CAPITULO X

1.5K 32 17
                                    

A/N: First, I am sorry. It took me 5 days before updating this story. I was busy at work. I hope you understand.

-----------------------------------

He could hear her crying.  

He tries to ignore the pull of the call, but can’t.  He knows there is no use fighting her call.  He needs to go to her.  It is his fault--he sends her off.  Because of her honest comment--his sculptures don’t have emotions?  He groans at the thought.

Malakas ang ulan pagsilip niya ng bintana.  Nagdala siya ng  jacket at malaking payong.  Paglabas ng building, tumingin siya sa paligid.  Hindi niya makita si Thea.  Dinala siya ng mga paa sa park.  Finally, nakita niya si Anthea, nakaupo sa bench.  Basang basa na siya at lamig na lamig.  Ipinatong niya ang jacket sa likod ni Thea paglapit niya sa bench.  “Sorry.” bulong niya.  Tinignan siya ni Thea ngunit walang emosyon ang mukha nito.

“Maulan, halika na.” Yaya niya kay Anthea.

“Sa aking pagkakaalam, pinalayas mo ako kanina.  Sana hindi mo na lamang ako sinundan.” Galit na tugon ng dalaga.

“I intended to do that, but I couldn’t.”  Naiinis na sabi ni Jordan.

“Hindi ko maintindihan ang iyong sinasabi!  Umalis ka na--Iwan mo na ako!”  Pasinghal na sabi ni Anthea.  Inalis din niya ang jacket na pinatong ni Jordan sa likod niya.

“Tignan mo ang ginawa mo.  Huh!  Hindi kita pwedeng iwan.  Umuulan.  Basang basa ka na ng ulan, magkakasakit ka niyan.  Halika ka na, wag kang makulit.”  Hinawakan ni Jordan ang kamay niya--hinigit niya rin ito.

“Oo, makulit ako.  Sinuway ko ang kagustuhan ng mama ko, kaya nangyayari sa akin ang ganito.  Nais ko nang bumalik.  Pero hindi ko alam kung papaano.”  Pinipigil niyang tumulo ang luha niya.  Marahang hinawakan ni Jordan ang kamay niya.  “Maulan, umuwi muna tayo.  Ilagay mo itong jacket sa likod mo.”  Sumunod lang si Anthea sa kanya.

Kumuha ng tuwalya si Jordan at binigay kay Anthea.  Sinabi niya na kailangan nitong maligo dahil nabasa ito ng ulan.  Kinuha ni Anthea ang tuwalya at pumasok ng banyo.  Napahagod ng buhok si Jordan.  Hindi niya malaman kung anong koneksyon meron sila.  Umupo siya ng sofa--inisip kung ano ang dapat gawin.  He needed to help her find her family--remember who she truly is.  Pumasok siya sa kwarto at naligo dahil nabasa din siya ng ulan.

Nakaupo ang dalawa sa kusina.  Tahimik pa din sila.  Si Anthea, alam niyang iniligtas uli siya ni Jordan, ngunit naiinis pa din siya sa inasal ng binata.  Hindi na ito Caballero gaya ng inaakala niya.

“Gusto mo ng chocolate?”  Umiling lang si Anthea.  “H-Hindi ko alam ang sasabihin--salamat kanina sa pagliligtas sa akin.”  Napatingin lang si Jordan sa kanya at napabuga ng hininga.

“Hindi ka man lang magsosorry--hihingi ng tawad?”

“Tawad?”  Napangisi lang si Thea.  “Bakit naman ako hihingi ng paumanhin?  Pinaalis mo ako, kaya ako nabasa ng ulan.  Hindi ako humiling na sundan mo ko.  Salamat... sa kabila ng paglapastangan mo sa akin kanina.”

“Teka, nilapastangan kita?  Eh ikaw, pumasok ka sa isang pribadong kwarto--sa workshop room ko.  Pinakielaman mo ang mga ginawa ko.  Sabi mo hindi mo yun gusto at nakulangan ka dahil walang emosyon?  Huh!”

“Hindi ako dalubhasa sa larangan ng sining, ngunit may kaunti akong alam tungkol doon.  Mahilig akong magpinta.  Hindi ko sinabing hindi ko gusto ang iyong mga estatwa.  Para sa akin, may kulang lang sa kanila.  Minasama mo ang sinabi ko.”

Fide et Amor [TimeTravel Romance] hiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon