41 - Present Time

8.1K 181 19
                                    

Lee's note: Surprise guys! May update ako. Hihihi. Sana magustuhan nyo ang puchu puchu kong update. Salamat sa paghihintay ng napakatagal na update. Thank you for the support. Dahil doon, napipilitan akong gumawa ng update dahil nahihiya ako sa inyong mga naghihintay (kahit 3 lang kayo. lol.) Seriously guys, I really appreciate the number of reads, comments, votes and follow. Happy Reading. Goodmorning! :)


***


I woke up feeling so warm and light. Nang imulat ko ang mga mata ko ay ganoon na lang ang gulat ko nang maalalang magkatabi nga pala kaming natulog ni Madrigal.


Nagising ang diwa ko at mabilis kong tinanggal ang mga braso kong nakayakap pa sa kanya. Ako pa talaga ang nakayakap sa kanya hah?


"Good morning sweetheart." He said in his bedroom voice, sh*t! Nag-iinit ako, este ang mukha ko sa pagkapahiya. Kanina pa siguro gising ang siraulong to. Sinasamantala ako.


"Good morning your face." Pagtataray ko, anong akala nya, porke inalagaan ko sya kagabi dahil may sakit sya at nagising syang nakayakap ako sa kanya ay okay na kami?


"Woke up at the wrong side of the bed sweet?" And he dared asked in a teasing voice!


"I actually woke up at the wrong bed Madrigal." I answered in a serious tone para iparating sa kanya na hindi pa kami okay. Baka akala nya porke tinabihan ko syang matulog dahil mataas ang lagnat nya kagabi ay okay na kami.


"I'm sorry sweetheart. Pwede bang sabay tayong mag breakfast?" maamo nyang tanong, naawa naman ako kaya tumango na ako, nauna na akong bumangon at lumabas sa basement. Pumasok muna ako sa kwartong ginagamit ko para makapagbihis at ayos ng konti bago bumaba sa dining room.


Pagdating ko doon ay nakaupo na sa hapag si Shane at Andrei. Pumwesto ako sa tabi ni Andrei na agad naman akong inalalayan maupo habang si Madrigal naman ay masamang nakatingin sa amin. Problema nito? Last time I checked, ako ang galit, not the other way around.


Naunang mag-abot si Shane ng lagayan ng kanin na tinanggap ko naman ng may ngiti at nagpasalamat, pagkatapos ay inaabot naman sa akin ni Franz ang bote ng gatas ng kalabaw na palagi kong inaalmusal pero dahil naiinis ako sa kanya ay inirapan ko lang sya at hindi iyon inabot.


"Shane, pakiabot naman ng bacon please." I asked sweetly. Agad namang inabot iyon ni Shane pagkatapos ay sya na ang maglagay ng ilang strips ng bacon sa plato ko.


"Kumain ka din ng egg, It's good for you." Sabi ni Shane habang nilalagyan din ng itlog ang gilid ng plato ko.


Nang mapatingin ako kay Madrigal, nakita kong nakatingin pa din sya sa amin at hindi ginagalaw ang kanyang pagkain habang si Shane naman ay parang normal lang na nagsimula ng kumain. Ganoon din ang ginawa ko pagkatapos kong iwan ng irap si Franz.


Patapos na kaming kumain nang biglang may nag ring na cellphone. I know it's Franz' phone dahil nasa kwaarto ang phone ko at hindi naman nagdadala si Shane ng phone sa dining room. Nakumpirma ang iniisip ko noong ilabas ni Franz ang tumutunog na phone mula sa bulsa nya, napakunot noo muna sya pagtingin sa screen niyon bago nag excuse sa amin para lumabas at sagutin ang tawag ng kung sino man.

My Little BrideWhere stories live. Discover now