CAPITULO XXII

1.3K 39 41
                                    

A/N: I deleted the first one.  This version is much better than the first one.

---------------------

Kay ganda ng bati umaga dahil namulat siyang katabi ang mahal niya.  Ang gabing kanilang pinagsaluhan ang siyang mananatili sa kanyang alaala hanggang sa pagbalik niya sa nakaraan.  Hindi siya nakaramdam ng panghihinayang nang ibigay niya ang kanyang sarili sa binata.  Sa wakas, natupad na rin ang kagustuhan niyang ibigay ang kanyang pagkababae sa lalaking mahal niya at hindi sa taong ipinagkasundo sa kanya.  Kung malalaman lang ito ng mama niya, tiyak na aatakihin ito sa puso.  Siya din ay maaring dustain sa kanilang panahon--bibinyagang babaing talipandas.  Tumayo siya at sinuot ang kanyang bata de banyo.  Pagharap sa salamin, tumambad sa kanya ang bagong mukha ni Anthea Beatrice.

Malaking pagbabago ang idinulot ng kasalukuyang panahon sa kanya.  Ipinalabas nito ang kanyang naturalesa.  Tama ang mga sinasabi sa mga libro ng kasaysayan--na makaluma ang mga kababaihan sa kanyang panahon.  Siya man din ay makaluma noon--ngunit binigyan siya ng kalayaan ng Dos Mil

Trece.  Naranasan niyang maging totoo sa kanyang sarili sa kasalukuyang panahon.  Hindi niya kailangang magpanggap--hindi tulad sa Mil Ocho sientos singkwenta'y-uno.

Batid na niya ang tunay na nantraydor sa kanyang ama at pamilya, dapat sana'y kukunin na siya ng nakaraan.  Ngunit hanggang ngayon ay nasa modernong panahon pa din siya.  Kung maari lamang ay gusto niyang manatili sa kasalukuyan.  Ngunit alam niyang hindi siya pahihintulutan ng tadhana.  Ngunit ano ang ibig sabihin ng kanyang hindi pagbabalik sa nakaraan?  Isa ba itong signus?  Siya ba ay nakatakdang manatili sa Dos Mil Trece?  Nagpalit siya ng kasuotan upang makapaglakad lakad sa labas.

....

He did not feel her when he turned to his side.  Sinubukan niyang kapain ang katabi, ngunit hindi niya ito maramdaman.  Nakadama ng kaba si Jordan dahil hindi niya nakita si Anthea sa kanyang tabi pagmulat niya.  Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig dahil mabilis siyang bumalikwas at tinignan ang paligid.  Nagbabakasaling tinataguan lang siya nito.

"Anthea?" Tinatawag niya ang pangalan ng mahal niya habang hinahalughog ang buong kwarto.  Hindi niya namalayang nagulo na niya ang kama at naihagis ang mga unan kung saan saan.  Kamuntikanan na niyang baliktarin ang kama upang tignan kung naroon si Thea.  Pinuntahan niya ang banyo, pati na rin ang hallway ngunit hindi niya makita ang dalaga.  Umupo siya sa magulong kama at hinagod ang kanyang buhok.  May kurot siyang naramdaman sa puso nang hindi niya makita si Anthea sa kanyang tabi.  Eto na ang bagay na kinatatakutan niya.  Ang paglalaho ni Anthea sa kasalukuyan.

"Santisima trinidad!  Anong kaguluhan ito?!"  Nagulantang si Anthea nang makita magulo ang kanilang silid.  Nawala ang kaba ni Jordan nang makita niyang nakatayo sa may pintuan ang dalaga.  Napatakbo ito sa kinaroroonan ni Anthea.  

"Kala ko iniwan mo na ako," sabi ni Jordan habang mahigpit niyang niyayakap si Anthea.

"Lumabas lamang ako upang magpahangin.  Masarap maglakad lakad sa labas dahil malamig," Sagot niya sa binata.  "Akala mo ba'y lumisan na ako?"  Humarap si Jordan sa kanya at tumingin sa mga mata niya.  "Kinabahan ako nang hindi kita makita sa tabi ko paggising ko."  Hinalikan niya ang noo ni Anthea.

"Kaya ba binaliktad mo ang ating silid?  Akala ko nagkaroon ng malaking pagsabog sa kwarto natin, mahal ko."  Tinignan ni Anthea ang Caballero at napansin hindi pa ito nakasuot ng karsunsilyo.  "Mahal ko, may nakakalimutan ka ata."  Hiyang hiya si Jordan nang mapansin niyang hindi pa siya disente sa pagharap niya kay Anthea.

...

Naghahalong lungkot at saya ang kanilang nadama pagbalik sa Manila.  Tinitignan lang ni Jordan si Anthea habang natutulog ito sa balikat niya.  She is the girl of his dreams.  She has everything he wanted in a girl, but too bad--she didn't belong in his century.

Fide et Amor [TimeTravel Romance] hiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon