Chubby Ako - Entry #25

20.2K 156 69
                                    

ENTRY #25

A/N: Updating two times in one day? So not my style. xD Kaso may napansin lang kasi ako about this certain person who would always comment that the updated entries are "bitin." I have nothing against it though, so yeah, update! :)

xxx-xxx-xxx-xxx

Halos 20 minutes na akong nakatayo dito sa harap ng cabinet ko. Hindi ko alam kung anong isusuot ko. Nahihiya kasi ako sa mga pwedeng maging reaction ni Luke sa isusuot ko. First… date pa naman namin ‘to. Gusto ko sana magdress kaso sabi ko, ang formal naman masyado, “friendly” date lang naman ‘to. Well, yun ang tingin ko. In the end, nagsuot lang ako ng jeans tsaka shirt. Okay na naman ‘to diba? Haaay. Bakit kasi umalis pa si Ate Jayeslee, wala tuloy akong mahingian ng advice.

Chineck ko yung orasan ko at mayroon pa naman akong 30 minutes bago mag-ala una. Ala una kasi yung usapan namin. Sabi sa akin kahapon ni Luke, sa may paradahan daw ng jeep ang hintayan. Kaso paggising ko kaninang umaga, nakatanggap ako ng tawag mula kay Gabby. Sabi niya sa mall na lang daw kami mismo magkita-kita. Nagtaka nga ako kung saan niya nakuha ang number ko, sabi niya kay Kim daw. Maiinis sana ako kay Kim kasi pinapamigay niya lang yung number ko pero okay na din since kilala ko naman si Gabby.

Lumabas na ako ng bahay tsaka nagpaalam kay Manang. Sabi ko uuwi ako bago mag 8pm sharp. Sumakay na ako ng tricycle kasi ayoko na maghintay na mapuno pa yung jeep. Ang aga ko pa pero mga 10 minutes kasi mula sa bahay namin papunta sa mall kaya okay lang. Pagdating ko sa mall, sa main door, sa harapan, wala pa akong nakitang Gabby, Kim o Luke.

Naghintay ako sa tabi ng pintuan. Nakakailang nga kasi pinagtitinginan ako ng mga taong dumadaan na para bang may problema sila sa akin o ano. Mga sampung minuto akong tumayo dun, tsaka lang ako nagdesisyong umalis nung mapansin kong tingin ng tingin sa akin yung guard na nakabantay. Akala niya siguro pinaplano kong bombahin yung mall kaya umalis na lang ako. Hindi ko nga siya pinansin eh. Keber lang.

Pagpasok ko sa mall, lumapit ako sa may ice cream stand doon sa gilid. Bumili ako ng paborito kong mocha flavor tsaka umupo sa bench para maghintay. Panay ang tingin ko sa cellphone ko, sa orasan ko, sa cellphone ko. Ganun lang ang cycle ko hanggang sa maubos ko yung ice cream.

Naalala ko kahapon nung nakita namin si Drew doon sa mini stop. Ang odd lang… ngumiti lang siya sa akin. Dati ang hyper nun kapag nagkikita kami kahit alam kong plastic lang, pero kahapon? Ewan. Parang.. nah, hindi naman siguro.

Tumayo ako para itapon yung tissue tsaka yung natirang cone ng ice cream sa basurahan. Medyo nagulat ako kasi may tumapik sa balikat ko habang nakatalikod ako nun. Baka kako holdaper kaso hindi naman pwede kasi may secu sa door. Hinarap ko yung tumapik sa akin at nakita ko si Kim.

“Kim? Buti naman at nandito ka na! Kanina ko pa hinihintay sina Gabby eh..”

“Yun nga ang problema, Jan.” kumunot yung noo ko sa sinabi ni Kim.

“Anong problema? Sa ibang lugar na lang daw ba tayo magkita-kita?”

“Hindi. Masama daw yung pakiramdam ni Gabby. Hindi siya makakapunta kaya tayong tatlo na lang daw.”

Nagulat ako sa sinabi ni Kim. Kaming tatlo?! “Pero?! Kaninang umaga lang eh—Haay. Okay.” Naisip kong wala na namang point para magreason out pa ako kasi hindi naman madadala niyan dito si Gabby.

“Tawagan mo na si Luke..” napaiwas siya ng tingin sa akin. Weird. Kinuha ko na yung phone ko para tawagan si Luke. Ring lang ng ring hanggang sa cannot be reached na. Sinubukan kong tumawag ulit ng dalawa pang beses pero pareho lang ang nangyayari, ring ng ring tapos cannot be reached na ulit.

Tinago ko na yung phone ko tsaka humarap kay Kim. “Kim.. cannot be reached si Luke. Mukhang.. hindi rin ata siya makakapunta.”

The thought na kaming dalawa lang ni Kim ang nandito, nailang ako. I was fine with Gabby’s idea na gumala kaming apat ngayon at magkaroon ng couple date kasi apat kami. But now na si Kim na lang ang kasama ko…

Chubby Ako. (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon