Chubby Ako - Entry #26

19.7K 152 74
                                    

ENTRY #26

A/N:

The new cover is made by @ChuckDangler. It's soooo cute. Mehehe. >:D< You can also read her story "C.A.T." Ang cute nun promise. :))

xxx-xxx-xxx-xxx

Pagdating ko sa room, nagkakagulo yung mga students, as usual. May mga naka-circle pa nga tapos nag-uusap-usap eh. May isang circle doon na na-intriga ako, may hawak-hawak siyang IPad eh, tsaka parang may binabasang details about something. Lumapit na rin ako tsaka nagtanong kung anong nangyayari. Sabi sa akin nung isa, next weekend na raw yung entrance exam para sa UP. I snapped a finger, oo nga pala. Buti na lang at naayos ko na yung mga requirements kung saka-sakali. Magc’college na pala ako? Woah, that thought scared me.

Dumiretso na ako sa seat ko at nagpakaloner as usual. Back to normal na ang lahat kasi tapos na ang school fest. Acads naman ang focus ng lahat ngayon. Malapit na ang periodical test eh. Tapos yung pre-congress pa. Haaay. Iniisip ko pa lang nas’stress out na ako. Binuklat ko na lang muna yung libro ko since wala pa naman yung first period teacher namin. I was reading about Chemistry nang biglang may kamay na pumatong sa libro ko, blocking me from reading. Tinignan ko naman kung sino and gee… Yanna and company.

“Hi Janella! So I heard nililigawan ka na pala ni Luke?” tinignan niya ako na para bang nandidiri siya sa impormasyong nakuha niya.

Inalis ko yung kamay niya sa libro ko at isinara ito tsaka ulit tumingin sa kanya. “Oo, kanino mo naman nalaman?”

“Words travel so fast dear.. Well, mukhang proud na proud ka pa ah? Hmm, I guess that’s something worth bragging din naman. Pero you?” ngumisi siya. “No offense pero, dream on Janella. Don’t keep your hopes too high okay?”

Pagkatapos nun umalis na siya. Hindi ko na nga lang pinansin. Bakit ba sinasabi ng mga tao na no offense just before they say something offensive? Haaay, mga tao nga naman. Binuksan ko ulit yung libro at nagsimulang magbasa nang may tao na naman na nagtakip ng kamay niya sa page.

“Ano na naman?!” Medyo nainis na ako. Bakit ba nila ako pinapakialamanan? Hindi naman sila ganun dati eh! At times like this? Mukhang mas gusto ko talaga maging loner. Inalis ko yung kamay na nakablock sa book at tumingin sa kung sino man yun. Kaya lang nabigla ako nung makita ko si Kim na nakakunot-noo at nagtataka siguro kung bakit ganun yung approach ko sa kanya.

“Sorry. Nasira ko ba yung mood mo?”

“A-ah Kim, hindi.. uhh, wala yun! Akala ko kasi sina Yanna na naman eh. Uhm, bakit nga pala?” umupo siya sa arm rest ng kaharap kong armchair.

“Wala.. pwede naman akong makipag-usap without any reason at all diba?” kinuha niya sa akin yung Chem book ko tsaka ini-scan yung page.

“Malayo na ang topic na ‘to ah. Advance reading?”

“Uhh oo, malapit na kasi ang periodical test eh. Kelangan ko lang paghandaan..  ayoko kasi bumagsak.”

He snapped a finger. Parang may naalala siyang something na nakalimutan niya. “Oo nga pala ‘no? Kelangan ko na rin sigurong simulan ang pag-aaral. Ayoko rin naman bumagsak. Kahit papaano eh gusto ko namang grumaduate.” Tumawa siya.

Napapansin ko na masyadong preoccupied ata ang isip ni Kim. Parang hindi siya aware sa mga school stuffs lately. Alam ko namang matalino yan eh.. considering na nakapasok siya sa first section nung nagtransfer siya dito. I know that he has this something. Siguro matalino na siya since birth. Alam niyo yun, hereditary. May matalino kasi na masipag lang mag-aral kaya matataas ang grades at meron ding matalino kasi hereditary. Ako? More like the first one.

Chubby Ako. (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon