Chubby Ako - Entry #5

28.9K 210 56
                                    

ENTRY #5



"Manong guard *hingal* anong.. oras na po? Hooo!" 

"Sabado ngayon. Bakit ka nandito? May appointment ka ba? Nasaan ang ID mo? Hindi mo ba alam na bawal pumasok ang mga--"

"UTANG NA LOOB! Manong! Oras lang ang tinatanong ko! Hooo. Anong oras na PO ba Manong!?"

"Oras na para bumili ka ng--"

"Anak ng nanay mo Manong! Dyan ka na nga! Walang kwentang-- CHE! Babush!" 

tumakbo na ako papasok sa campus. Late na akoooo! Sabado pala ngayon! Kelangan ko pa maging part-time tutor para sa mga remedial classes ni Mrs. Mirasol!

*ahem*

Oo, nagtuturo ako sa mga estudyante na nagreremedial sa Math. Pabagsak kasi yung grade nila eh kaya kelangang i-tutor para makapasa. Libre ang remedial class na 'to. At libre din 'tong pagturo ko. Ewan ko ba kung bakit ako pumayag dito. Dagdag pagod eh!

Kakagaling ko lang pala sa bahay namin, galing sa jogging namin ni Kim. Grabe. :| Ayoko na lang magpapayat!

JOKE. :P

Susunduin nga pala ako ni Kim mamaya kasi magpapatulong daw siya sa project niya. Okay. Ako na ang busy.

Pumasok ako sa room namin at voila. Yung awkward moment na pinagtitinginan ka ng mga students na kanina pa sayo naghihintay. -________-v

"Ahmm.. *kamot-kamot* Hi? Ehehehe. Sorry late ako guys, may ginawa pa kasi eh.." nagcheck ako ng attendance at kumpleto na sila lahat.

"Uhmm.. so ano ba yung topic natin ngayon?" tinignan ko yung notepad ko. "Ahh.. cosine and sine function? Madali lang 'to guys. Within 30 minutes matatapos natin 'to. AJA!"

Kumuha ako ng chalk at nagsimulang magsulat sa blackboard na color green. "Okay.. so alam kong familiar na kayo sa kung ano ang meaning ng cosine at sine functions, pero uulitin ko pa rin para ma-note ninyo. Kasama kasi 'to sa PT natin. Ang cosine at sine function ay--"

"Excuse me?"

"You may be excused. Ahem. As I was saying--"

"Hindi. Kasi.. Ms. Salvador?"

Nakngkalabaw sino ba 'tong nang-iistorbo sa klase ko? -_____- Nasa mood na ako magturo eh! Binitawan ko muna yung hawak kong eraser at chalk at tumingin sa pintuan.

Chubby Ako. (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon