Chubby Ako - Entry #11

24.5K 178 81
                                    

 

 

ENTRY #11

xxx-xxx-xxx

Janella's POV 

 

 

“Ate, sigurado ka ba talagang papasok ka dito? May lessons kami! Hindi kita mat’tour sa school!” tanong ko kay Ate Jayeslee nang nasa harap na kami ng gate ng school. Sumama kasi siya sa akin eh. -_______- Ang kulit talaga ng ate ko. Trip niya raw na sumama since wala naman daw siyang gagawin sa bahay.

“Of course shobs! Ang boring sa bahay eh! Saka.. gusto ko rin ma-meet ang mga friends mo. Nothing’s wrong with that naman diba?” tumango na lang ako.

Nga pala, simula nung sumabay sa amin maglunch si Drew, sabi niya sabay na raw kami palagi maglunch. By kami, she meant: ako, siya, si Kim at si Luke. Hindi na ako nakahindi kasi ‘friends’ din naman daw kami.

Sabay kaming pumasok ni Ate sa gate. Haynako. :| Siya na talaga ang maganda. Paano.. hindi naman pinapapasok dito ang mga walang ID pero siya, nginitian niya lang si Kuya Guard.. pinapasok na siya. Witwew.

Nung pumasok na kami sa school.. Ano pa nga ba.. Edi pinagtinginan siya ng mga students. Sa ganda ba naman ng ate ko ‘no?! Siguradong pagtititigan talaga yan. Dumating na kami sa classroom. Tinawag ni Ate yung class vice-president namin at tinanong kung pwede siya maki-sit in since hindi pa naman time. Wala nang nasabi si Vice-President, as in dazzled siya. Phew.

“Woah Janella, hindi ko alam na alalay ka pala ng isang artista?!” lumapit sa akin yung isa kong maarteng kaklase na katropa ata nila Drew.

Nginitian ko na lang siya pero dahil ayaw ng ate ko na inaaway ako, nilapitan niya yung babae tsaka nginitian. “Hiii! Hindi naman ako artista ehh.. pero hindi ko rin alam na may mga students pala dito na walang manners? *taas-kilay*”

“Ahh.. w-whatever! *Kala mo naman kung sinong maganda.*” sabi nung kaklase ko. Woah. Nagpatalo sa ate ako. Haha. Ganda talaga ni ate! ** << whisper

“Ate Jay naman, hindi mo naman kelangang tarayan yun eh. Sanay na ako dun!”

“Anong sanay!? Anong ibig mong sabihin, ginaganyan ka talaga dito? Inaaway at binubully? Nako shobs! Hindi pwede yan! Kung pwede lang sanang magtransfer dito eh ginawa ko na!”

“Eh ate.. graduate ka na ng college diba? Edi hindi ka na pwede magschool..”

“Ay oo nga ‘no. Mehehe. ^_____^v Oh shobs.. andyan na ata yung teacher niyo oh. Alis na muna ako ah. Dyan lang ako sa bench sa harap ng classroom niyo.” Tinuro niya yung unoccupied bench sa labas.

Chubby Ako. (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon