CAPITULO XII

1.2K 25 10
                                    

Nagulat si Jordan sa huling sinabi ni Anthea.  Napatingin siya kay Thea habang nakatingin ito sa kawalan.  Hindi siya makapaniwalang ikakasal ito.

“B-Bakit gustong mong takasan ang kasal mo?”  Napayuko lang si Anthea--napabuntong hininga.  Tumingin siya kay Jordan at inilihis ang tingin sa kawalan.

“Naguluhan ako--nasa piitan si papa.”  Bumuntong hininga ulit si Thea.

“Pero ang pakakasalan mo, sino yun?  Bakit gusto mo siyang takasan?”

“Si Lorenzo Prieto ang pakakasalan ko.  Magkapanalig ang aming pamilya--yun ang kondisyon ni Don Domingo upang tulungan niya ang papa.  Hindi ko gusto ang ugali ng aking mapapangasawa.  Marami itong nobya...at ayokong matali sa taong hindi ko mahal.”  Naalala bigla ni Jordan ang pang-iiwan ni Camille sa kanya sa araw ng kasal nila.  Siguro ganun din ang naramdaman nito nung ikakasal na sila.

“Ano pa ang nakasulat sa aking pamilya?”  Tinignan ulit ni Jordan ang page.

“With Don Antonio in jail, his eldest child, Anthea Beatrice--”humina ng kaunti ang boses ni Jordan--”was found dead in her room on the eve of her wedding day.  She was lying on the floor in front of her altar clutching a rosary.”  Napatingin siya kay Anthea at sinalin ang binasa niya.  Napatingin ulit sa kawalan si Thea.

“Ito ba ang oras napumunta ka sa panahon namin?”  Tumango lang si Anthea.  Ipinagpatuloy ni Jordan ang pagbabasa.

“Sinabi dito na pumunta si Doña Victoria Olondrez ng Espanya noong mga huling buwan ng 1854 para kausapin ang reyna.  Nakumbinsi naman niyang palayain na si Don  Antonio pero pagbalik niya noong 1855, hindi na siya nakaabot dahil..” Napalunok siya--hinawakan ang kamay ni Anthea. “Namatay na si Don Antonio sa kulungan.

Tumayo si Anthea at naglakad lakad sa sala.  Tumayo siya sa may bintana.  “Hindi na niya naabutan ang papa...”  Hindi na niya napigilan ang pagluha.  Wala siyang ibang dapat sisihin kundi ang sarili niya.  Bakit niya ginustong makatakas sa nararapat niyang gawin?  Buhay tuloy ng papa niya ang kapalit.

Tumayo Si Jordan at nilapitan si Anthea na nakatayo sa may bintana--inabutan ito ng panyo.  

“Jordan, nais kong pumunta sa himlayan ng aking pamilya.” Mahinang sabi ni Anthea matapos punasan ang luha niya.  Hindi gusto ni Anthea ang tumakas sa obligasyon--labag sa kanya ang makasama ng habang buhay ang taong hindi niya mahal.

“Alam ko sa Paco Park inililibing ang mga tao noon panahon ng Kastila.”  Napatingin si Anthea dahil hindi niya alam ang sinasabing libingan ni Jordan.  “Ang aking lola ay nakalibing sa Cementerio de Dilao.  Maaring dun din nakahimlay ang papa, kasama ng pamilya ko.”  Kinuha muli ni Jordan ang ipad niya at tinype ang ‘sementeryo de Dilao’.  Nalaman niya na lumang pangalan yun ng Paco Park.

“Buhay pa din ba ang Cementeryo de Dilao ngayon?”

“Oo, pero tama ako, Paco Park na ang pangalan niya ngayon.  Pero alam ko, hindi na siya semeteryo--isa na siyang park.  Tara puntahan na natin, baka gabihin tayo.  Hindi ko pala pwedeng gamitin ang kotse dahil coding.”  Hindi na nagtanong si Anthea tungkol sa huling sinabi ng binata.

Nakatingin lang si Anthea sa sasakyang may dalawang gulong.  Nakita na niya ang ganitong sasakyan noong nakasakay siya ng taxi.  Hindi niya matandaan ang pangalan ng behikulong yun.  Kulay itim, maliit at makitid ng silya--hindi niya alam kung papaano sila magkakasya dun.  Napatingin siya kay Jordan.

“Aangkas ka lang.  Mas mabilis ‘to kesa mag kotse o jeep--tsaka traffic pa.”

“Ano ang behikulong ito?”

Fide et Amor [TimeTravel Romance] hiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon