CAPITULO III

1.5K 32 19
                                    

What a great day to end the day, sabi ni Jordan sa sarili niya.  Kulang siya sa tulog, nakita niya ang dalawang taong kinaiinisan niya, may nambasag ng masterpiece niya at ngayon naman sumasakit na ang ulo niya sa tili ng baliw na babaing nagtrespass sa bahay niya.  Good grief, this is indeed an asshole day!

“Miss, will you please stop?  Naririndi na ako sa tili mo.”  Nakahawak si Jordan sa noo niya at inis na inis sa tili ng babaing nasa sala niya.

“Hindi kita nakikilala, bakit ako andirito?  Ano ang kailangan mo sa akin?”

“A-Ako pa?  Ako pa ang tinatanong mo nyan?  Wow naman!”  Napabuga lang siya ng hangin sa inis.  “Trespassing ka na nga, nambasag ka pa ng gamit dito tapos nakuha mo pang magtanong ng ganyan?” Naiinis na tanong ni Jordan sa babae.  Umupo na si Anthea sa sofa.  Napakunot ang kanyang  noo dahil hindi niya maintindihan ang mga sinasabi ng lalaki.  Alam niyang Ingles ito, ngunit kakaibang salita ang mga sinasabi ng lalaki.  Gayun din ang pagsasalita niya ng Tagalog.  Tinignan niya ang lalaking nasa harapan niya mula ulo hanggang paa.  Iba ang pananamit niya.  Hindi ito barong na kadalasan isinusuot ng mga lalaki.  Mukha itong camisa de chino pero ibang iba pa din ang itsura nito.  Mestizo ang lalaki ngunit hindi niya makita ang kulay ng kanyang buhok dahil may suot itong pantakip sa kanyang ulo na tila isang gora.

Medyo na-conscious si Jordan dahil tinitignan siya ng babae mula ulo hanggang paa.  “Sino ka miss, papano ka nakapasok dito?”  Hindi pa din maintindihan ni Anthea ang mga salita ng lalaki at patuloy pa din ang kanyang pagtitig sa kanya.

“Miss, nakakaintindi ka ba ng tagalog o tanga ka lang?”  Nawawalan na ng pasensya si Jordan dahil antok na antok na siya at gusto na niyang matulog.

“Paumanhin po ginoo, ngunit hindi ko po mawari ang inyong sinasambit.” Taas noong sagot ni Anthea.  Napahagod lang ng buhok si Jordan.

“Dang!  I am stuck with a lady in a looney bin!”  Napabuntong hininga siya.

“Mawalang galang ginoo, alam ko pong pulos mga hangalan ang inyong mga sinabi mula kanina.  Unang una, hindi po ako tanga.  Ako man din po ay naguguluhan kung bakit ako nandirito sa inyong tahanan.  Ang huli ko lang pong naalala ay nasa sahig ako ng aking kwarto at pagmulat ko ng aking mata, natagpuan ko na po ang aking sarili sa inyong sofa.”  Nagtitimpi lamang si Anthea dahil naiinis na siya sa kahangalan ng kanyang kausap.  Hindi niya rin maintindihan ang iba niyang mga sinasabi.

“You think I am gonna buy that?  I wasn’t born yesterday, miss.  At bakit ka pa nakacostume, ikaw ba si Maria Clara?”

Hindi makahabol si Anthea sa bilis magsalita ng kaharap niya. “Hindi po Maria Clara ang aking pangalan!”  Nagulat si Anthea sa sarili dahil unang beses niyang nagtaas ng kanyang boses sa kanyang kausap.  Mariing na ipinagbabawal ito ng kanyang mama sapagkat para dito ang babae ay dapat palaging malumanay magsalita.  Ngunit kanina pa siya nasusuya sa kausap dahi hindi niya maintindihan ang mga sinasabi ng kanyang kausap.

“So, Ikaw pa ngayon ang galit?  Talaga naman.”  Napahawak si Jordan sa noo niya.  Napahagod ulit siya ng kanyang buhok at pumameywang. “Maria Clara---”  

“Anthea---po ang aking pangalan.”

“Fine, Anthea---papaano ka nakapasok sa bahay ko?”

“Hindi ko po alam.  Ang alam ko lamang po ay nawalan po ako ng malay sa sahig ng aking kwarto at kanina po magmulat ko po ng aking mga mata, nasa sala na po ako ng inyong bahay.  Nakahiga po ako dito sa inyong sofa.”

Kung akyat bahay siya, sana hindi na siya natulog sa sofa niya at mukhang wala naman siyang nakuha dahil nilock niya ang kwarto niya.  Yun nga lang nabasag ang masterpiece niya.  Malamang pinakielaman ng babaing baliw na nasa sofa niya.  Napalamukos lang siya sa kanyang mukha.

Fide et Amor [TimeTravel Romance] hiatusWhere stories live. Discover now