Chubby Ako - Entry #29

18.2K 138 180
                                    

ENTRY #29

A/N: Hi guuuuys! I neeeeed your comments! :DD Been a while since I included an author’s note eh. This one is dedicated to her :) and to ate Nikki! >:D P. S. WAIT! HINGA NG MALALIM AH! GO! :D

xxx-xxx-xxx

Janella’s POV

Wednesday

---------------

“Good morning mama! Mukhang ang sarap ng niluluto niyo ah?” pagkagising na pagkagising ko, diretso agad ako sa kusina kasi tinatawag na ako ng espirito ng pagkain eh.

“Kakain ka na naman? Ang taba-taba mo na tapos kakain ka na naman? Diet naman tayo dyan friend.” Biglang sulpot sa akin ni Josh na nakaupo na pala dun sa dining table.

=___=” Seryoso, biglang nawala yung good mood ko sa biglang segue ng tiyanak na ‘to. Sana pala hindi na lang iniluwal ‘to ‘no?

“Joshua, kumain ka na nga lang dyan. Tsaka.. pumapayat na naman ang ATE Janella mo ah?” in-emphasize ni mama yung word na ‘ate’ para siguro pumasok sa kukote ni Joshua na mas matanda ako sakanya. Binigyan ako ni mama ng isang plate na may tapsilog.

Shocks. Ang sarap. Sira ang diet plan. </3

Tignan ko lang yung plato na binigay ni Mama kasi nagdadalawang-isip ako kung kakainin ko ba o hindi. “Wag kang mag-alala Janella, one cup lang yan.” Tinignan ko si mama tapos nagwink siya sa akin. Natawa ako kay mama. Buti naman at sinusuportahan niya ako sa goal ko ngayon. ^_____^

Sinimulan ko nang kainin yung tapsilog, binilisan ko nga eh kasi baka malate ako. Pagkatapos ko kumain, toothbrush, ligo, at bihis na ang routine ko. Nagpaalam na ako kay Mama at binatukan si Josh bago ako umalis ng bahay.

Pagdating ko sa school, halos walang tao sa main buildings. Yung mga buildings sa medyo harapang part. Napansin ko rin na may mga students na naka-color coding na ewan. May mga dala nga silang junk foods tapos balloons na pahaba eh, yung oblong ang shape.

Ahm. Anong meron?

Sinubukan kong sundan kung saan pumupunta yung mga students tapos nakita ko na papunta silang lahat sa gym.

Nak ng. Ngayon pala yung laro nina Luke?! Nakalimutan ko na naman! Shoot! Hindi man lang ako nakapag-good luck o ano. T__T Pumasok na rin ako sa loob ng gym at tell me about it, ang sangsang ng amoy! Ang dami kasing tao eh kaya ayun, naghalo-halo yung amoy. Dumaan muna ako dun sa food stand para bumili ng pagkain.

Saktong may nakita akong Pringles at nag-iisa na lang siya. Wala namang bumibili kaya sinabi ko dun sa nagbabantay na bibilhin ko yun kaso may nakasabay ako. Bibilhin din daw niya yung Pringles eh.

“Ay sorry miss, sige na, sayo na lang yang Pringles..” sabi sa akin nung babae. Chubby rin siya tulad ko tsaka cute din. ^___^

“Ahm, sure ka ba ate? Baka kasi gusto mo rin niyan eh?” sagot ko kahit gusto ko naman talagang bilhin yung Pringles. Syempre dapat hindi maging selfish, lalo na sa pagkain.

Yuck, kelan ko pa naging rule yan.

“Ah hindi sige na, kunin mo na. Iba na lang yung bibilhin ko..” tumingin siya dun sa nagpapabili tsaka bumili ng V-Cut tapos bottled water. “Ano nga palang pangalan mo?”

Tumango at ngumiti na lang ako sakanya tapos binili ko na rin yung Pringles tsaka bottled water din. “I’m Janella.. Janella Salvador.” Ngumiti ako sa kanya.

“Ahh. Hi Janella! Ako si Nikki.. Nikki Mendiola. Senior ka rin right? Senior din kasi ako..” ngumiti siya sa akin tapos sabay na kaming naglakad papunta sa bleachers. Para ngang kaming dalawa lang yung nag-uusap kasi hindi namin pinapansin yung mga maiingay na estudyante eh.

Chubby Ako. (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon