Chubby Ako - Entry #44

8.5K 137 132
                                    

ENTRY #44

Janella's POV

Bumaba kaming dalawa sa tricycle at iniabot ko yung bayad kay Manong saka ako tumingin kay Josh. "Bakit ka ba kasi sumama Josh?"

Tinignan niya lang ako tsaka naglakad papasok sa school namin. Swerte niya lang at hindi siya nakita nung guard kasi hindi naman pwede pumasok ang hindi estudyante eh. Napailing na lang ako tsaka sumunod na rin sa kanya papasok. >_<

"May klase ako. Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya nung nahabol ko na siya. Kaso hindi sumagot. -____- Kaya ang ginawa ko, pinitik ko nang malakas yung tenga niya at yun ang nagpapukaw ng diwa niya. Ha!

"Aray! Ba't ka ba namimitik?!"

"Ba't ka ba bingi?!" inirapan niya lang ako kaya inirapan ko rin siya. "Saan ka kako pupunta! May pasok ako tsaka 'di pwede ang sit in."

"Sa'n pwede tumambay dito sa school niyo?" sagot niya saka minasdan niya yung school namin. 

"Sa canteen." tinignan ko yung relo ko at nakita kong malelate na pala ako. Psh. "Ano na? Kung umuwi ka na lang kaya?"

Kung kanina eh lakad siya ng lakad, ngayon eh bigla siya napatigil. Diretso lang yung tingin niya tapos tumingin siya sa akin. "Dito rin pala siya nag-aaral?"

Kumunot yung noo ko sa tanong ni Josh. "Sino?"

Tinuro niya yung taong tinutukoy niya. "Sino pa ba?"

At as if on cue, tumingin din ako sa taong tinuturo ni Josh. Nang nakita ko kung sino, biglang bumigat yung pakiramdam ko. Hinawakan ko ng mahigpit yung bag ko tsaka hinila si Josh papunta sa ibang direksyon. 

"Hoy! Karapatan mong hilahin ako?" sinubukan ni Josh na kumalas sa hila ko pero mas hinigpitan ko pa 'to hanggang sa makarating kami sa building kung nasaan ang room ko.

"Sa canteen ka na lang tumambay. Kung gusto mo nang umuwi, bahala ka. Aakyat na ako ah." sabi ko nang hindi lumilingon sa kanya.

"Sige, sa canteen lang ako. Ang boring sa bahay kaya ako sumama dito. Teka ano ba problema mo? Tss. Ano nga ulit pangalan nun? Di'ba bestfriend mo yun?" hindi ko alam kung nang-iinis 'tong si Josh o talagang hindi niya lang alam.

Huminga ako nang malalim tsaka tumango sa kanya. "Oo, si Kim."

**

Hindi ako makapaniwala. After one long week, he's finally back.

"Kim Salvador?" tanong ni Ma'am. Practice niya na kasi magcheck ng attendance bago magsimula ng paglelesson.

At kung dati eh walang sumasagot sa tanong niyang yan, ngayon meron na. "Present!"

Narinig ko na may nagtanong kay Kim kung kamusta na raw ba siya. Pero ako? Eto, nakaupo lang at hindi susubukang tumingin sa likuran.

"Welcome back Mr. Salvador. So, approved ba?" 

"Thank you po Ma'am. Approved po." sagot ni Kim. Approved? Ang alin? Haaay.

Nang matapos ang checking of attendance, nagsimula nang maglesson si Ma'am. Tahimik lang ako pero ang daldal ng utak ko. Ang dami na namang tanong na bumabagabag sa isip ko. >___<

Kelangan ko nang makausap si Kim. Paano ko kakausapin? Baka galit siya sa akin eh. Pero di'ba dapat ako yung magalit kasi hindi man lang siya nagparamdam? Haaay. Kausapin ko na kaya?

Utang na loob Janella! Kausapin mo na!

*lunch break*

Bangag akong pumunta sa canteen para makakain na. Nakita ko nga si Josh pagpasok ko na kumakaway sa akin. Nandun siya sa dulo. Buti naman pala at ni-reserve ako ng upuan nitong mokong kong kapatid. 

Chubby Ako. (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon