2 - Glimpse of the Past (His Version) - Part 1

14.6K 249 0
                                    


"Sweetheart pahiram ng panyo!" malambing kong sabi sa katabi.


"Oy tol, kayo na ba ni Ferline? Paano na si Ms. Torres?" Malokong tanong ni Shane. Ferline is my childhood friend, I know her since we were five years old while Ms. Torres is our young Math professor. I saw Ferline make face bago inirapan si Shane. Hilig kasing alaskahin ni Shane si Ferline kaya para silang aso't ousa palagi.


Inakbayan ko si Ferline bago sumagot.


"Ferline is not my girl tol, but she's mine! While Ms. Torres is another matter!" maloko kong sagot at sabay sabay naman silang humalakhak. Binabakuran ko si Ferline. Noon pa, sinabi ko na sa kanila na off limits si Ferline pagdating sa kanila, Kilala ko silang maloloko sa babae, nangunguna si Shane at kung hindi ko iingatan si Ferline, malamang maloko sya ng isa sa mga babaero kong barkada.


"Paano ka naman mapapansin ni Ms. Torres nyan kung palagi lang nakalingkis kay Ferline? Pwede mo naman ipabantay sa amin si Ferline habang inaano mo si Ms. Torres!" hirit pa ni Shane! Ang gago talaga!


"Sira pre! Kung kay Ms. Torres at Ferline lang naman, kay Ferline na ako!" - hirit ni Miguel


"Hoy! Hoy! Hindi ko ipagkakatiwala sa inyo to no! Mahirap na! Masalisihan nyo .." naputol ang sasabihin ko noong tumayo ang katabi ko at mabilis na naglakad palayo sa amin.


"Oy, habulin ko muna ang sweetheart ko!" mabilis kong paalam sa kanila at saka nagmamadaling sinundan si Ferline. Dinig ko pa ang malakas na tawanan ng barkada.


Naabutan ko sya sa likod ng University kung saan may gazebo. Nakasimangot sya. Nabadtrip na naman sya nila Shane.


"Sweetheart.. Nagbibiro lang sila.." pang-aamo ko. Ganito na lagi ang eksena namin.


"Sana kung magbibiruan kayo ng ganoon ay yung wala ako at hindi ko naririnig." Masungit nyang sagot.


"Alam mo naman si Shane, hilig kang asarin. Ang bilis mo kasing mapikon."


"At saka mas ang pangit naman kung magbibiruan kami ng ganun behind your back." Dagdag ko pa. Totoo naman, mas nakakabastos pag ganon diba?


"Bakit ba kasi pati si Ms. Torres dinadamay nyo?" inis nyang tanong.


"Wala lang yun sweatheart. Biruan lang din yun." Pagpapalusot ko. Ayokong malaman nya ang balak kong pormahan si Ms. Torres dahil Professor naming yun at hindi pwede pero last year na naman namin at pwede namang itago hanggang sa makagraduate kami.


Next to Mom, my two sisters and Ferline, Ms. Torres is the one I like. She's beautiful, smart, witty, and wild. Actually, dalawa kami ni Shane na nilalapitan nya pero madaming babae si Shane at hindi daw nya type si Ms. Torres, samantalang ako, unang pasok pa lang nya sa klase ay pinagpapantasyahan ko na ang sexy butt nya. Ewan ko ba, weakness ko talaga ang babaeng may sexy butt.

My Little BrideWhere stories live. Discover now