Teaser

8.9K 73 39
                                    

GALING SILA SA MAGKAIBANG MUNDO AT PANAHON.  Ang isa ay galing sa nakaraan habang ang sa kasalukuyan naman ang isa.  Bagama’t sila’y galing sa magkaibang siglo, ang kanilang puso’y pinagtagpo…

Nangako si Jordan sa sarili na hindi na siya maiinlove ulit nang nakipagkalas sa kanya ang fiance niya ilang araw bago ang kasal nila.  Imbes na magmukmok, bumalik siya sa dati niyang kinahiligan—ang paggawa ng iskultura.  Hindi niya namamalayan na nakagawa siya ng isang imahe ng babaing laman ng kanyang panaginip.

Nagulat na siya isang umaga nang biglang mabasag ang  iskultura niya at tumambad ang isang mysteryosong babaig laman ng panaginip niya.

Nais tumakas ni Anthea sa isang pangakong pagpapakasal sa lalaking hindi niya mahal.  Kaya’t taimtim siyang nagdasal sa bisperas ng kanyang kasal upang makatakas sa napipintong pakikipag-isang dibdib.  Pagmulat niya kinabukasan nakita niya ang sarili sa ibang lugar at panahon.

MAGKAIBA MAN ANG SIGLO AT MUNDONG KANILANG PINANGGALINGAN ngunit pinag-isa sila ng pag-ibig.  Aayon o hahadlang ang tadhana sa kanilang pag-iibigan?  

ALL RIGHTS RESERVE ©justbreathesofie 130812

Fide et Amor [TimeTravel Romance] hiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon