Chubby Ako - Entry #35

15.5K 127 95
                                    

A/N: Sa mga nagbabalak po pala magpadedicate, hindi ko na po maisasama kasi full na po ang dedics list. Hanggang entry #50 pati sa three special chapters eh meron na. Kaya ayun, sorry :(( Sa sunod na story na lang :))

Entry #35

Janella's POV

xxx-xxx-xxx

"Get ready 4-A! Kayo na ang susunod!" sabi sa amin ng adviser namin habang nakatayo siya sa may pintuan.

Busy ang lahat kasi naka-schedule ngayon ang picture-taking para sa yearbook. Kabanas. :| Hindi ko naman type ang mga ganito-ganito eh. Pero kinuha ko pa rin yung suklay ko sa bag tsaka inayos yung buhok ko. Nakakahiya naman sa photographer diba? Isang individual picture kasi tapos class pictures with our adviser and subject teachers. Sasakit panga ko nito.

Medyo naweweirduhan ako. Napatingin kasi ako sa mga babae kong kaklase, lalo na dun sa may part nina Yanna. Nagsusuklay sila, oo. Naglalagay ng pulbo, oo. Pero naglalagay ng cologne? Teka, kelangan ba talaga yun? As if naman maaamoy sila while taking the pictures diba? Naku talaga.

"Psst." narinig kong may sumitsit sa likod ko. Ako, bilang assuming eh lumingon para tignan kung sino yung sumitsit.

"Kim?" tanong ko sa kanya. Nakaupo lang siya dun at hindi nag-aayos. Syempre, lalaki eh. Mga babae lang naman ang conscious sa sarili nila. Well, siguro conscious din ang mga lalaki pero MAS ang mga babae.

"Janella?" he was kind of mimicking the way that I asked him a while ago. -____- Ano na namang trip nito?

"Anong problema mo?" tinaasan ko siya ng kilay then I stuck my tongue out. "Yung proposal natin, aasikasuhin pa natin yun. Hindi pwedeng ako lang mag-isang mag-aasikaso."

"Sinabi ko bang hahayaan lang kitang mag-isa?" sagot niya. Well, double-meaning ba yun? Or baka ako lang. Anyways.

"Naniniguro lang. Kita tayo mamaya sa library ah." hindi na siya nakasagot pa kasi pinalabas na kami ng adviser namin. Turn na raw kasi namin.

Naka-line pa kami habang papunta sa auditorium. Kami daw kasi ang 'model section' kaya dapat naka-line tapos proper, etcetera, etcetera. Pagpasok namin sa loob, may isang malaking puting tela na nakadikit dun sa wall kung saan nagv'view ng presentations or reports na kelangan ng projector.

Kami lang yung nasa loob since ayaw ng admin na masyadong magulo. One section at a time. Okay lang naman kasi ten sections lang naman ang fourth year tapos more or less, 50 students each section.

Inuna muna yung class pictures tapos sinunod na yung individual pictures. Ayoko nito kasi. T____T Eh ikaw lang nakaupo doon tapos titignan ka ng mga kaklase mo kaya hindi mo alam kung ngingiti ka ba o sisimangot na lang. Psh. Pero dahil para sa yearbook nga ito, syempre ginandahan ko na yung ngiti ko. Aba mahirap na.

Pagkatapos ng picture-taking, diretso na agad kami sa room. Oo, free period na, meaning: wala nang gagawin.

"Class, since malapit na ang Christmas vacation, a week after this week na, sigurado na ba kayong ayaw na ninyong mag Christmas party?" tanong sa amin ni Mrs. Adviser. Kanya-kanyang bulungan naman yung mga kaklase ko pero tumayo si Yanna to represent the class, palagi naman.

"No ma'am. Napagkasunduan na po namin na 'wag na magparty since ganyan na lang palagi ang nangyayari for the past three years. Okay lang naman po yun since malapit na rin naman po yung Junior-Senior Promenade." tumango naman si Ma'am sa sinabi ni Yanna. Ibig sabihin, payag talaga siya na 'wag na magparty. Sayang! first party ko pa naman sana na kasama si Kim.

Kagabi, muntik na akong lamunin ng mga naiisip ko. Una, yung about sa college. Since nakapasa ako sa UP, malaki ang chance na doon ako mag-aral. Yun ay kung hindi ako papayag sa alok ni Mama. Ewan ko lang pero napunta ang isip ko kay Luke. Then later on.. kay Kim.

"Tara na?" naputol ako sa moment of solemnity (NAKS!) ko nang biglang may nagsalita sa harap ko. Napatingala ako at nakita ko na inaalok ni Kim sa akin yung kamay niya.

"Saan?"

Binigyan niya ako ng naglolokohan-ba-tayo face tsaka nagsalita, "Saan pa ba Jan? Syempre sa Library. Kala ko nagpapasama ka kanina?"

Napa-aaah naman ako nun tsaka kinuha yung hard copy ng proposal namin sa bag ko. Binigay ko yun sa kanya tsaka diretso na kami sa Library.

Haaaay. Napaka-uneventful naman ng araw na 'to. >____<

**

"Ano bang gagawin natin dito, Jan?" tanong sa akin ni Kim tsaka umupo kami sa usual seat namin dito sa Lib.

"Ehh maghahanap ng additional pieces of information para sa related lit!"

Tumango siya sa akin. "Ano nga palang plano mo ngayong Christmas vacation?"

"Hmm.. wala naman. Aalis na kasi sina Mama bago magChristmas vacation tapos baka sumama ako--"

"WAG!" nabigla ako kasi bigla rin siyang napasigaw. Nag-ssh tuloy sa amin yung librarian. Napatingin ako sa kanya tapos kinakamot niya na yung batok niya. "Ibig kong sabihin eh.. wag-- wag kang kumain ng marami sa bakasyon! Tataba ka na naman makikita mo."

Automatic na akong napasmile dun. "Wag kumain ng marami.. o wag akong sumama kina Mama?" I smiled teasingly at him. "Eh hindi naman talaga ako sasama, balik na sila sa ibang bansa eh, uuwi pagkatapos ng Prom."

Tumayo ako nun para kumuha ng mga libro sa shelf. Naramdaman ko na sumunod naman sa akin si Kim. "So anong plano mo ngayong bakasyon?"

Tumingin ako sa kanya, "Wala nga. Siguro kakain lang ako mag-isa kasi syempre uuwi si Manang tapos kapag Bagong taon naman, edi manunuod na lang ako ng fireworks."

"Ang lungkot naman ng buhay mo Janella." napatingin ako sakanya nun tapos nakita kong umiling-iling siya habang nagt'tsk-tsk. Yung pang-inis ba?! >___<

"HINDI AH! Masaya kaya yun! At least independent ako. Tsaka I'm sure tatawag naman sina Mama eh." tumingin ulit ako sa shelf at nakita ko yung hinahanap kong libro sa mataas na parte, hindi ko maabot.

"Punta ako sa bahay niyo sa bakasyon ah?" pinatabi niya ako. "Ano bang kukunin mo?" 

Tinuro ko sa kanya yung Gen. Science book na katabi ng Chem book. "Ano namang gagawin mo sa amin?"

Nakatingin ako sa kanya habang nakatalikod siya kasi hinahanap niya yung libro nang tumingin siya sa akin tapos nagkatinginan kami sa mata. Hindi ako agad naka-react nun. It was a three-second stare at ako ang unang umiwas ng tingin.

Because I think something just hit me.

"A-ah, wala lang! Gusto kong pumunta eh! Doon ako magbabakasyon! Teka, ano nga ulit yung libro?" sabi ni Kim. Medyo nailang ako nun for some unknown reasons kaya sumagot ako without looking at him kahit nakatalikod naman siya sa akin.

"General Science book, yung color blue na katabi ng Chem book."

"Alin ba? Wala naman dito eh.." naramdaman kong tumingin siya sa akin pero ibinalik niya rin naman yung tingin niya sa shelf. 

"Ayun oh!" lumapit pa ako sa likod niya habang tinuturo yung libro. -____- Bulag talaga kahit kelan. >___< Hindi, biro lang. *smirks*

"Alin? Dalawa ang nandito eh." napasimangot naman ako sa kanya kahit di niya nakikita. 

"Ayun nga eh!! Yung katabi ng color green na libro! Kitang-kita ko nga dito oh!" lumapit pa ako lalo sa kanya para madama niya talaga yung sigaw ko.

"Eh ba--mmpp."

O////O

Sa pinakaunang pagkakataon, naramdaman ko yung sinasabi nilang butterflies in your stomache. Nanlaki yung mga mata ko sa nangyari at nanghina yung tuhod ko. Napaatras ako kay Kim at napatulala.

Kelangan kong makaalis dito.

"A-ah, CR lang ako! BYE!" hindi ko na hinintay pa yung sagot ni Kim at tumakbo na ako palabas ng Lib kahit feeling ko eh madadapa na lang ako sa daan.

"Janells!" napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Luke. Hindi ko siya pinansin at diretso lang ako sa CR.

Isinira ko agad yung pinto pagkapasok ko tsaka humarap sa salamin habang nakahawak sa labi ko.

Yung first kiss ko, wala na.

Chubby Ako. (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon