38 - Present Time

7.2K 144 7
                                    

Warning: More typo error. Not Edited at lalong hindi na proof read.

Ipagpaumanhin ang puchu puchung update guys. Gusto ko lang talagang mag update para sa mga readers na nagiintay pero busy kasi talaga kaya ganitong update lang ang kaya kong isingit. Hope you guys understand. Will fix it as soon as I can. A'right? I still wish you all a happy reading and a happy life. xoxo.


**


It's when I'm standing twenty feet away from you and not being able to find the words to tell you how much I love you and how much I miss you that I want to just scream to the whole world that I'm still in love with you. It's when I'm sitting alone with the phone in my hand dialing your number and hanging up before I hear the ring that I would trade a thousand tomorrows for just one yesterday. Then I could just call you to tell you everything in my mind. It's when I am really sad about something and need someone to talk to that I realize you're the only one who really knew me at all. It's when I cry myself to sleep at night and it hits me how much I would give to hold you at that very moment. It's when I think about you that I realize no one else in the world is meant for me.


Nakakabading itong ginagawa kong pag-i-stalk sa kanya pero wala akong pakielam. Maaga akong nagising o hindi ko alam kung nakatulog ba talaga ako.


Kanina ay nasa dalampasigan sya at naglalakad lakad, noong magsawa ay naupo naman sya sa kubo malapit pa din sa dagat. Favorite tambayan daw iyon ni Ferline sabi ni Shane.


Nandito ako ngayon sa tanong parte ng rest house. Nasa itaas ng puno, actually. May dala akong binoculars at doon tinatanaw si Ferline. Nakakatawa ang naisip ko right? Hindi kasi ako makuntento na sa cctv monitor ko lang sya nakikita.


Si Shane ay kanina pa paikot-ikot, nagbabantay dhil nag-alala na baka Makita daw ako ni Ferline. Natahimik lang iyon noong umakyat ako sa puno at sinabing hindi ako bababa doon hanggang nasa labas si Ferline.


Nang pumasok sya sa bahay ay mabilis akong bumaba ng puno at saka pummunta sa likod bahay kung saan may secret passage papunta sa basement. Naabutan ko pa sa monitor na sa kusina pala sya nagpunta.


Nakapangalumbaba sya sa dining table. Salo salo ng dalawang kamay nya ang magkabilang pisngi nya. Nakakatuwa pa ang pwesto nya dahil saktong nakaharap pa sya sa secret camera kaya kitang kita ko ang pagnguso nya.


I can't help but adore her cuteness. Para syang batang nagtatampo sa magulang dahil hindi napagbigyan ang gusto nya.


Nawala ang ngiti ko habang pinapanood sya when her face suddenly lit up at the sight of Shane. Sinugod nya bigla ng yakap si Shane na halatang nagulat. Para akong dinibdiban ng sampung beses.


Ako dapat yun e. Pag ngumiti sya ng ganun, ako dapat ang dahilan, kapag may gusto syang yakapin, ako lang dapat yun, at ako dapat ang nagpapasaya sa kanya, not Shane.


Kita kong inabot ni Ferline ang hawak ni Shane na isang malaking bote na may lamang gatas? Yeah, kulay gatas iyon eh. Kumuha sya ng baso at sinalinan iyon at mabilis ding ininom, si Shane ay iiling-iling lang sa isang tabi habang pinanonood sya sa ginagawa. Again, ako ulit dapat yun, yung nanonood sa kanya sa mga ginagawa at gusto nyang gawin. Yung nginingitian nya ng matamis kapag naibibigay ang gusto nya.

My Little BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon