! Alam kong nakahubad ang babae kahit na natatakpan ito ng katawan ng lalaking nakadagan sa kanya. Kitang kita ko ang magandang mukha nyang nakapikit. Sigurado ako na sya yun! Kilalang kilala ko ang mukhang iyon!


F*ck! Damn it! Paano nya nagagawa iyon? Kailan pa nya ginagawa iyon? Hindi ko alam na ganun na sya kapakawala! Hindi matanggap ng sistema ko!


Parang gusto kong magwala! Parang gusto kong sapakin ang lahat ng taong nakakasalubong ko!Parang gusto ko silang balikan at pagpaliwanagin sa kung anoman ang ginagawa nila.


Ayokong maniwala na sya iyon pero bag nya at sapatos nya ang nandoon sa loob ng clinic at kitang-kita ko ang mukha nya! Kahit gaano ko kagusto ay hinding-hindi ko maitatanggi na na hindi sya iyong babaeng iyon!


At kahit na hindi ko pa makita ang mukha nya ay sigurado ako na sya talaga iyon dahil ako ang nagregalo ng bag na gamit nya at sapatos na suot nya ngayon!

 

Napakadumi nya! Kailan pa sya nagsimulang gawin ang mga ganoong bagay? At anong klaseng lalaki ang kasama nya? Ni hindi man lang sya kayang ibayad ng motel? Sa clinic pa talaga ha? May nakakalusot pa din pala kahit na bantay sarado ko sya dito sa School.


Dumiretso ako sa apartment ng girlfriend ko. Wala ako sa mood kaya nahiga lang ako sa kama na nandoon habang si Ms. Torres ay naglalaptop. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa din ang nakita ko kanina. Hindi ko alam kung kanino ako magagalit. Doon ba sa lalaki? Kay Ferline ba? O sa sarili ko dahil hindi ko sya nagawang bantayan ng maayos?


"Oh my God! Hon! Look at this! Bilis!" tarantang sabi nya.


Nasa site sya ng facebook. Babalik na sana ako sa pagkakahiga noong mapagsino ang babaeng halos hubad na ipinapakita nya sa akin!


"F*ck!" I glared! Mabilis kong inagaw sa kanya ang laptop at saka tinignan kung sinong gago ang nagsend sa kanya nito! I clicked the link to see who the sender is pero isang dummy account lang iyon. Parang ginawa lang para isend ang picture na iyon!

My Little BrideWhere stories live. Discover now