Chubby Ako - Entry #37

15.1K 152 122
                                    

ENTRY #37

Janella's POV

**

After two weeks... 

"Sigurado ka bang hindi ka talaga sasama?" tanong sa akin ni Mama habang pinapasok niya yung bags sa metal detector. "Ayaw mo ba na maging complete tayo this Christmas?" tumingin siya sa akin tapos naramdaman ko na nagiging pakonsyensya mode na naman ang nanay ko.

"Ma naman! May school pa kaya, hindi ako pwede umalis basta-basta. Tsaka matagal pa bago ang balik niyo diba?"

Nakita ko si Josh na papalapit sa amin habang dala-dala niya yung juice na binili niya. Ipinasok niya na lang yung mga gamit niya sa detector at hindi na nakialam sa pag-uusap namin ni Mama.

"Siguro, on February? Tapos alis ulit kami sa March." napabuntong-hininga si Mama. "Hindi ako makaka-attend ng Graduation mo Janella."

Natahimik ako dun. Napag-usapan na naman ni Mama ang tungkol dyan. Honestly, nalungkot ako. Syempre, hindi makaka-attend parents mo sa sarili mong Graduation. Sino namang hindi sasama ang loob diba? Pero nagpromise naman si Mama na uuwi sila kapag April. Silang lahat, kasama si Papa. Well at least uuwi sila.

"It's okay Mama. Tsaka, andyan namin si Ate Jay eh. Siya yung makakasama ko during that day diba?" tumango si Mama.

Naglakad na kami ulit hanggang sa makarating kami sa check-in room. Hindi na ako pwedeng pumasok dito.

"Sigurado ka talaga Janella?" natawa ako sa pahabol ni Mama. Umiling na lang ako sa kanila. "But you can study college sa States. Pag-isipan mo ah?"

"Ma, UP diba?" ngumiti ako sa kanya tsaka nagwave. "Bye Ma! ingat kayong dalawa ah?" tumingin ako kay Josh na busy sa PSP niya. "Merry Christmas and Happy New Year in advance!"

Lumapit pa sa akin si Mama para yakapin ako kaya niyakap ko rin siya. Tapos tumakbo pa ako papalapit kay Josh at... err niyakap ko rin siya. Alam kong sinibangutan niya ako pero who cares.

Hinintay ko lang na mawala na silang dalawa sa paningin ko tsaka lang ako umuwi sa bahay.

Pagdating ko sa bahay namin, nakita ko si Manang na nag-aayos na ng mga gamit niya. Haaay. Ako na talaga ang poreber alone ngayong Pasko. >3<

"Manang? Gusto niyo pong tulungan ko na kayo dyan?" tumabi ako kay Manang. Nakaupo kasi siya sa sofa habang inaayos yung mga gamit niya.

"Ay naku, wag na Janella, kaya ko na 'to. Pano.. ikaw lang mag-isa ngayon dito? Naku bakit ba kasi hindi ka sumama kina Ma'am, ikaw na bata ka.." umiling-iling pa si Manang. Ngumiti na lang ako sa kanya.

"Okay lang po 'yun, tatawag naman po sina mama eh. Kayo po? Mag-isa lang kayong uuwi. Ingat po Manang ah?" tinulungan ko na siyang ilagay sa bag niya yung natitira pang mga pasalubong ata.

"Mag-iingat ka rin Janella." niyakap ko na rin si Manang.

Hindi na siya pumayag na ihatid ko pa siya sa terminal kaya sabay na lang kaming naghanap ng taxi. Nang nakahanap na kami, sumakay na si Manang sa loob, nagpaalam at kumaway na lang ako sa kanya tsaka bumalik sa bahay.

Haaaaay. Home alone.

Tumingin-tingin ako sa paligid ng bahay. Malakas ang pakiramdam ko kapag ako lang mag-isa eh. Creepy. O____O

Isinira ko lahat ng mga bintana sa first floor, pati yung pinto. Yung susi tinago ko sa washing machine. Inalis ko rin lahat ng outlets ng appliances na hindi naman ginagamit. Nung masigurado ko na sirado na lahat, tsaka ako umakyat sa taas-- sa kwarto ko, tsaka in-on yung air con. Kinuha ko yung libro ko (Para sa Hopeless Romantic) at humiga sa kama. Ay, in-on ko na rin pala yung TV para may moral support.

Chubby Ako. (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon