CAPITULO II

1.6K 39 16
                                    

A/N: Again, thank you @czesivaroham for editing this chapter! Grabe you made me write better updates! Guys, I hope you enjoy this. Do not forget to vote and comment!

------------------

Ramdam pa rin niya ang pagtibok ng kanyang puso at ang paghinga niya.

Akala niya, mamatay na siya nang sumuko siya sa liwanag.  Pero alam niyang buhay na buhay siya dahil sensitibo siya sa kapaligiran niya.  Dama pa rin niya ang pagdaloy ng dugo sa kanyang katawan pati na rin ang pintig ng puso niya.  May naulinigan siyang tinig.  Malambing na boses mula sa isang lalaki.  Naramdaman din niya ang maulay na haplos nito sa kanyang mukha at sa mga braso, balikat ang kamay.  Hindi mawari kung siya ay nasa isang panaginip.

May kakaiba ang tinig ng lalaki--tila malungkot at puno ng pait.  Hindi rin niya maintindihan kung ano ang mga sinabi ng lalaki.  Hindi ito tagalog at mas lalong hindi ito Español.  Marahil ito ay Ingles.  Ngunit hindi pa rin niya maarok ang mga sinambit ng lalaki.  Kaunti lamang ang alam niya sa Ingles dahil hindi niya ito masyadong ginagamit.  Tinuruan siya ng ama niya ng kaunting salitang Ingles nang magtungo sila sa Inglatera para sa kanilang bakasyon.

Kakaiba ang kanyang panaginip dahil narinig lamang niya ang kanyang boses ngunit hindi niya nakita ang mukha nito.

Hindi pa rin niya iminulat ang kanyang mga mata--pagkat araw na iyon ang katapusan ng kanyang maliligayang araw.  Ikakasal siya kay Lorenzo.  Ni sa panaginip, hindi niya ninais na ang magpakasal sa lalaking hindi niya mahal.  Ngunit sa kanilang estado, ang pagpapakasal ay hindi base sa pagmamahalan ng dalawang tao.  Ang dalawang tao ay ikinakasal upang pagsamahin ang yaman ng kanilang mga pamilya.  Pero iba ang kanyang dahilan sa pagpapakasal kay Lorenzo.  Kailangan niyang gawin yun para sa kanyang ama.  Para sa iyo ito, papa, sabi niya sa sarili habang siya ay nanatiling nakapikit.

Maya-maya'y--ang kanyang tenga ay may nasagap na dayuhan sa kanyang pandinig. Mga tunog na tila malayo sa kanyang kamalayan at karanasan.  Naramdaman niya ang lambot ng isang higaan at hindi ang sahig ng kanyang kwarto.  Hindi niya maalala kung paano at kalian siya nakapunta sa kanyang higaan, pagkat ulirat niya'y bahagyang naglaon noong magdilim ang kanyang paligid.  Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata.  Madalim man ang paligid--ay mayroon munting liwanag na nakapasok sa maliit bintana

Bintana.  Papaanong nagkaroon ng bintana sa kanyang kwarto?  Nasaan na ang kanyang terasa?  Kinabahan siya dahil wala siya sa kwarto niya. Kinapa niya ang kanyang higaan, tiyak niyang hindi niya yun kama. Malaki ang kanyang kama--kasya ang dalawang tao, pero ang kasalukuyang higaan niya ay makitid.   May hawakan ang kanyang uluhan, dahilan upang kanyang malaman na siya'y nakahiga sa isang sofa.

Papaano ako nakapunta ng aming sala?  Tanong niya sa kanyang sarili.  Ako ba ay naglalakad na sa aking pagtulog?

Napagtanto niyang maaring nanaginip pa siya.  Nagsimula nang manuot ang takot sa kanya. Pumikit muli siya.

***

He is a zombie that day.  Wala pa din siyang tulog mula kahapon.  Tinapos muna niya ang kanyang sculpture.  Pero pagtingin niya sa orasan, alas-otso na ng gabi, kaya pumasok na lamang siya imbes na umidlip.

Kaya ngayon, para na siyang patay na buhay.  Hindi niya masyado marinig ang mga sinasabi ng boss niya.

“How ‘ya, Jordie?” Kumunot ang noo ni Jordan ng batiin siya ng boss niya sa kabilang linya.

“Good.”

“I want updates on Deburg, Jordie.”  Masyadong makapal ang Australian accent ng boss niya.  To make things worst--kausap pa niya ito sa telepono.

Fide et Amor [TimeTravel Romance] hiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon