36 - Present Time

6.9K 136 0
                                    

Good morning readers! Happy New Year! I know I am a couple of hour late in updating, but here it is. Better late than never right? Sana mag enjoy kayo! Mapaganda ko sana ang unang umaga ng 2016 nyo! xoxo


***


"Shane, umalis na ba sya?" I asked Shane. Sobrang natakot ako sa nangyari sa akin. I feel so hopeless. Akala ko, mawawala na sa akin ang anak ko.


Noong magising ako ay gusto ko ulit matulog para lang iwasan ang mga tao sa pagbabalita sa akin na may masama ngang nangyari sa dinadala ko.


Halos maiyak ako sa tuwa noong sabihin sa akin ng doctor na ligtas kami ng baby ko pero kailangan ng matinding pag-iingat dahil mahina ang kapit ng bata.


Noong makita ko sya kanina ay labis labis ang pagpipigil ko sa sarili ko, sa galit ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko bilang pag-iingat na din sa baby ko.


"Nasa labas pa sya. Why don't you talk to him?"


"Wala kaming pag-uusapan. He made it clear to me that we were over a couple of months ago. Ito nga ang bunga ng break up sex namin e." I answered angrily.


Pakiramdam ko ngayon nanganib na mawala ang anak ko, wala na akong nararamdamang pagmamahal para sa kanya, wala na akong nararamdaman sa kanya kundi galit.


Ano ngayon kung buntis ako? Babalikan na nya ako? Hindi nya ako kailangan balikan dahil sa kalagayan ko. Kaya kong buhayin ang anak kong mag-isa. Kaya kong magtrabaho para sa amin ng anak ko. Sapat naman ang ipon ko para makapagsimula kami ng baby ko at alam ko naman na hindi ako pababayaan ng magulang ko.


"I think you need space to think things over, you need time to calm down. May rest house ako sa batangas, if you want, you can stay there without Franz knowing it." Mabilis akong nag-angat ng tingin para tignan sya at masugurong seryoso sya sa inaalok nya.


"Will you let me escape?" I asked with full of hope.


"Let's just say, a temporary escape. Kailangan mo pa din silang harapin sooner or later Ferline. Gusto ko lang sa ngayon na makalma ka at ma relax. Kakausapin ko ang doctor mo kung pwede kang ibyahe at kapag nabigyan tayo ng clearance ay itatakas kita dito." Gusto kong mapasimangot noong sinabi nyang temporary pero malaking tulong pa din ang gagawin nya kaya ngumiti ako ng tipid at tumango.


Pagkatapos ng usapang iyon ay lumabas na si Shane. I was given a discharge slip and clearance bago gumabi. Binilinan lang kami ng doctor na ma-ingat at maging maagap kung sakaling may maramdaman akong kakaiba.


Madilim na nang bumalik si Shane. Mabilis ang naging kilos namin. Lumabas kami ng silid, nadaanan pa namin ang natutulog na si Madrigal sa mahabang upuan sa gilid ng silid. Dumeretso kami sa rooftop ng hospital na nagsisilbing helipad. Nandoon ang isang hindi kalakihang helicopter. Doon daw kami sasakay para mabilis ang byahe. Masama din daw kasi sa akin ang mahabang byahe at baka matagtag ako.


Walang isang oras ay nakarating kami sa Batangas. Kahit madilim ay alam kong malapit lang kami sa dagat. Naaaninag ko kasi ang dagat at nakakarinig ako ng alon.

My Little BrideWhere stories live. Discover now