10 - Present Time

10.4K 212 2
                                    


Wednesday night ay bumiyahe na ako papuntang Marinduque, kaya saktong umaga ay nandito na ako. I took the RORO para madala ko ang sasakyan ko.


I decided to call Ferline before going to the Resort para maisabay ko na sya papunta doon at hindi na sya mahirapang mag-commute.


"Hello? Who's on the line please?" she answered, tinignan ko pa ang screen ng cellphone ko kung tama ba ang naidial ko. Bakit hindi nya alam ang number ko? Hindi ba nya inilagay sa contacts nya iyon noong tumawag at nagtext ako sa kanya nung nakaraan?


"It's Franz, where are you?" inis kong tanong. Nakakasira ng umaga.


"Nasa bayan na ako ng Marinduque." Walang gana nyang sagot. Parang inaantok pa o wala lang talaga syang gana na kausap ako?


"Where exactly? Nasa bayan din ako."


"Thea's Coffee Shop." Maikli nyang sagot. Ilang minuto din akong umikot sa lugar bago ko nakita ang sinasabi nyang coffee shop. Agad akong bumaba para sana sabayan syang mag kape dahil hindi pa din ako nagaalmusal pero noong nakita nya ako ay tumayo na sya at sinalubong ako.


"Let's go." Nagmamadaling aya nya sa kin, ni hindi man lang ako tinanong kung nag breakfast na ba ako. Samantalang dati, dinadalan pa nya ako ng sandwich kahit na alam naman nyang hindi ako pinapaalis ni Mommy ng hindi nagbibreakfast.


"Hey? Are you gonna stand there all day?" tanong nya noong nilingon nya ako at nakitang nakatayo lang ako at nakatingin sa kanya.


Nakasimangot na sumakay na din ako sa kotse. Hindi ako kumikibo. Nagugutom na kasi talaga ako, tapos hindi pa nya hinayaan na ipagbukas ko sya ng car door, alam naman nyang naiinis ako pag ganun. Ang babaw ba ng huling dahilan ko? Nasanay kasi ako dati na ipinagbubukas sya ng pinto ng sasakyan. Turo iyon ni Mommy Love eh. Kailangan daw gentleman.


Tahimik lang din syang nakaupo habang kinakalikot ang phone nya. Ni hindi man lang pinansin ang pag simangot ko. As in deadma talaga, samantalang dati, konting simangot ko lang, lalambingin at kukulitin na nya agad ako kahit pa nagda-drive ako.


"Have you had your breakfast?" I asked. She just looked at me and give me her are-you-sure-that-is your-question Look. Ang tanga nga naman kasi ng tanong ko, nakita ko naman kanina na galing sya ng coffee shop kaya malamang nagbreakfast na sya. Gusto ko lang naman kasing tanungin nya ako kung ako ba ay nag-almusal na din.


"Coffee and a slice of cake." Akala ko ay hindi na sya sasagot. Pero hindi nya talaga tinanong kung ako ba ay nagbreakfast na kaya nanahimik na lang din ako.


Nakarating na kami sa Resort at kitang-kita sa mukha nya ang paghanga sa lugar. Napakaganda naman kasi talaga dito. The view, the color of the sea, the sand bar, at ang sariwang hangin na nalalanghap.


"Paradise" wala sa sariling bulong nya. Yes. It is almost paradise.


"Shall we go to the cottage first?" aya ko sa kanya. May family villa kasi akong pinagawa dito, exclusive for family members only. May apat na cottage iyon. Isa para kay Mom and Dad, tig-isa yung kambal at yung isa sa akin. Each cottage has two bedrooms pero ang may gamit pa lang ay yung sa akin. Mom, Dad ang the twins wants Ferline to designs their cottage. Yung akin, simpleng Black and White lang ang makikitang kulay sa loob at labas, may queen size bed ang dalawang room at sofa bed sa labas ng mga kwarto at maliit na kitchen cum dining.

My Little BrideWhere stories live. Discover now