35 - Present Time

6.7K 150 8
                                    


"Kapag may nangyari sa beby ko, I will never forgive you, Madrigal!" the coldness of her voice sends chill up to my bone. Pakiramdam ko ay biglang nanlaki ang ulo ko sa narinig ko. Kahit anong gawin ko, walang rumerehistrong matino sa isip ko kundi ang boses nya na paulit-ulit na sinasabi 'yon.


Shane is driving like a mad man. Kita ko din ang pagsulyap sulyap nya sa salamin sa gawi namin. Ang mga matatalim na titig na ibinibigay nya sa akin.


Namalayan ko na lang na umiiyak na ako noong makita kong may tumulong luha sa pisngi ni Ferline, sigurado akong hindi galing ang luha na iyon sa walang malay na si Ferline.


My God! What have I done? Napakagago kong tao. Wala akong kwenta!


"Man up asshole! Your tears won't save Ferline and the baby. Magmadali ka, ipasok mo na sya sa hospital." Matigas na sabi ni Shane. Doon ko lang nalaman na nakahinto na pala ang kotse at nasa tapat na kami ng hospital.


Mabilis ang mga galaw ko, binuhat ko si Ferline na wala pa ding malay at malalaki ang hakbang na ipinasok sya sa hospital, si Shane na nauuna sa amin ay sumisugaw ng emergency kaya mabilis ang naging kilos ng mga nurse. Sinalubong na kami ng nurse na may tulak na stretcher.


Hindi kami pinayagan na samahan sya sa emergency room kaya napilitan kaming maupo na lang sa bench sa labas. Nilapitan pa kami ng dalawang nurse para gamutin ang mga pasa, black eye at putok na labi na gawa ng away namin kanina.


Nakayuko lang ako sa upuan, sinasabunutan ang sarili at halos iumpog ko na ang ulo ko sa pader. Nanlalamig ang buo kong katawan sa kaba na nararamdaman.


Para na akong mababaliw sa paghihintay dito sa labas, hindi ko din alam kung saan pumunta sa Shane. Ayoko na syang habulin at alamin pa dahil gusto kong paglabas ng doctor ay nandito ako.


Mabilis akong tumayo noong makitang lumabas na ang doctor na tumingin kay Ferline.


"Doc. Kamusta po si Ferline?"


"Ikaw ba ang kasama ng pasyente?" tanong nya sa akin


"Yes Doc, I'm h-her h-husband." Nauutal kong sagot.


"Okay, follow me, I need to talk to you at my office." Sabi nya at saka nauna ng lumakad patungo sa isang silid. Sumunod lang naman ako papasok sa opisina nya.


"Maupo ka." Sabi nya sabay turo sa bakanteng upuan sa harap nya.


"Dideretsahin na kita. Sa ngayon, masasabi ko sa'yong ligtas ang mag-ina mo. Pero sobra ang dinadalang stress ng Misis mo, Mister. At mahina ang kapit ng bata. Kailangan nya ng complete bed rest at iwas sa stress at depression." Huminto pa ng saglit ang doctor bago nagpatuloy.


"Hanggang maaari ay iwasang pasamain ang loob ng pasyente, magbibigay din ako ng gamot pampakapit sa bata at vitamins, kailangan din nyang uminom ng gamot para sa dugo. Makakabuti din kung ang masasagap nyang hangin malinis."

My Little BrideWhere stories live. Discover now