29 - Present Time

6.4K 131 0
                                    


Kinaumagahan, nagulat ako noong pagbaba ko ay naabutan ko si Franz na nakaupo sa couch. May nakalapag ding bouquet of flower sa center table namin.


Gusto ko sanang ngitian sya pero naalala ko ang post nya sa fb na may sandamakmak na comment ng mga babae nya kaya napasimangot ako.


Ni-like ko ang post nya para alam nyang nabasa ko ang post at mga comment doon.


Alanganin syang lumapit sa akin noong makababa ako ng hagdan namin. Bitbit din nya ang bulaklak at agad na inabot sa kin.


"Good morning sweetheart." He said awkwardly before kissing me on the cheeks.


"Good morning yourself." Pagtataray ko saka inirapan sya pero tinanggap ko naman ang bulaklak na inaabot nya.


Sasagot pa sana sya noong biglang lumabas si Mommy mula sa dining room.


"O gising ka na pala anak. Papaakyatin ko na sana si Inday para gisingin ka e. Halina kayo, mag breakfast na tayo." Aya ni Mommy at saka tinalikuran na kami.


Sinulyapan ko lang si Franz at saka sumunod na kay Mommy. Ramdam ko naman na nakasunod sya sa akin kaya pinigilan ko ang sarili kong lingunin sya.


"Inday, pakilagay naman ito sa vase." Utos ko sa kasambahay namin bago naupo.


"Ang aga naman ng manliligaw mo princess, may lahi bang intsik iyan?" hindi ko alam kung nagjojoke si Dad dahil seryoso naman ang mukha nya pero natawa pa din ako.


Si Franz naman ay namula. Ang cute! Franz Madrigal is blushing! Imagine that?


"Dad naman, boyfriend ko na po iyan." Pagtatanggol ko.


"Ang daddy mo talaga Ferline. Baka ihahatid si Ferline sa trabaho. O Hijo, huwag kang mahiya, kumain ka ng madami." Baling naman ni Mommy kay Franz, ilang na ilang kasi si Franz.


Pagkatapos kumain ay mabilis akong umakyat para magtoothbrush. Mabuti na lang at nakaayos na ako at ready ng umalis.


"Susunduin kita mamaya sweetheart. Malelate ka kapag ngayon tayo nag-usap. Let's talk over dinner." Seryoso nyang sabi.


Tumango lang ako. Noong makarating sa office ay binigyan ko lang sya ng smack na kiss sa lips at saka nagpaalam na papasok na.


Wala na ang inis ko sa kanya dahil sa misunderstanding namin but nevertheless, naiinis pa din ako sa kanya dahil sa mga comment ng mga babae nya sa post nya.


Napakadami kasi noon. Meaning, napakadami nya talagang naging babae. Wala na ba talaga syang koneksyon sa mga yun ngayong kami na? Ang dami kasi talaga para maidispatsa nya ng ganun kadali.


At saka sa dami ba noon, natatandaan nya lahat ng pangalan at mukha non? Bwisit syang lalaki sya! Napakababaero!

My Little BrideWhere stories live. Discover now