CAPITULO IV

1.5K 31 21
                                    

Guilt.

He suddenly felt guilty when he sent her away.  He is very phlegmatic--slow to anger and laid back.  Hindi madaling umiinit ang ulo niya.  He had a rough time that day and his anger aggravated when he saw that his masterpiece was broken into pieces.  Pero hindi niya maintindihan ang naramdaman niya nang palayasin niya ang ang baliw na babaeng natulog sa kanyang sofa.  Kanina paglabas pa lang nito, bigla siyang nakadama ng takot.  Hindi niya alam kung saan nanggaling ang takot niya.  Hindi siya mapakali noong palabasin niya ang babaeng baliw na yun.  Sinubukan niyang humiga at magpahinga sa kanyang kwarto, pero tila may kung anong humila sa kanya upang sundan ang babaing yun.

Dang!  Why do I feel that I am under a spell or something?  Gusto na niyang magpahinga pero tila may isang enerhiyang humihila sa kanya para sundan ang babaing yun.

Anthea, Anthea ang name niya, pinaalala niya sa sarili para hindi niya matawag na baliw ang babaing yun.

Pagbaba niya sa hagdan, nakita niya na nasa labas na si Anthea na nasa gitna ng kalsada.  Nakatalungko ito at tinatakpan ang kanyang mga tainga.  Tumakbo siya papalit sa kanya.

Paglapit nya dito, hinila niya ito pataas at napayakap ito sa kanya.  Bigla itong nawalan ng malay.

Great.  This is really a great day.  Napabuntong hininga siya at dinala si Thea pabalik ng kanyang unit.

----

Takot na takot siya nang marinig ang mga ingay mula sa kanyang paligid.  Nanlamig ang kanyang buong katawan.  Habang nakatalugko at nakatakip ang kanyang mga palad sa kanyang tainga,  siya nagdasal na sana may tumulong sa kanya o magbalik siya muli sa kanyang silid.  Iniisip niya na isa pa rin itong panaginip.

Maya-maya ay may isang humila sa kanya, siya ang lalaking nagpalayas sa kanya kanina, hindi niya alam kung bakit siya biglang napayakap sa kanya, marahil sa sobrang takot na kanyang naramdaman.  Nang niyakap niya ang lalaki, nawala ang kanyang takot, pati na rin ang kanyang kamalayan.

***

Dinala ni Jordan si Thea sa kanyang kwarto at inihiga sa kanyang kama.  Nakita niya ang pagkatakot nito kanina noong nasa harap siya ng mga sasakyan.  Malamig ang kanyang palad.  Nanlamig dahil sa takot.  Narinig niyang dumating na ang kanyang kapatid galing sa trabaho.  Tinawag niya ito dahil hindi niya alam ang gagawin.  Pagdating ni KV sa kanyang kwarto nagulat ito sa nakita.

“What the?”  Napakunot ng noo si KV.

“Pagdating ko galing sa work, nakita ko siyang natutulog sa sofa.”  Tuluyan na silang pumasok sa kwarto at tinignan si Thea.

“Sino siya?”

“Anthea daw ang pangalan niya.”

“Hindi, papaano mo siya nakilala?”

“Sabi ko nga, pagdating ko galing work, nakita ko siyang natutulog sa sofa.”  Tinignan ni KV ang kanyang kuya na parang nasisiraan na ito ng bait.

“P-Paanong… teka, papaano siya nakapasok ng bahay?  Iniwan mo na naman bang bukas ang pinto, kuya?”

“Hindi.  Nilock ko ang pinto bago ako umalis.”  Tinignan siya ng kapatid na parang hindi ito naniniwala sa mga sinasabi nito.  “Nilock ko nga.”

“Pero papanong nakapasok siya dito?  Dumaan siya sa bintana?”

“Hindi ko alam.  Ang sabi niya, nawalan daw siya ng malay sa kwarto niya at nakahiga daw siya sa sahig at noong magising siya, nakahiga na siya sa sofa natin.”

“And you bought that?”  Sarcastic na tanong ni KV.

“Eto pa, sinabi niya na galing siya sa year Eighteen-fifty one.  Natawa nga ako kasi parang nasiraan ng bait sa play nila ng Noli Me Tangere, tignan mo naman ang costume niya, naka Maria Clara pa.”  Lalong kumunot ang noo ni KV sa mga sinabi ng kuya niya.

Fide et Amor [TimeTravel Romance] hiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon